Chapter 14

274 11 15
                                    

Chapter 14

"B-babe ka dyan!" Nauutal kong sabi pag-alis namin ng garden. We're currently in the bench, tanaw 'yung soccer field. "Siraulo ka!"

"I just had to say that, okay?!" He was laughing dahilan para matawa na rin ako. Hindi ko nakita 'yung reaksyon no'n ni Sebastian nang sinabi 'yun ni Nate. Narinig ko lang ang pagka-samid ni Sebastian no'n. 

"Sinasabi ko talaga sa 'yo, Nathaniel Ryker! Nakakahiya!" Binatukan ko pa siya. 

"No 'thank you' at least?" He mocked. 

"Fine! Thank you!" Sabi ko muli bago siya irapan na ikinatawa naman niya. I was about to reach for his hair again when I saw Sebastian standing, watching us from afar. Kinakausap siya ni Sylvainne pero para siyang bingi na walang naririnig. He gave me a frigid look as I was about to stand up, then turned his head and walked away.

We sometimes cut ties with people in life because we believe it was for the best. The other party and you might have benefited more from it. As a result, there are instances when we still yearn for and miss having the person around. Nevertheless, we shouldn't feel guilty for making the decisions we believe to be for our mutual benefit.

Mas pinili kong pagtuonan ng pansin 'yung darating na Banchetto namin. After last day ng exam ay 'yon agad ang pinag-usapan namin. Madalas wala kaming klase para makapag-prepare. Halos lahat kasi katulad ng may pinakamagandang booth, unang may maubos na benta, etc. ay may awards. Bali-balita rin na may trip to Batangas daw maraming awards ang makuha kaya aligaga halos lahat ng section.

The class was divided according to our abilities and skills. I was assigned as the head of designing the booth and making our logo. Kasama ko si Harleigh dito pati na rin si Sylvainne. May mga pagkakataon na kakausapin nila ako pero ako na mismo ang lumalayo. Sebastian and Rence are one of the people assigned in the kitchen while Allia and Kinsley were the ones assigned to contact some people who could go to the actual event para marami ang pumunta sa booth namin. Sila 'yung maraming kakilala, e.

"Claire, anong magandang shape ng logo natin na bagay sa booth?" Tanong ni Chloe. Kasalukuyan kaming nandito sa classroom. Konti lang kami dito, puro 'yung mga in-assign sa pagde-design sa booth. May kanya-kanya kaming ginagawa. Ngayon, naka-form kami ng circle ni Chloe, Harleigh, Sylvainne, at Kira. 

"I think the heart is nice, right?" Suggestion ni Sylvainne. Nagka-tinginan sila Chloe na para bang hindi nila gusto na si Sylvainne 'yung sumagot. 

"Ikaw Claire? Ano sa tingin mo?" Tanong ulit ni Chloe, not minding the remarks of Sylvainne. 

"Malawak kasi 'yung booth natin, e. Mahirap kung heart dahil baka hindi masyadong makita." I tried explaining na ikina-sangayon ng mga kasama namin. "Pwedeng rectangle nalang para pahiga siya at masakop niya 'yung space na kailangang masakop sa booth. Then, we could use heart or circle na logo shape doon sa lalagyan ng produkto natin para may design." I suggested. 

"But isn't rectangle too plain?" Kontra ni Sylvainne. "At least kung heart, unique siya, right?" She proudly said. 

"Wala namang problema pero mahirap nga," I tried explaining calmly. "Baka mahirapan tayo maglagay ng infos dahil may quote pa tayo 'di ba?. Tsaka, sakto lang 'yung rectangle sa space na pinlano natin. Like what I said, pwedeng ganoon nalang gamitin natin sa mga containers kung sakali 'yon talaga ang gusto mo." I calmly said. I need a lot of patience here. Bakit ba kasi ako pa ang head?

"I agree with Claire." Harleigh smiled before winking at me. "Maganda 'yung suggestion niya." She added.

"Sa bagay..." pagsang-ayon ni Chloe. "Sige 'yun nalang. Thank you, Claire!"

My Unforgettable Spectrum (Cariñoso Series #1)Where stories live. Discover now