8

50.2K 634 60
                                    

🚨WARNING : This part contains vulgar words and sexual scenes that is not suitable for minor readers.

•••

ISINARA ni Amanda ang gate. Matapos i-park ni Gener ang sasakyan, lumabas ito at agad na lumapit sa kanya. Sinalubong siya ng halik ng lalaki. Nakapaikot pa ang braso nito sa bewang niya.

"Kumain ka na ba? Nakaluto na ako ng ulam." tanong niya sa lalaki nang pakawalan nito ang labi niya.

"Hindi pa, ikaw? Kayo ni Julian?"

"Pinauna ko na siya, nandoon sa living room at naglalaro. Halika na at sabay na tayo kumain."

"Sandali, may kukunin lang ako sa kotse." pumunta ito sa backseat ng sasakyan at inilabas ang isang box ng cake at pizza. May malaking paper bag din na inilabas ang lalaki.

Inabot nito sa kanya ang paper bag at nang tignan niya, tumambad sa kanya ang isang malaking puting panda stuff toy at isang box ng robot na laruan. "Naalala ko kayo nang makita ko ang mga iyan kaya binili ko na."

Yumakap siya sa bewang ng lalaki. "Salamat. Pero sana hindi ka na nag-abala pa." pinatakan nito ng halik ang noo niya saka siya nito niyaya papasok ng bahay. Kinuha niya sa lalaki ang box ng cake nang lumapit ito kay Julian at binuhat ang anak niya. Tuwang-tuwa naman si Julian na makita ang lalaki.

Nauna na siya sa kusina, inilagay niya ang cake sa refrigerator. Naghain na rin siya para makakain na sila ng hapunan ni Gener. Napangiti siya nang marinig ang paghagikgik ng anak niya at tawa ni Gener. Buhat ito ng huli habang papasok ang dalawa sa komedor.

Siya na ang nagsalin ng kanin sa plato nito saka sila nagsimula kumain. Kalong pa rin ng lalaki ang anak niya.

"May bago palang series sa Netflix ngayon. Gusto mo ba na panoorin natin mamaya? Maaga pa naman." tanong ng lalaki.

"Sige, ikaw ang bahala."

Pagkatapos nila kumain, naghugas na rin siya ng mga pinagkainan nila. Pinatulog na rin ni Gener si Julian sa kwarto nilang mag-ina. May speaker naman na ipinakabit si Gener sa kwarto nilang mag-ina na naka-konekta sa kwarto ng lalaki, sa living room at sa kusina. Kaya kung sakaling magising si Julian at umiyak, maririnig nila kahit nasa ibaba sila ng bahay.

Nauna na rin si Gener sa living room para iset-up ang TV. Isang South-Korean game survival-action-thriller mini series pala ang papanoorin nila. Squid Game.

Naglabas si Gener ng mga beer in can, pati ang cake nito na iniuwi. Nagluto naman siya ng popcorn at ininit ang pizza na dala rin nito kanina. Inilapag niya ang mga iyon sa center table. Pinatay ni Gener ang ilaw saka siya nito hinila sa tabi nito sa sofa. Inakbayan siya nito.

Pinagbuksan pa siya nito ng beer in can. Tinanggap niya iyon saka kumuha ng isang slice ng pizza. Ang tagal na rin simula nang huli siyang uminom ng alak. Hindi naman kasi siya palainom. Occasional lang siya kung uminom ng alak, ni hindi nga siya nakakaubos ng isang bote, hanggang tikim lang siya.

Nakakadalawang episode na sila nang humiga sa kandungan niya si Gener, ginawa nitong unan ang mga hita niya. Hinayaan lang niya ang lalaki dahil baka inaantok na rin ito lalo pa at galing sa biyahe galing sa Maynila, nakaubos na rin ito ng limang beer in can.

"Gusto mo bang umakyat na sa taas? Bukas na lang natin ituloy iyang series." tanong niya dito. Umiling naman si Gener, kinuha nito ang isang kamay niya at ipinagsalikop sa isang kamay nito. Hinalikan nito ang likod ng palad niya saka inilagay sa tapat ng dibdib nito.

"Mamaya na baby, isang episode pa."

Tumango siya at itinuon ang tingin sa palabas. Nasa kalagitnaan na ng episode ng palabas nang mapadako ang tingin niya kay Gener. Nakapikit na ang mga mata ng lalaki, nakatulog na.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon