Chapter 5

431 6 2
                                    

Enjoy reading~<3

Brooklyn Ash

Bumaba na ako sa kotse ko nang nakarating na ako sa underground parking lot ng FfMez Agency. Buhat ang bag at ang binili kong coffee from Dreamchaser, my cousin's cafe, ay naglakad ako papuntang elevator.

Nakasakay na ako sa elevator paakyat ng lobby kung saan ko sila kikitain. Sa labas kami magpophotoshoot ngayon kasama ang ibang co-models ko.

I'm tapping my right foot while drinking my coffee and waiting to reach the lobby when I received a text from Stephen saying the others went ahead first to the venue of our photoshoot.

Napaayos ako ng tayo sa nabasa, it's not 'we' but 'the others' meaning he's still here? Bakit hindi pa siya sumabay kung ganoon? I can go there naman kung nauna na sila.

Lumabas akong nakakunot-noo nang nakarating sa floor ng lobby ang elevator.
Pagtapak ko pa lang sa lobby ay napansin nang maraming tao at busy lahat sa kung anong ginagawa. Ang iba ay may hawak-hawak na mga garment bag na laman ay mga damit na sigurado akong gagamitin namin mamaya. Mayroon din may buhat-buhat na mga malalaking box.  Nililibot ko ang tingin sa paligid para hanapin si Stephen nang makarinig ako nang bulungan sa gilid ko.

"Oo nga nakita ko sila kanina sa parking lot. Kitang-kita ko iyong ginagawa nila, grabe lumuwa ata mga mata ko."

"Ibang klase rin si mr Stephen noh, ilang araw pa lang siya rito pero nakahakot na ng mga babae. Well, hindi ko naman sila masisisi eh." Stephen? Ano na naman ginawa niya at nahuli na naman siya? Don't tell me nakipagmake-out na naman siya sa cr sa parking lot?!

Mariin ko silang tinignan dahil nagagawa pa nilang magchismisan imbes na tulungan yung iba sa ginagawa nila. Hindi naman nila ako napansin at tuloy lang sa pagbulungan kaya pairap akong lumayo sakanila at lumapit sa mga sofa sa lobby at doon naupo habang hindi ko pa makita iyong pinagchichismisan nila.

I crossed my legs and sat comfortably while drinking my coffee. Alam kong kailangan ko nang hanapin si Stephen dahil malapit na ang call time namin pero dahil nairita ako sa mga narinig ay mas pinili kong maupo rito. Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ako naiirita dahil doon.

Kebago-bago niya nanglalandi na agad ng mga staff dito baka mamaya pati mga co-models ko landiin din niya.
Pumasok na naman tuloy sa isip ko ang napaginipan ko at hindi napigilan umungot nang naiirita.

"Damn it." Bulong ko at kinagat-kagat ang straw ng coffee ko.
Pinagnanasahan ko ba siya kaya napaginipan iyon?! I should be disgusted with him after I caught him and his affair inside the bathroom but nooooo, instead I dreamt that, that indecent dream gooshh.

"Miss Brooklyn" tawag saakin na ikinalingon ko. Bumungad saakin si Marie na may buhat-buhat din na garment bag.

"Hmm?"

Napakamot siya sa pisngi niya na ikinataas ng kilay ko.

"Bakit?" Takang tanong ko

"Kanina pa po kayo hinihintay ni sir Stephen." Aniya
Lalo atang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kala ko ba busy iyon sa kalandian niya sa parking kaya hindi ko siya nakita rito sa lobby, sambit sa isip.

"Bakit niya ako hinihintay? Hindi naman ako sakanya sasabay ah atsaka I brought my car with me. I can go there by myself naman at kung gusto mo sabay ka na saakin." Sambit ko at tumayo na sa pagkakaupo.
"Let's go." Yaya ko at nagsimula nang maglakad, taranta naman siyang sumunod saakin pero hindi ko siya pinansin at pinagtuunan ng pansin ang kape ko habang hinihintay dumating ang elevator.

"Miss Brook-" aniya na agad ko naman pinutol

"Hep, we can go there by ourselves Marie. Relax I'm not a reckless driver fyi." Nakatawang turan ko bago pumasok sa bakanteng elevator.

Like A ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon