Chapter 3

495 4 0
                                    

Enjoy reading~<3

Brooklyn Ash

"Are you ok Brooklyn?" Nag-aalalang sambit ni Gilbert pagkapasok ko sa sasakyan niya.

"Y-yeah." Nginitian ko siya pero ngiwi ata ang lumabas. Halatang hindi siya nakumbinse pero hindi na siya nagtanong pa.
Nagsimula na siyang magmaneho sa pupuntahan naming restaurant.

Tumingin ako sa labas at ramdam pa rin ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Mariin akong pumikit nang bumalik sa isipan ko ang nakita kanina.

"F*ck" sambit ko nang bumungad sa harapan ko ang dalawang naghahalikan. Halikan nga ba? eh mukha na silang nagkakainan ng labi sa lala ng halikan nila.

Nag-init ang mga pisngi ko nang malalim na umungol ang lalaki kaya bago pa nila ako makita ay dali-dali na akong lumapit sa pinto't lumabas na, pero bago sumara ang pintuan ay narinig ko pa ang pangalan na binanggit ng babae.

"Stephen"

Pinilig ko ang ulo nang maalis na sa isip ang kababalaghan na iyon. Hindi sa inosente ako sa bagay na iyon, sanay na akong makakita ng ganoon lalo na lagi kong nahuhuli si Brooke na may ginagawang ganoon din pagpumupunta ako sa condo unit niya. Tama lang sakanya iyon kasabihan na "basta pulis matulis" hahaha. Hindi halata but he's a police officer and he's doing his job well. Kaya proud kami sakanya kahit mahilig sa babae iyon haha.

Ano ba iyan napunta na kay Brooke ang usapan ahaha.
Anyway, ayun nga hindi ako inosente sa mga ganoon pero iyung kanina ay hindi ko alam kung bakit nag-init ang mga pisngi ko. Paulit-ulit kong naririnig ang ungol ng lalaki na lalong ikinainit ng mukha ko.

Hinilot ko ang sentido ko dahil sa frustration na nararamdaman. Bwisit, bakit doon pa kasi nila naisipan magmakeout eh?! Ako tuloy ang nahihiya dahil nakita ko sila kainis naman.

Napaayos ako ng upo nang bumalik sa isipan ko ang likod ng lalaki lalo na ang suot niyang blue sweatshirt.
Saan ko nga ba nakita iyon? Sambit sa isip.

"Let's go?" Nabaling kay Gilbert ang atensyon ko. Nilingon ko naman ang paligid at napansin nasa parking lot na kami ng isang sikat na restaurant.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko bago kinuha ang sunglasses sa bag at sinuot.
Chineck ko rin sa salamin kung ayos pa rin ba ang itsura bago bumaba ng sasakyan at tumabi kay Gilbert at nagsimula nang maglakad papasok ng restaurant.



"What do you want Brooklyn?" Tanong niya habang nagtitingin sa menu. Naghihintay naman sa gilid namin ang waitress na namumula ang mukha na ikinailing ko ng ulo.
Buti na lang nasa vip room kami at walang mga paparazzi sa paligid namin.

"Pesto pasta and smoked salmon please" nakangiting sambit ko sa waitress.
Nahihiyang ngumiti siya saakin bago hinintay ang order ni Gilbert.

"For drinks?" Tanong ulit ni Gilbert after niya sabihin ang order niya.

"Just pineapple juice" tugon ko na ikinatango niya.

"One pitcher of pineapple, please. Thank you" nakangiting sambit ni Gilbert sa waitress na lalo atang ikinapula ng mga pisngi niya.

"O-okay sir. We'll serve your order right away sir." Mabilis na sambit naman ng waitress. Nakangisi ako habang nakasandal at nakahalukipkip na pinapanuod ang nahihiyang babae.

"No, it's okay. Take your time. We're not in a hurry anyway." Marahan na sabi ni Gilbert at binigyan pa nang matamis na ngiti ang babae na konti na lang mahimatay na sa kilig kay Gilbert.

"Ahem" tikhim ko habang naglalaro sa mga labi ang ngisi sa ginagawa ni Gilbert.
Sabay na lang kaming natawa nang mabilis na lumabas ang waitress na sobrang pula ng mukha.

Like A ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon