2

41K 745 266
                                    

MAAGANG nagising si Amanda kinabukasan. Tulog pa naman si Julian kaya bumaba muna siya sa kusina para tulungan si Manang Rosa na maghanda ng almusal. Naabutan niya ang matanda na nagsasangag ng kanin.

"Magandang umaga ho." bati niya sa matanda. Nginitian naman siya nito.

"Magandang umaga rin sa iyo hija. Gusto mo ba ng kape o gatas? Sandali lamang at ipaghahanda kita."

"Hindi na ho manang, ako na lang ang bahalang magkanaw. Ahm, gusto ko rin ho sanang tulungan kayo maghanda ng almusal."

"Naku hindi na kaya ko na ito. Nakakahiya naman sa iyo. Bisita ka ni Gener tapos pagta-trabaho-in kita." natawa siya sa sinabi nito.

"Naku ayos lang ho, tsaka sanay ho ako sa mga gawaing bahay."

"Sige, ikaw ang bahala." sagot nito. Lumapit naman siya sa lamesa at sinimulang i-scramble ang ilang itlog, nagtira rin siya para mai-sunny side-up. Nagbalat at naghiwa rin siya ng hotdog.

"Akala ko talaga artista ka noong una kitang makita kahapon, hija. Aba, swerte si John sa'yo bilang asawa mo. Mas lalo ka gumanda simula noong huli tayong nagkita. Mabait at masipag ka pa."

"Hindi naman ho." Mapait siyang napangiti sa sinabi ng matanda. Sana nga rin ay nakikita ni John ang mga katangian niyang mga iyon. Ipiniprito na ni Manang Rosa ang itlog, hotdog at bacon nang maalala niya si Julian.

"Akyat muna ho ako sandali manang, iche-check ko lang si Julian."

"Sige lang, ako na ang bahala dito."

Umakyat siya papunta sa kwarto nila. Tulog pa rin si John pero gising na si Julian. Buti na lang at hindi umiyak ang bata. Pinalitan niya ito ng diaper saka binuhat niya ang anak palabas ng kwarto, pumunta ulit sila sa kusina.

Nag-aayos na ng mesa si manang Rosa nang makababa sila. "Napakagwapo naman ng anak niyo ni John, hija."

"Oo nga ho. Mana sa ama." kaya lang hindi niya alam kung bakit ayaw na ayaw ni John sa anak nila.

"Good morning."

Napalingon sila sa pintuan ng kusina. Nandoon ang biyenan niya na kakapasok lang. Nakasuot ito ng simpleng puting t-shirt na halos humakab sa matipuno nitong katawan at maong na pants. Nagulat pa siya nang halikan nito si Julian sa pisngi na buhat niya kaya hindi sinasadyang nagkalapit ang mukha ng lalaki. Naamoy niya ang pinaghalong natural nitong amoy at pawis.

Kinuha ng lalaki si Julian sa kanya at binuhat ito. "Good morning baby Julian." wala sa loob na napangiti siya ng pugpugin ng halik ng biyenan ang bata. Humagikgik ang anak niya sa tuwa. Sana lang at maging ganoon ka-sweet si John sa anak nila.

"Naku, iyan ang sinasabi ko sa'yo Gener, bata ka pa naman kaya pwede ka pa mag-asawa ulit. Para naman may kasama ka hanggang sa tumanda ka." sermon ng matanda sa biyenan niya na tumawa lang.

"Huwag kayo mag-alala manang, may nakukursunadahan na ho akong babae."

Lumakad siya papunta sa coffee maker para maghanda ng kape habang patuloy lang sa pag-uusap ang dalawa.

"Aba eh sino? Huwag mong sabihin yung anak ni Ysadoro na si Misa? Naku, eh balitang napakalikot daw sa lalaki ang babaeng 'yun, matapobre pa. Hindi ba at patay na patay rin sa'yo iyon?"

"Di ko ho type 'yun manang."

"Basta, kapag mag-aasawa ka ulit, sana lang katulad ng dati mong asawa, o kaya katulad nitong si Amanda. Parehong mabait at masipag, bonus na lang na maganda. Aanhin mo pa yung maganda pero pangit naman ang ugali."

Alanganing napangiti na lang siya nang tumingin sa kanya ang dalawa. Hindi na sumagot ang lalaki. Umupo ang biyenan niya sa kabisera habang kalong nito ang anak niya.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon