Chapter 21

227 4 0
                                    

Happy reading~

Brooklyn Ash

Nakatukod ang isang kamay ko sa mesa kaharap ng malaking salamin dito sa loob ng tent, nag-aalis na ako ng make up dahil tapos na ang photoshoot namin. 1 down 5 days to go, hanggang saturday ang full sched ko ngayong linggong ito, nahiya pa silang hindi isali yung linggo noh, char hehe.


Tinapon ko sa basura ang gamit na wipes at kumuha ulit ng bago nang matanggal ang ibang natirang make up sa mukha.
'Yan! Fresh na ulit ang mukha ko. Naglagay na lang ako ng isang pahid ng lipstick sa labi ko at good to go na.


Inaayos ko ang buhok ko nang sumulpot bigla si Lj sa gilid ko at bumulong saakin.
"BA, tara bar." Aya nito saakin


"First day ng busy week ko Lj, huwag mo akong ayain magbar." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa salamin, nakita ko ang reaksyon niya sa sinabi ko sa salamin.
"Ikaw kasi hindi busy dahil katatapos lang ng busy week mo." Dagdag ko na kinanguso nito.


"Ano ba 'yan, bakit kasi hindi tugma ang sched natin ngayon e, edi sana party-party na lang tayo ngayon." Maktol nito bago umupo sa isang folded chair malapit saakin.


Inipit ko ang buhok ko gamit ang hair clamp ko bago ako humarap sakanya at humalukipkip. Busy ang mga nasa paligid namin sa pag-aayos dahil mamaya-maya ay aalis na kami. I tried to look for Stephen and saw him there together with the other staffs facing two monitor, reviewing our shots awhile ago.


"Nga pala BA" nabaling kay Lj ang tingin ko, she leaned forward like she's going to whisper something so I copied her.

"Kaninang individual shots mo BA, puring-puri ka, kaya tuloy hindi maipinta ang mukha ni Liv kanina haha." Anito at nagpipigil pang tumawa ng malakas na kinailing ko. Wala naman saakin iyon dahil sa tagal ko ng modelo ay nasanay na ako sa mga papuring naririnig ko.
Ang hindi ako sanay ay ang reaksyon ni Liv, charot, normal na sa modelling industry ang inggitan sa mga modelo pero saamin taga-FfMez agency e walang inggitan na nangyayari dahil iba-iba naman ang mga minomodel namin atsaka ayaw ni tita Franceska na mag-inggitan kami sa isa't-isa. Dahil lahat daw kami ay pantay-pantay sa paningin niya, sweet ni tita tologo heheh.


"Kung nakita mo lang mukha niya kanina BA, haha" sabi pa nito na agad kong sinuway dahil napatingin saamin ang ibang staffs na malapit saamin.


Hindi ko alam kung bakit gano'n ang reaksyon ni Liv, civil naman kaming dalawa pagkatapos ng petty catfight namin noon. Sobrang tagal na rin no'n, hindi pa sa agency namin nagtatrabaho si Liv. Kamakailan lang siya lumipat saamin at hindi namin alam kung bakit ito lumipat sa FfMez.


Lalo pang lumapit saakin si Lj at napaawang ang bibig ko sa sunod nitong binulong.
"Si bebe mo kasi ang pumuri sayo hehe" anito na nasagot ang tanong sa isip ko kung bakit gano'n ang reaksyon ni Liv. I slowly turned my head to her and saw her looking at me teasingly.

"Ano nga bang sabi niya?" Anito bago sumandal sa kinauupuan at tumingin pa sa itaas.
Mataman akong nakatingin sakanya at inaabangan ang sasabihin niya.


Naghuhuramentado ang puso ko sa narinig, ikaw ba naman pinuri ng taong gusto mo 'di ba?! Sinong hindi matutuwa ang puso do'n?


"Oy Lj" agaw ko sa atensyon niya nang natahimik na siya.
"Bahala ka nga dyan" abi ko at humarap ulit sa salamin. Tumingin ako sakanya sa salamin at nakitang nakatingin ito saakin habang may nanunukso tingin na kinairap ko naman.


"Eto naman excited, inaalala ko kasi yung sinabi niya, ito! Tampo agad e!" Natatawang sabi nito na kinairap ko ulit.


"Anong tampo ka dyan?! Tara na nga sa bus Lj, gusto ko nang umupo sa malambot na upuan." Mataray kong sabi na kinatawa nito bago ko siya niyayang sumakay na sa bus.


Like A ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon