13

40.2K 715 92
                                    

"BABY."

Nagulat si Amanda nang makita si Gener na papalapit sa kanila ng lalaking kausap niya. Buhat nito si Julian na abala sa paglalaro ng kwelyo ng damit ng ama nito. Bahagya pa siyang napaigtad nang ipaikot ni Gener ang isang braso nito sa bewang niya. Dinampian pa siya ng mabilis na halik sa labi kahit may kaharap silang ibang tao. Hindi niya tuloy mapigilan na hindi kiligin.

"Mister Olivarez." tawag pansin ng estrangherong lalaki kay Gener. Bagot na tinignan ito ng huli.

"Mister Sanchez, ikaw pala 'yan. Pasensya na hindi agad kita napansin, sa asawa ko lang kasi nakatuon ang tingin ko. Ano palang ginagawa mo dito?" kaswal ngunit malamig na tanong ni Gener sa lalaki sa harap nila.

Mukhang nagulat ito nang sabihin ni Gener na asawa raw siya nito. Kahit siya rin naman nagulat. Hindi siya nito pinapansin at ang lamig pa ng trato nito sa kanya tapos ngayon trip naman nito mang-angkin.

"Oh, so that beautiful woman is your wife? She looked younger to you, huh?"

"Age doesn't matter, Mister Sanchez. Bakit ka ulit nandito?" parang nainis na si Gener. Mas dumiin din ang kapit nito sa bewang niya.

"Kakausapin sana kita, kukunin sana kitang supplier ng mga itlog para sa bagong restaurant ko sa bayan."

"Tatawagan na lang kita para mapag-usapan nating ng maayos iyang proposal mo. Hindi kasi kita makakausap ngayon dahil ipapasyal ko pa ang mag-ina ko."

"That's okay, Mister Olivarez." nag-abot ito ng calling card kay Gener. "That's my number, tawagan mo na lang ako kung kailan ka available. At the end of the month pa naman ang opening ng bagong restaurant ko. So, paano ba yan? Tutuloy na ako." simpatiko pa itong ngumiti at kumindat sa kanya.

Nang makaalis ang sasakyan ng lalaki, tiim-bagang na tumawag ng isang tauhan nito si Gener. "Mario, pakisabi nga sa guard, sa susunod huwag magpapapasok ng kung sinu-sinong tao dito sa farm. Itawag muna kamo sa akin bago kayo magpapasok."

"Sige ho, ser." nang umalis ang tauhan nito saka lang siya binitawan ni Gener.

"Saan ka na naman pupunta?" tanong nito. Madilim pa rin ang gwapong mukha nito. Bigla tuloy siya kinabahan. Iyon kasi ang unang beses na kausapin siya sa ganoong paraan ni Gener.

"S-susundan ko sana kayo ni Julian."

"At bakit ganyang ang suot mo? Masyado kang maganda."

"H-ha?" ano daw? Kinuha nito ang payong na hawak niya saka nag-iwas ito ng tingin.

"Wala. Tara na, bumalik na tayo sa bahay." nauna itong maglakad pabalik sa bahay. Siya naman ay nagkibit-balikat na lang sa kasungitan ng lalaki sa kanya. Kailangan na talaga niya makahanap ng tyempo para makausap ito ng mabuti.

Nang makabalik sila sa bahay, nilingon siya ni Gener. "Ako na ang magpapaligo kay Julian." saad ng lalaki. Hindi na nito hinintay ang sagot niya, nauna na ito umakyat sa itaas ng bahay. Dumiretso naman siya sa garden, naabutan niya doon si manang Rosa na nagdidilig ng mga halaman.

"Ang bilis mo naman makabalik, hija. Ang mag-ama mo?"

Mag-ama niya. Sarap naman pakinggan. Pero hindi pa siya pwede magsaya ng tuluyan dahil hindi pa siya pinapansin ni Gener. Nagsusuplado pa rin sa kanya ang lalaki.

"Nasa itaas na ho, pinapaliguan ni Gener si Julian."

"Eh bakit parang nakasimangot ka? Sinungitan ka naman ba ni Gener?"

"Oho eh. Ewan ko ba dun sa lalaking 'yun. Pati itong damit ko pinuna niya." pinasadahan siya ng tingin ng matanda, saka ito ngumiti.

"Masyado ka naman kasing maganda, hija. Teka ano bang tawag doon? Ah, possessive, iyon nga. Ayaw lang siguro ni Gener na may ibang lalaking titingin sa kagandahan mo. Gusto niya siya lang kaya siguro pinauwi ka na rin agad dito." Humagikgik pa ang matanda. Namula naman siya sa hiya.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon