END

54.9K 898 169
                                    

"DAD, girlfriend ko nga pala, si Amanda."

Hindi akalain ni Gener na ganoon pala kaganda ang nobya ng anak niyang si John nang umuwi ito sa poultry farm nila sa Tarlac. Mestiza si Amanda, bata pa pero makurba na ang katawan. Mukha ring anghel ang inosenteng mukha ng babae at mukha rin mabait, kaya siguro nagustuhan ng anak niya.

Actually, hindi naman talaga siya ang biological father ni John. Inampon lang niya ang lalaki nang mamatay ang totoong anak nila ng namayapa niyang asawa na si Elena nang manganak ito noon. Sakto naman na may babae na kasabay manganak si Elena nang panahon na iyon at dahil sa kahirapan ng buhay, pinaampon nito ang bata sa kanya.

Masyado kasi mahina ang loob ni Elena, madaling sumama ang loob kaya naman hindi muna niya sinabi dito na namatay ang anak nila. Ipinagtapat lang niya iyon sa asawa nang tinaningan na ito ng doktor dahil sa sakit nitong colon cancer.

"N-nice to meet you po, Sir."

Muntik pa si Gener mapapikit sa lambing ng boses ng babae. Lihim tuloy niyang namura ang sarili lalo na at may naramdaman siyang kakaiba sa loob ng dibdib niya. Mas matindi pa sa naramdaman niya noon sa namayapa niyang asawa.

"Daddy Gener na lang ang itawag mo sa akin, Amada." inilahad niya ang kamay at agad naman iyon tinanggap ng babae. Napakalambot ng kamay nito. Kimi pang ngumiti ang babae sa kanya.

At tama nga siya, mabait si Amanda. Malambing din ang babae kaya hindi niya mapigilang makaramdam ng inggit sa anak.

"Naku daddy Gener, nilalagnat po kayo. Pumunta muna po kaya kayo sa kwarto niyo? Tamang-tama po, nagluto si manang Rosa ng lugaw. Dadalhan ko na lang po kayo." ani nito nang hindi sinasadyang makabungguan niya ang babae nang lumabas siya sa kwarto niya.

"Hindi na, lagnat-laki lang 'to."

Wala siyang nagawa kundi sumunod sa babae nang hawakan nito ang braso niya pabalik sa kwarto niya. "Huwag na po kayo makulit, magpahinga na muna po kayo. Sasabihan ko rin si John na sa makalawa na kami bumalik sa Maynila para mabantayan namin kayo."

Simula noon, hindi na mawaglit sa isip niya ang nobya ng anak niya. Sinubukan pa niya ituon ang atensyon sa ibang magagandang babae sa bayan nila pero iba talaga ang tama niya kay Amanda. Hindi niya ito makalimutan. Tangina, doon niya nakumpirma na totoo pala ang love at first sight.

"John." tawag pansin niya sa anak nang minsang dumalaw ito ulit sa kanya sa Tarlac.

"Ano yun, dad?" tanong nito. Inilipat ang tingin sa kanya mula sa screen ng cellphone nito.

"Nagdownload kasi ako 'nung facebook. Paano ba gumawa ng account dito?" wala naman kasi siyang social media accounts. Pero ngayon tangina, hindi siya makapaniwala na gumagawa siya ng ganoon para sa isang babae.

"Bakit? May i-stalk kang chicks noh?" pabiro niyang binatukan niya ang lalaki.

"Turuan mo na lang ako."

Tinulungan siya ni John gumawa ng account doon. Ipinaliwanag din ng lalaki kung paano iyon gamitin. Kinuhanan pa siya nito ng litrato para raw may display photo siya.

"Ayan dad, ayos na iyang account mo. Mag-add ka ng mga friends mo o kaya mag follow ka ng ilang pages para naman may makita ka sa news feed mo."

Kinuha niya ang cellphone mula sa anak at pinindot ang search bar. "Anong buong pangalan ni Amanda?" tanong niya.

"Amanda Manuel Perez dad, yun yung pangalan ng account niya sa facebook."

Itinype niya ang pangalan ng babae, agad naman niya iyong nakita at in-add ang babae. Sunod rin niyang in-add si John at ilang kakilala niya.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon