"GABI na ako nakarating noon sa Maynila sa bahay niyo ni John noong birthday niya. Isang bote lang ng alak ang ininom ko dahil balak ko naman talaga umuwi agad dito sa Tarlac, dala ko naman yung sasakyan ko kaya hindi ako mahihirapan bumyahe, kaya nagtaka na lang ako kung bakit parang umikot agad ang paningin ko nang gabing iyon. Bigla rin ako nag-init.
Hanggang sa nagpaalam ako kay John naiihi lang ako sandali. May gumagamit ng banyo sa ibaba kaya pumunta na lang ako sa itaas, hindi ako alam na kwarto niyo pala yung unang nabuksan ko. Nakita kita na natutulog sa kama niyo, lumapit lang ako sandali para titigan ka. Hanggang sa bigla kang nagising at hinalikan ako. Akala mo ata si John ako. Doon na naputol ang pagtitimpi ko, hinalikan kita pabalik hanggang sa may mangyari na nga sa atin."
Tumango si Amanda kay Gener para ipagpatuloy nito ang kwento. Nandoon sila sa kwarto ng lalaki, magkatabi silang nakahiga sa kama nito at pareho pang hubo't-hubad. Kumot lang ang tumatakip sa kahubaran nila. Nakaupo at nakasandal si Gener sa headboard ng kama habang nakasandal naman siya sa malapad nitong dibdib.
"Tapos?"
"Nagising ako kinabukasan, parehas na tayong nakahubad. Sobra akong nakonsensya sa ginawa ko sa'yo. 'Tangina, asawa ka ng anak ko eh, tapos ginalaw kita? Hindi ko alam ang gagawin ko. Kumuha ako ng damit ni John sa cabinet niyo at isinuot iyon sa'yo saka ako lumabas ng kwarto. Nakita pa ako ni John non na lumabas sa kwarto niyo kaya nagpalusot na lang ako."
"Kailan mo nalaman na anak mo si Julian?" tanong pa niya sa lalaki.
"Bago ko kayo ipasyal ni Julian sa perya sa bayan. Kinumpronta ako ni John. Ipinakita niya sa akin iyong mga medical results niya na....wala nga siyang kakayahan magkaanak. Sinabi rin niya sa akin na ako ang ama ni Julian."
"Naniwala ka agad?"
"Siraulo si John pero kahit kailan, hindi siya nagsinungaling sa akin. Pero para makasigurado, pina-DNA test ko rin si Julian. Pero hindi pa man lumalabas ang resulta, confident na ako na ako nga ang tatay niya, kasi malakas yung lukso ng dugo na nararamdaman ko para doon sa bata. Kamuha ko rin siya. Ilang araw din pagkatapos non, tumawag si John sa akin at sinabi naman niya yung tungkol yung party drug na inilagay ng katrabaho niya sa ilang bote ng alak noong twenty-third birthday niya."
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"
"Dahil alam ko na magulo pa ang isip mo 'noon. Mahal kita pero alam ko na mahal mo pa si John noon. Kaya nga pilit kong pinatunayan na dapat sa akin na lang kayo ni Julian. Na mas deserved ko kayo. Mas tumibay pa ang desisyon kong iyon nang makita ko kung paano ka umiyak at masaktan kay John."
Napasinghap siya at umalis mula sa pagkaunan sa dibdib nito. "Mahal mo na ako 'non?" gulat na tanong niya.
Namumula naman itong nag-iwas ng tingin. Para pang nahihiya. "Ayos ah, sa sobrang dami ng sinabi ko iyon talaga ang napansin mo. Pero oo, inaamin ko, matagal na. Magnobyo pa lang kayo ni John."
Nagugulat talaga siya sa mga rebelasyon na nalalaman niya. "Ibig sabihin, totoo rin yung sinabi ni John na nagpaturo ka sa kanya gumawa ng facebook account para i-stalk ako?!"
"Gago yun ah, binuking pa ako." bulong nito pero narinig naman niya.
"Gener!"
"Oo nga! Ano namang masama? Eh sa nagandahan at nabaitan ako sa'yo eh. Alam ko namang mali na magkaroon ako ng feelings sa nobya ng anak ko kaya nga hanggang stalk na lang ako sa'yo." ipinaikot nito ang braso sa bewang niya at hinila siya palapit sa katawan nito. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya at inipit iyon sa likod ng tainga niya.
"Pero ngayon, akin ka na diba? Akin na kayo ni Julian. Wala ng bawian iyon, baby."
"Teka, bakit ka nga pala naging masungit sa akin noong pagdating ko ulit dito sa Tarlac? Suplado mo ah."