9

58.5K 634 36
                                    

🚨WARNING : This part contains vulgar words and sexual scenes that is not suitable for minor readers.

•••

"NAGUSTUHAN mo ba?"

Iginala ni Amanda ang tingin sa malawak na beach house na tinuluyan nila ni Gener. Two-storey iyon at parang cabin in the forest ang dating lalo pa at maraming matatayog na puno sa paligid. Tanaw din niya ang dagat sa hindi kalayuan sa bintana.

Time flies so fast. Hindi niya namalayan na malapit nang mag-isang taon na namamalagi sila sa puder ni Gener. Ganoon siguro kapag masaya ka, hindi mo namamalayan ang pagtakbo ng oras.

Sa mga araw at buwan na kasama rin nila si Gener, mas lalong napalagay ang loob niya sa lalaki. He's so good to be true.

Nasa isang private beach sila sa Quezon Province. Hindi naman niya alam na doon sila dadalhin ng lalaki. Sinabi lang nito na mag-imapake silang mag-ina ng ilang damit dahil magsu-swimming daw sila. Hindi naman niya alam na ganoon pala kalayo ang pupuntahan nila ng lalaki.

"Sa'yo ito?" tanong niya dito. Nahihiyang nagkamot sa batok ang lalaki at ngumiti sa kanya.

"Oo, binili ko ito sa mga Herrera. Nakilala ko ang mga iyon 'nong kinuha nila akong supplier ng mga itlog ng manok at pugo para sa hotel at resort nila sa La Paz Tarlac. Parang investment na rin. Ayos ba?"

"Maganda. Tahimik din at nakaka-relax."

"Buti naman at nagustuhan mo. May apat na kwarto dito. Dalawa dito sa ibaba tas dalawa sa itaas. 'Yung isa kay Julian tas yung isa sa ating dalawa."

Napaangat ang isang kilay niya sa sinabi nito. "Parang mali ata. Di ba dapat isa sa amin ni Julian at isa para sa'yo?"

Alanganing tumawa ang lalaki at yumakap sa bewang niya. "Ano ba yan baby, pinapahiya mo naman ako eh. Pwede ba na tabi muna tayo dito ngayon? Na-miss kita eh."

Halos tatlong linggo rin na walang nangyari sa kanila ng lalaki dahil naging busy ito sa farm na naging poultry at livestocks farm na. Bumili rin kasi si Gener ng karagdagang lupa para sa farm. Pinaayos din nito ang drainage sa farm at nag-hire pa ng mga karagdagang tao na mag-aalaga sa mga livestocks.

Kaya pala napakapursigido nito na matapos agad ang ilang importanteng kailangan gawin sa farm nito, may balak pala ito na magbakasyon.

"Ilang araw ba tayo dito? Paano yung farm mo?"

"Isang linggo lang tayo dito. Yung farm naman, ipinagkatiwala ko muna kay Erning. Itatawag na lang niya sa akin yung mga updates o kung may magiging problema sa farm. Kaya, mag-enjoy na lang muna tayo dito ha?" mabilis siya nitong hinalikan sa labi at inakyat ang mga bagahe nila sa itaas ng bahay.

Naggala naman siya sa loob ng beach house. Hindi niya mapigilan mapangiti nang makita ang kompletong supplies ng mga pagkain sa kusina. Halatang pinaghandaan talaga iyon ni Gener. Pati ang refrigerator, napakaraming pagkain.

Hindi na niya namalayan ang pagpasok ni Gener sa kusina. Pinaupo siya nito sa high stool chair. Binuksan nito ang ref at kumuha ng ilang pang-rekados na lulutuin. "Upo lang kayo dyan, baby. Ako na ang magluluto ng hapunan natin."

Naaaliw na pinagmamasdan na lang niya ang lalaki habang naggagayat ito ng mga rekado. Seryosong-seryoso ang gwapong mukha nito sa paggagayat. Nagsaing na rin ito sa rice cooker. Sa tagal ng nakatira sila ng anak niya sa puder nito, ngayon lang din niya nalaman na marunong ito magluto. Kapag kasi nasa bahay sila, kung hindi si Manang Rosa, siya naman ang nagluluto.

She finds that gesture of him so sweet. First time lang din na may lalaki na nagluto para sa kanya. Kahit si John hindi nito iyon ginawa para sa kanya, hindi naman kasi marunong magluto ang lalaki.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon