"ANO na naman bang bagong pakulo ito, Gener?" natatawang tanong ni Amada sa lalaki. Naka-blind fold kasi siya, inaalalayan siya ng lalaki papunta sa kung saan.
Kaya pala maaga nitong pinatulog si Julian, mukhang may binabalak na naman ang lalaki. Pagkalabas niya kasi sa kwarto ng anak, hinila agad siya ni Gener para i-blindfold at alalayan papunta sa kung saan.
"Surprise nga, hindi na magiging surprise iyon kung sasabihin ko na sa'yo." binuhat siya nito pababa sa hangdan, kumapit na lang siya ng mabuti dito sa takot na mahulog. Naramdaman niyang lumabas sila ng cabin. Naramdaman kasi niya ang panggabing hangin at narinig ang tunog ng ilang panggabing mga ibon. Marahan siyang ibinaba ni Gener.
"Sandali lang ha, huwag mo muna tatanggalin iyang blindfold mo." utos ng lalaki. Naramdaman niyang naglakad palayo si Gener. Malakas itong tumikhim, saka muling nagsalita. "Pwede mo na tanggalin iyang blindfold mo, baby!"
Dahan-dahan niyang tinanggal ang panyong tumatakip sa mga mata niya, napaawang pa ang labi niya sa gulat nang makita kung nasaan sila ni Gener at kung ano ang inihanda nitong 'surprise' sa kanya.
Nasa likod sila ng cabin ni Gener, nagkalat ang mga petals ng pulang rosas sa bermuda grass, may mga nakasabit din na ilang light bulbs sa mga sanga ng mga puno na nagsisilbi nilang ilaw. Habang may hawak naman na bouquet ng red roses si Gener. There's also a candlelight dinner table set-up sa likod ng lalaki.
"Happy birthday, Mandy."
Natutop niya ang sariling bibig, inalala niya kung anong petsa ba ang araw na iyon. How can she forget her own birthday?!
Inabot niya ang bouquet na binigay nito. "Salamat. Pero p-paano mo nalaman?"
"Sa facebook account mo."
Nangunot ang noo niya. "Facebook account ko? Paano? Dineactivate ko na lahat ng social media accounts ko?"
Ngumiti sa kanya si Gener. "Friends tayo sa facebook, naalala ko lang noong nag-post dati si John ng pictures niyo noong birthday mo." inakay siya nito papunta sa candlelight dinner table. Ipinaghila pa siya nito ng upuan.
May strawberry cake sa mesa, wine, steak at salad. "Paano mo naihanda lahat ng ito ng hindi ko nalalaman?" tanong pa niya.
"Ipinasuyo ko lang doon sa caretaker nitong private resort. Pati yung mga ilaw siya rin ang nagkabit, sa kanya ko nga rin pinabili itong cake at bouquet. Pero bago pa tayo dumating dito may mga nakahanda na ako na mga props para madali ko na lang siya mai-se-set-up."
Sobrang namangha talaga siya. Kaya pala parang hindi sila pinalalabas ni Gener nang maghapon na iyon pagkauwi nila galing sa pagsu-swimming sa dagat. Nagpaalam rin ito na aalis sandali dahil may naiwan raw itong gamit sa dalampasigan noong nag-swimming ulit sila kanina.
She thought, lahat ng 'first' niya, kay John niya naranasan. Pero mali siya. Mas maraming mga espesyal at memorable na bagay na ipinaranas sa kanya si Gener. She can feel how Gener sincerity doing those things with her. Alam niyang gusto talaga sila nito ni Julian na mapasaya.
They eat the food that he prepared. Saka ito naglatag ng sapin sa bermuda grass at niyaya siya maupo sa tabi nito. Pinatay nito ang mga ilaw kaya liwanag lang mula sa bilog na buwan ang nagsisilbi nilang liwanag.
Nahiga sila sa sapin habang nakaunan siya sa malapad nitong dibdib. Nakapaikot ang isa nitong braso sa bewang niya habang hinahaplos ang buhok niya.
"Salamat at ginawa mo talagang espesyal na araw itong birthday ko. Salamat sa effort."
Kinuha nito ang isa niyang kamay at pinatakan ng halik ang likod ng palad niya. "Sabi ko na naman sayo diba? gagawin ko lahat para lang maging masaya ka sa akin." inangat niya ang ulo niya at dinampian ng halik ang labi nito.