Enjoy reading~
Brooklyn Ash
Ilang minuto na kami nagsasayaw ni Stephen nang may marahan humila saakin palayo sakanya.
Namumungay ang matang nilingon ko ang may salarin. Tumambad sa harapan ko si Francis na kunot ang noo at palipat-lipat ang tingin saamin ni Stephen na ngayon ay nakatayo sa likod ko at hawak ako sa braso.
"You know him?" Bulong ni Stephen sa likod ko, tumango ako sakanya pero na kay Francis pa rin ang tingin.
"You're drunk, not going home yet?" Malakas na sabi ni Francis, nakakatawa lang dahil nasa gitna kami ng dancefloor at nag-uusap kahit na sobrang lakas ng tugtugin. Kailangan tuloy sumigaw para magkarinigan.
"Not yet, uuwi na kayo ni tita?" Sigaw ko na ikinatango niya.
"Not gonna have a drink first?!" Nakangising sabi ko na ikinabusangot niya."Nope, dad found out that I planning to drink. I need to bring his queen safe and sound to him if I still wanted to have my freedom!" Napapailing niyang sabi na ikinatawa ko. Napalingon ako kay Stephen nang gumapang ang isang braso niya sa bewang ko. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin kay Francis na nakatingin na rin sakanya.
Kunot-noo ko silang tinignan dalawa bago sabay na hinila paalis sa dancefloor nang lalong dumami ang mga nagsasayawan.
Pagdating sa bar counter ay agad akong upuan at inikot paharap sakanila.
"Francis" agaw ko sa atensyon ni Francis dahil hindi niya nilubayan ng tingin si Stephen.
Seryoso siyang bumaling saakin at tinaasan ako ng kilay."Si Stephen pala, new photographer ng agency. Stephen, si Francis pinsan ko at anak ni tita Franceska." Pakilala ko sa isa't isa. Bumaling ulit si Francis kay Stephen bago ngumisi at naglahad ng kamay.
Tinaasan ko siya ng kilay sa inasta niya, hindi ko gusto ang ngiti sa mga labi ni Francis. Parang Brooke rin 'to eh maloko.
"Nice to meet you bro." Aniya
Nilingon ko naman si Stephen, nakasandal siya sa bar counter at seryosong tinignan ang kamay ni Francis bago tinanggap."Yeah, same here." Aniya at agad nagbitaw ng kamay na ikinailing ni Francis habang nakangisi pa rin.
"I don't like that smirk Francis, stop that." Mataray kong sambit bago humalukipkip.
Natawa siya sa tinuran ko bago lumapit saakin at hinagkan ako sa pisngi.Kala ko lalayo siya agad pero may binulong muna siya bago nakangising tumayo ng maayos sa harapan ko.
Salubong ang kilay ko siyang tinignan,
"What do you mean?" Tanong ko dahil hindi ko naintindihan kung para saan ang sinabi niyang, "Huwag ka masyadong magtiwala kung kani-kanino, hindi mo alam pinaglalaruan ka lang pala."
Kung ano-ano sinasabi nito."Nothing, anyway balikan ko na si mom doon. Ingat ATE Brooklyn hahaha." Nagawa niya pa akong asaran bago siya umalis. Bwisit, sabi ko nang huwag akong tawagin ate dahil hindi naman nalalayo ang edad namin sa isa't isa eh at lalo akong nagmumukhang matanda pag ganoon.
Napailing na lang ako bago humarap kay Stephen. Nawala ata lasing ko dahil kay Francis ah.
Nagtaka ako nang hindi pa rin kumikibo si Stephen sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Like A Butterfly
Fiksi Umum[Hiatus] R-18 Age Gap Series #2 You're like a butterfly, that everytime I try to get close to you, you'll always get away. And I'm like a flower, one of all the flowers in your garden, where you'll only see and notice when you wanted to. When wil...