Enjoy reading~
Brooklyn Ash
Ring ring
Naalimpungatan ako nang marinig na may tumatawag.
"Hhhmm?" Umungot ako bago nag-inat at dahan-dahan na nagmulat ng mata. Lumingon ako sa gilid ko at nakitang wala na si Stephen, bumangon na ako't hinanap ang phone ko sa bedside table pero iba ang nakita ko.
Napangiti ako sa nabasa.
I'm in my unit, will just take a shower.
I will cook for our breakfast and bring it there.
-StephenNilapag ko muna sa mesa ang papel bago nilapitan ang bag ko na nakapatong sa vanity table.
Avery Quinn's Calling
Isaslide ko na sana ang answer button nang may mahagilap ako sa loob ng bag ko.
"Oh"
Nilapag ko sa vanity table ang phone ko at sinagot ko ang tawag ni Avery at niloudspeaker.
"Hey, goodmorning" bati ko at nakatingin pa rin sa pack ng pt sa bag ko.
I bought 3 of that pero ginamit ko na yung 2 nung hindi ako datnan ng dalawang araw pagkatapos may mangyari saamin ni Stephen. Naalala ko pa na sobrang kaba ko noon dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling positive buti na lang negative at dinatnan din ako ilang araw after nun. Kaya simula nun nagtake na ako ng pills para iwas unwanted pregnancy sa ngayon."Walang good sa morning" aniya at rinig sa boses niya ang inis na kinataka ko.
"And why is that?" Sambit ko at inabot ang nakatuping robe sa gilid bago sinuot.
"May bagong mga intern kasi rito sa ospital nung june pa. And I thought gagaan kahit papaano ang trabaho ko ngayong unang taon ko bilang emergency doctor, pero sasakit ata ang ulo ko sa mga iyon eh." Reklamo niya na kinatawa ko nang mahina.
"Bakit naman?" Natatawang tanong ko
Sinara ko na ang bag ko bago kinuha ang phone at naglakad ako papuntang banyo."Paano ba naman, yung isa maarte pa sa maarte nakakita lang ng malalim na sugat kanina, bakit pa siya magdodoctor kung sa gano'n pa lang nagiinarte na?! Meron pa ngang mas malalang dinala rito sa ER nung mga panahong katulad din nila ako e. Then this one intern guy na mas cold pa sa yelo minsan 'tapos biglang didikit na lang saakin at hindi ako nilulubayan magdamag goosshh hindi ko siya gets Brooklyn. Ang aga-aga kanina naiistress ako sakanila buti na lang kasama kong nakaduty sina doc Lorenzo at doc Janna, baka lalo akong mastress kung nagkataon na mag-isa ko lang nakaduty, ang dami pa naman dinalang pasyente kanina." Mahabang sabi niya
Siguradong nakakunot ang nuo niya ngayon.Nilapag ko ang phone ko bago nagtoothbrush.
"Is he hot?" Malisyosong tanong ko
"Brooklyn Ash!!" Singhal niya na kinatawa ko bago tinuloy ang pagsesepilyo.
Nagmumog na ako at tinignan ang mukha kung maayos bago lumabas ng banyo. Hawak sa kanang kamay ang phone ko habang sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri."Baka may gusto sayo kaya didikit-dikit sayo haha" tudyo ko na kinasinghap niya sa kabilang linya.
"Gooshh mas bata siya saakin Brooklyn!kakagraduate lang niya from med school."
"And so? Age doesn't matter" nakangising sambit ko, lumabas na ako ng kwarto at napahinto nang makita si Stephen na nakatalikod sa gawi ko.
Yeah right, parang ikaw lang Brooklyn na nagkagusto sa mas bata saiyo haha. Napailing na lang ako sa nasambit sa isip."I know that....pero kasi..." she trailed off and heard her gasped
"What are you doing here Mr Villaforte?!"
Bahagya kong nilayo sa tainga ko ang phone nang sumigaw si Avery.
"Let's talk next time Brooklyn, may paaalisin lang akong magulo rito sa office ko." Aniya bago binaba ang tawag.
And I think who's that magulo she's talking about hehe.
Napailing na lang ako bago marahan na inatsya sa sofa ang phone ko at nilapitan si Stephen na busy-ing nag-aayos ng pagkain sa mesa.
BINABASA MO ANG
Like A Butterfly
Ficción General[Hiatus] R-18 Age Gap Series #2 You're like a butterfly, that everytime I try to get close to you, you'll always get away. And I'm like a flower, one of all the flowers in your garden, where you'll only see and notice when you wanted to. When wil...