Chapter 20

248 3 0
                                    

Enjoy reading~

Brooklyn Ash

Pagkarating na pagkarating sa FfMez Agency ay nakita ko ang ibang co-model ko na naghihintay sa lobby habang lakad-takbo sa pag-aayos ng mga gagamitin sa photoshoot ang mga staff.

Nilibot ko ang paningin sa paligid at hinahanap ang partikular na lalaki kaso hindi siya mahagilap ng paningin ko. Nagkibit balikat na lang ako bago nilapitan ang mga co-model ko.

"Uy babaita!" Gulat ko kay Lj na busy-ing nagseselpon, muntik pa niyang mabitawan ang hawak kaya masama niya akong nilingon.

Humagikhik ako bago umupo sa tabi niya, agad naman niyang sinandal sa balikat ko ang ulo niya.

"I'm so tired BA, napakafull ng sched ko this past few days goosshh. After talaga nito I need 1 to 2 weeks beauty rest and relaxation kaloka." Reklamo nito.
Sobrang busy niya nga, hindi na nga kami magkakita sa sobrang busy niya e.

"Oh right" anito bago humarap saakin. Tinaas ko naman ang dalawang kilay sakanya at nagtatanong ang mga mata.
"Sa sobrang busy ko at stress pumuslit ako isang gabi, you know, to have a glass or two sa bar. But I caught something....... no, more like someone." Chismis nito saakin.

"Uh-uh" I said before I reached for her Iced coffee placed on the glass table.
Pinalibot ko ulit ang tingin sa paligid habang sumisipsip ng iced coffee.

Saan kaya iyung lalaki na iyon? Maybe his sneaking with his mistress.

Really Brooklyn? Mistress? Hahaha what are you? His wife then?

I rolled my eyes with my thoughts.

"Yah!! Hindi ka naman nakikinig eh" inis na sambit ni Lj.

Napangiwi ako nang hampasin niya ang hita ko.

"Ano ba iyon Lj?" Tinuon ko na sakanya ang atensyon ko.

"I caught someone nga noong pumunta ako sa bar nung isang araw BA. Hindi ba busy ang mga pulis lalo na iyung mga matataas ang rank?" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"They have day-off Lj, they can do whatever they want with their free time as long as it's not illegal or against the police department. Why? Pulis ba iyon nakita mo? How did you know na pulis siya?" Sambit ko.

"Oh I know him BA, I know him very well na kahit side lang ng mukha niya ang kita at medyo may kadiliman sa pwesto niya, nila that time I know who's that."

"Ok? So?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil bakit niya sinasabi ito saakin.

"I know I'm crazy, not literally but......" may kinalikot siya sa phone niya bago ako hinila nang mas malapit sakanya yung tipong dikit na dikit ang mukha namin at parang ayaw namin may makarinig or makakita ng iba sa pag-uusapan namin na kung ano.

Bumaba ang tingin ko sa phone niya. Wala akong makita kung hindi puro dilim lang at mga naglilikot na ilaw.

"Anong bang mayroon dy-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang magzoom in ang video at tumutok sa dalawang pares na nasa sulok.
Nilapit ko pa ang mukha ko para tignan ang mga mukha nila nang mapasinghap ako. The fûck!

Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Lj na ganoon din ang reaksyon sa mukha.

"I can't reach your twin brother's audacity BA, he's already eating the girl's lips, not literally pero parang gano'n na rin kung titignan mo! Hayok na hayok lang sa labi gooshh, noong naging kami hindi naman ganyan kagrabe manghalik iyang lalaking iyan e." Malaki ang matang sabi nito na nagpaiskandalo saakin. Acting innocent now Brooklyn? Che!

Like A ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon