3

45.1K 674 102
                                    

HALOS isang buwan na nag-stay sina Amanda sa poder ng biyenan niya sa Tarlac. Madali rin niyang nakapalagayan ng loob ang biyenan niya pero wala pa ring ipinagbago ang trato sa kanya ng asawa niya. Parang mas lalo nga lang lumala. Minsan kasi hindi na natutulog sa bahay ng biyenan niya ang asawa niya.

"Saan ka na naman natulog kagabi, John?" tanong niya sa asawa nang pumasok ito sa kwarto nila. Buti at soundproof ang lahat ng kwarto sa bahay ng biyenan niya kaya kahit magsigawan sila ni John, walang ibang makakarinig. Si Julian naman ay ipinaalaga muna niya kay manang Rosa dahil gusto rin niyang komprontahin ang asawa niya.

"It's none of your business." belawalang sagot nito. Naglakad ang lalaki papasok ng banyo para magbihis.

"None of my business? Asawa mo ako, John! May karapatan din naman ako malaman kung saang lupalop ka nagpupunta, sana naman nag-text ka na hindi ka makakauwi hindi yung napuyat pa ako kakahintay sa'yo." salubong niya sa asawa nang lumabas ito ng banyo.

Matalim siyang tinignan ng lalaki. "Sino ba naman kasi ang may sabi na hintayin mo ako?"

"John naman, nahihirapan na ako! Sabihin mo naman kung ano talaga ang problema mo! Hindi yung ganyan ka, wala akong ni isang ideya kung bakit ka nagkakaganyan!"

"Tigilan mo nga ako sa kadramahan mo, Amanda. Pagod ako, gusto ko magpahinga. Sa guest room ka muna matulog." nahiga ang asawa niya sa kama at tumalikod sa kanya.

"Sabihin mo, may ibang babae ka ba?" naiiyak na tanong niya sa lalaki. Parang gumuho ang mundo niya sa isinagot ni John sa kanya.

"Patas na tayo, nanlalaki ka kaya nambabae na rin ako. Ano naman ngayon? Pasalamat ka na lang at hindi pa kita hinihiwalayan."

Napahagulgol at nanginginig na lumabas siya sa kwarto nila. Sobrang sakit. Nanakbo siya palabas ng bahay. Sa garden siya dinala ng mga paa niya at doon siya nag-iiyak.

Nagising na lang siya kinabukasan na nasa loob na siya ng guest room ng bahay. Nagsalubong ang mga kilay niya, nagtataka. Hindi niya kasi matandaan kung bakit at paano siya napunta doon. Nang bumangon siya, nasapo niya ang ulo nang sumalakay ang kirot ang ulo niya. Inaapoy siya ng lagnat.

Napaangat siya nang tingin nang makita ang biyenan niya na pumasok sa loob ng kwarto. May dala itong tray na may lamang isang baso ng tubig at mangkok na may umuusok pa sa init na lugaw.

"Kamusta? Si Julian inaalagaan ni manang. Hindi ko muna pinalapit sayo dahil inaapoy ka ng lagnat, mahirap na at baka mahawa ang bata. Naghanda ako ng lugaw, kumain ka muna para makainom ka ng gamot."

"S-si John po?" tanong niya. Umaasa siya na kahit kaunti, baka nag-aalala rin ang asawa niya sa kanya.

Ipinatong ng lalaki ang hawak na tray sa side table saka ito umupo sa gilid ng kama. "Nagpaalam siya kanina, sa may dorm daw muna ng company nila sa bayan siya pansamantalang tutuloy."

Nag-unahang tumulo ang luha mula sa mga mata niya. Nasasaktan na naman siya. Dumating na ang kinatatakutan niya, lumalayo na ng tuluyan ang asawa niya sa kanya.

"Huwag mo muna isipin si John, magpagaling ka na muna para kay Julian. Bakit ba kasi doon ka sa garden natulog kagabi, nahamugan ka tuloy." marahang pinunasan ng lalaki ang luha nagkalat sa pisngi niya.

"K-kayo ho ba ang nagdala dito sa akin dito sa loob?"

"Oo. Buti na lang at dumaan ako para mag-check ng lugar. Umulan pa naman nung mag-a-alas dose na. Buti at hindi ka naulanan."

"S-salamat po."

Inabot nito ang tray at kinalong iyon. "Sige na at kumain ka muna. Baka lumamig itong lugaw. Ako na ang bahala na kumausap sa anak ko."

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon