Enjoy reading~<3
Brooklyn Ash
Mabilis kong ininom ang martini ko pagkalapag pa lang sa harapan ko, iniwas ko rin ang tingin mula kay Stephen at pilit pinipigilan ang namumuong tensyon sa katawan ko sa sobrang lapit niya saakin.
"So?..." he trailed
Hindi nakalingon sakanyang nagsalita ako,
"That was nothing, I'm just playing around." Kaila ko at mabilis na nagtaas ng kamay para matawag ang atensyon ng bartender.
"Two martini please." Sambit ko nang lumingon siya at tumango saakin. Uubusin ko lang ang mga iyon at pupuntahan sina Lj sa dancefloor at iiwanan din rito ang katabing kanina pa nakatingin saakin. Bwisit naman Stephen e! Ungot ko sa isip.Narinig kong suwabe siyang tumawa bago umayos ng upo. Tumikwas ang kilay ko sa pagtawa niya, pati tawa ang gwapong pakinggan kainis naman oh.
Kita ko sa gilid ng mata ko na nagtaas siya ng kamay at sumenyas bago nilapag sa counter ang kamay niya.
He's drumming his fingers while waiting for his order when suddenly I heard Abby's voice behind us.Naikot ko na lang ang mga mata ko nang marinig ang lasing na lasing niyang boses. Hina naman nito, tudyo ko sa isip bago ito nilingon at nakitang nakayakap siya sa leeg ni Stephen na ngayon ay hawak-hawak ang braso ni Abby na nasa leeg niya.
"You're drunk, you need to go home Abby." Masuyong sabi ni Stephen rito. Napaikot na naman ang mata sa lambing ng boses niya. Well, she's his girl so hindi na ako magugulat kung maglandian sila sa harapan ko.
Ay bakit may inis sa boses mo Brooklyn? Biglang singit ng isang bahagi ng utak ko.
Anong inis naman? Walang ganoon! Kunot-noong giit ko sa isip.Tamad ko silang pinanuod ng bumaling sa gawi ko si Abby at sinamaan ako ng tingin. Aba't!!! Inis kong bulalas sa isip.
"What are you doing here?" Mataray niyang sambit na ikinatikwas talaga ng kilay ko.
"You're flirting with my Stephen!" Akusa niya at dinuro pa ako. Inirapan ko siya at humalukipkip na inikot ang inuupuan."Excuse me? Me flirting with YOUR Stephen?" Nakangising sambit ko at diniin ang salitang your sakanya. Ambisyosang palaka rin pala eto ah, though wala akong magagawa kung naiisip niya agad na kanya si Stephen dahil nga ang isang 'to ay magaling mang-akit ng babae.
Paano mo nasabi? Naakit ka rin ba niya? Sabat na naman ng isip ko.
Gusto ko na lang sabunotan ang isip ko kung may sarili man siyang buhok. Baliw ka na Brooklyn kung ano ano naiisip mo."Yes, hindi ba?! Dapat hindi ka na lang pumunta rito eh. Panira ka ng gabi." Anito na nagpainit sa ulo ko. Walanghiya! Mura ko sakanya sa isip. Kinuyom ko ang mga palad sa inis sakanya bago bumuntong hininga at binigyan siya nang matamis na ngiti.
"Bakit naman hindi ako pupunta? Eh pagkarating ko nga tuwang-tuwa sila nang makita akong pumasok. 'Tapos sasabihin mo panira ako ng gabi, baka ikaw ang panira ng gabi dahil pagkakita ko pa lang sayo kanina, sira na ang gabi ko. Oppss sorry not sorry hehehe." Tinutop ko pa ang bibig ko pagkatapos bago siya ulit ngitian.
Sabi nga nila ngumiti ka para mainis lalo ang mga may ayaw sayo haha.Saktong nilapag ang order ko kaya kinuha ko ito nang hindi inaalis ang tingin sakanya. Nang-aasar ko siyang tinignan bago maarteng uminom sa baso, bumaling pa kay Stephen ang tingin ko na ngayon ay matamang nakatingin saakin. Tinaasan ko siya ng kilay bago inisang lagok ang martini ko.
"Why don't you take your girl home? She's already drunk and doesn't know what she's saying. Baka mamaya hindi pa tumatagal sa agency iyan natanggal na dahil sa pinagsasabi niya. Kawawa naman siya kung ganoon, kaya iuwi mo na siya." Kunwaring concern kong sabi kay Stephen na napailing lang bago tumayo at inalalayan si Abby na natahimik na pero masama pa rin ang tingin saakin.
BINABASA MO ANG
Like A Butterfly
Ficção Geral[Hiatus] R-18 Age Gap Series #2 You're like a butterfly, that everytime I try to get close to you, you'll always get away. And I'm like a flower, one of all the flowers in your garden, where you'll only see and notice when you wanted to. When wil...