TAHIMIK lang sa buong biyahe sina Amanda at Gener. Hindi naman niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para sumama sa lalaki. Dumaan sila sa drive-thru para bumili ng pagkain at kahit wala siyang gana kumain, pinilit pa rin niya ang sarili dahil kailangan sumuso sa kanya si Julian. Ayaw naman niyang idamay ang anak niya sa kamiserablehan niya. Ayaw naman niyang pati ito mapahamak dahil sa kanya.
Kakatapos lang niya kumain ng sakto na nagising ang anak niya. Sandaling itinigil ni Gener ang sasakyan sa gilid ng daan. Lumipat siya sa backseat at sinimulang asikasuhin ang anak. Hindi na niya ininda ang titig ni Gener sa kanilang mag-ina.
Tapos na niya linisan ang anak nang hawakan nito ang kwelyo ng damit niya. "Dumdum mumma." saad ng anak niya. Nag-aalangan siyang tumingin kay Gener. Para namang naintindihan nito ang sinabi ng anak niya.
"Lalabas muna ako." binuksan nito ang pintuan at lumabas ng sasakyan. Kinalong naman niya ang anak at sinimulan itong pasusuhin. Ilang minuto nang sumususo sa kanya si Julian nang bumuhos ang malakas na ulan. Wala namang nagawa si Gener kundi bumalik sa loob ng sasakyan. Tinakpan na lang niya ng bimpo ang dibdib niya para hindi iyon malantad sa lalaki.
Nagpatuloy sila sa biyahe. Gabing-gabi na nang makarating sila sa poultry farm ni Gener sa Tarlac. Kinuha ng lalaki sa kanya si Julian at ito na ang nagdala sa anak niya sa kwarto. Sinundan na lang niya ang lalaki, pagkalapag nito sa higaan kay Julian, hinila naman siya ni Gener at magaan na hinalikan siya sa noo.
"Magpahinga ka na rin, bukas mag-uusap tayo."
She's too exhausted to answer. Nang lumabas ang lalaki sa kwarto, pinatakan niya ng halik ang anak saka siya dumiretso na siya ng higa sa kama.
Maaga siyang nagising kinabukasan. Inasikaso muna niya si Julian bago siya naligo at nag-ayos ng sarili. Ngayon na mukhang tuluyan na nga siyang hihiwalayan ni John, hindi niya pa alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa ulit. Si John at Julian lang ang meron siya bago nanlamig ang asawa niya sa kanya. She even give-up her job just to be a full time house wife. Wala siyang ibang kamag-anak na matatakbuhan at mahihingan ng tulong. Ang malalapit naman niyang kaibigan, may mga sarili ring problema at ayaw naman niyang makigulo pa.
Hindi naman niya pwedeng idemanda si John ng adultery dahil kahit maging siya, nagtaksil sa asawa niya. Hindi iyon kaya ng konsensya niya. Hihintayin na lang siguro niya ang annulment papers na ipapadala sa kanya ni John. Pati na rin ang perang makukuha niya kung sakaling ibenta ni John ang mga conjugal properties nila.
Buhat ang anak, bumaba sila sa komedor ng bahay. Naabutan niya doon si Manang Rosa na naghahain ng mga pagkain sa mesa.
"Magandang umaga sa inyo hija, salamat naman at naibalik ka rito ni Gener." malawak ang pagkakangiti ng matanda.
"M-magandang umaga rin ho." luminga siya sa paligid. "Nasaan ho si D-daddy Gener?" parang awkward naman kung tatawagin pa niya ang lalaki na 'Daddy', may nangyari na sa kanila, at isa pa, kahit wala pa silang closure ng anak nito, maghihiwalay na rin naman sila ni John.
"Nag-jogging lang sandali. Parating na rin iyon. Maupo na kayo at ipagtitimpla kita ng gatas."
Humugot siya ng upuan, kinalong na rin niya si Julian. Ilang sandali pa, pumasok sa komedor ang pawisang si Gener. Naka muscle-shirt ang lalaki, itim na sweat pants at tsinelas. Pinatakan nito ng mabilis na halik si Julian sa ulo.
"Shower lang ako, sabay-sabay na tayo kumain." hindi niya alam kung kay Manang Rosa ba niya sinabi iyon o sa kanya. Tumakbo na si Gener palabas ng komedor.
"Bakit ka nga pala nagmamadaling umalis kahapon, hija?" tanong ng matanda sa kanya matapos nito ilagay ang baso ng gatas sa harap niya.
"H-ho? Ah, tinawagan ho kasi ako ni John. G-gusto raw niya ako makausap." pagpapalusot niya. Naglagay ng mga plato at kubyertos ang matanda sa mesa.