7

56.6K 696 54
                                    

🚨WARNING : This part contains vulgar words and sexual scenes that is not suitable for minor readers.

•••

"SAAN tayo pupunta, Gener?" tanong niya sa lalaki habang nakasakay sila sa sasakyan nito. Sinulyapan niya ang anak na nasa backseat ng sasakyan na abala sa laruan nito. Dinala ni Gener ang kamay niya na hawak nito sa labi nito at mabilis na hinalikan.

"Malapit na kasi yung fiesta, kaya naisipan ko na ipasyal kayo ni Julian sa perya sa bayan. Huwag ka mag-alala hindi ko tayo sasakay sa rides na delikado sa inyo."

"One year old pa lang si Julian, bawal pa talaga sa kanya yung mga rides sa perya."

"Edi mamasyal na lang tayo, maraming booth doon. Maglalaro ako para makuha ko kayo ng maraming stuff toys. Well kaya ko naman kayo ibili nun pero mas maganda 'yung pinaghirapan ko diba?"

Nag-park si Gener ng sasakyan sa labas ng malawak na lote na kinatitirikan ng perya. Ito na rin ang kumuha at nagbuhat kay Julian nang makababa sila. Ipinalibot namang ng lalaki ang isa nitong braso sa bewang niya. Dapit-hapon na kaya medyo marami na ang tao nang makarating sila.

Naglaro sila sa mga booth, nanalo naman sila at nakakuha ng mga stuff toys para kay Julian. Actually si Gener lang ang naglaro. Binigyan din siya ng teddy bear ni Gener. "Ingatan mo 'yan ha? Sa susunod dadagdagan ko pa iyan." sabi ng lalaki matapos nito iabot sa kanya ang kulay purple na teddy bear.

Sa totoo lang unang beses niya makatanggap ng stuff toy mula sa lalaki. Hindi naman kasi siya binibigyan ng ganoon ni John noong ayos pa sila. Madalas kumakain sila sa labas, mabibilang niya lang rin sa sampung daliri niya sa kamay kung ilang beses lang siya binigyan ng bulaklak ng lalaki. Kahit chocolates.

It's not that she really wanted or asked for it, hindi naman siya materialistic na tao, kaya lang, kaya lang ngayon niya na-realized na gusto rin pala niya yung feeling na naranasan din niya yung mga nararanasan ng ibang babae. Masarap din pala sa feeling 'yung binibigyan ka ng regalo ng isang lalaki.

Masaya rin siya habang tinitignan niya ang anak niya na masaya. She's asking herself, kung hindi siguro sila nagkalabuan ni John, masaya rin kaya sila ngayon? Ipinilig niya ang ulo. Kahit sandali, gusto rin naman niya sumaya. Siguro ganoon din ngayon si John, masaya na ito sa piling ng ibang babae.

Matapos nila maglibot sa perya, pumunta sila fastfood chain na nasa tapat lang ng perya. Ibinigay sa kanya ni Gener si Julian. "Hanap na kayo ng mauupuan, ako na ang bahalang um-order ng pagkain natin."

Natawa na lang siya sa kakulitan ng lalaki. "Bahala ka."

Nakahanap naman sila agad ng bakanteng mesa, ilang sandali pa, dumating na rin si Gener. "Banyo lang kami ni Julian sandali, lilinisan ko lang siya." kinuha niya ang bag na naglalaman ng gamit nilang dala. Matapos linisan at palitan ng diaper ang anak, lumabas na rin sila.

Sakto rin na dumating na ang order ni Gener na mga pagkain pagkabalik nila sa mesa nila. Muling kinuha sa kanya ng lalaki si Julian at ito ang nag-asikaso sa bata. "Kumain ka lang dyan, ako na ang bahala dito kay Julian."

She can't help but to stare at Gener and her son. It looks like Gener really cares a lot to Julian. Dahil siguro unang apo ito ng lalaki? Pero kung titignan ang dalawa, hindi mo aakalain na mag-lolo ang mga ito. Bata pa kasi ang itsura ni Gener, mukha lang tuloy ang mga ito na mag-ama.

"Nag-enjoy ba kayo?" tanong sa kanya ng lalaki habang pauwi sila. Magkasalikop ang isang kamay nila.

Ngumiti siya sa lalaki. "Oo naman."

"Hayaan mo, sa susunod sa mamahaling amusement park ko na kayo ipapasyal ni Julian." ipinatong ng lalaki ang magkahugpong nilang kamay sa ibabaw ng hita niya.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon