Part 1- Meet The Tutor

1K 24 0
                                    

"Baby. Lumabas ka naman para mainitan ka. Ilang araw ka nang nakakulong sa kwarto mo. Wala ka bang planong lumabas diyan?" Litanya ni mommy. Ilang araw narin akong nakakulong dito, Ang hirap lang kasing mag move-on eh. 9 years naging kami. Oo 12 years old palang ako kami na. Siya lang naman ang mahal ko eh. Pero bakit niya kailangang humanap ng iba? hindi naman ako chewing gum na pag nawalan ng tamis iluluwa niya na diba? Tao lang ako.

"Hony.. Look."

"Oh my! ito ang susi para makalimutan ng anak natin si Jeff na nanloko sa kanya.." Napakunot ang noo ko sa naririnig ko sa labas. Anong susi ba ang tinutukoy nila?

"wait lang hony. I'll go downstairs. Para tawagan siya.."

"okay Hony. Baby. ayusin mo ang kwarto mo ha? nakakahiya sa Tutor mo. Bababa na muna kami. Babye.." Napabangon naman ako sa sinabi ni mommy. Anong tutor ba ang pinagsasabi niya? Nababaliw na ba siya? Graduate na ako. Nahiga nalang ako sa sobrang hina ng katawan ko. Ilang araw na kasi akong hindi lumalabas ng bahay, Feel ko kasi paglumabas ako ng bahay makikita ko si Jeff. At hindi pwede yun baka ikamatay ko. 

"Baby? open your door. Andito na ang tutor mo." Napatayo naman ako sa gulat. Really? agad-agad? andito na siya? Napatingin naman ako sa paligid ko. Oh my! ang gulo sobra. Lumapit ako sa salamin... Waaaaaa!! sino ang babaeng nasa harap ko? este ay naku. ako pala to no. Ang haggard na pala ng muka ko. Pumunta ako ng banyo at dali-daling naghilamos. I tied my hair into bun at nag bihis ng Simpleng t-shirt na batman at Floral na shorts.

"Bilis baby nakakahiya kay Mr.Viceral." MR?! lalaki ang tutor ko? Pagbukas ko ng pinto tumambad sa muka ko si Mr.Viceral na sinasabi ni mommy. at ang mommy kung naka smile.

"Mom. dun nalang po sa guest room, Madumi pa ang kwarto ko eh. palinis mo nalang po." Tinignan ako ni Mr.Viceral ulo hanggang paa. Ang gwapo niya pala sobrang gwapo.

"Okay baby. Take care." After nun bumaba na si mommy. nakatingin parin ako kay Mr.Viceral or shall i say Mr.Hot.

"Were is your guest room? so that we can start our tutorial." Ang lamig ng boses niya pero ang muka niya walang pinagbago normal parin.

"This way. Bye the way what subject are you going to teach me today? Mr.Viceral? my tutor?" pandidiin ko. Nakaka intimidate kasi ang kagwapohan niya. Pinapanatili kong kalmado ang muka ko.

"Actually, Its not a subject. Did your mom told you about this tutorial things?"

"If she told me already why would i ask?" sinusubukan kong magmataray sa kanya, para maka level ko yung pagsusungit ng boses niya. Ano ba kasing ituturo niya sakin? at ano nanamang kalokohan ang pumasok sa mga utak ng magulang ko at binigyan nila ako ng tutor.

"Commonsense miss?" tanong niya. Tamang-tama nandito na kami sa guest room. I was about to open the door pero sasagutin ko muna ang tanong niya.

"Just call me K." at binuksan ko ang door. Na upo naman ako sa maliit na couch and nag cross ng arms. Sumunod naman siya at nilapag ang case niya sa table at nag indian sit.

"Well. miss K. If you have your commonsense you won't ask. Actually wala pa akong nakikilalang College Graduate na nagpatutor. And in as of now in your situation your broken hearted right? urgggg. Ang hirap mag explain read this Brochure." nag shrug siya at inabot sakin ang isang papel. lumapit naman ako at tinanggap ito. Habang binabasa ko ito napataas ang isa kong kilay.

"BROKEN HEARTED PERSON'S NEED A TUTOR, WHO WILL FIX THEIR HEARTS AND TEACH THEM HOW TO MOVE ON. Call: ******" Binasa ko ito ng malakas, hindi ako makapaniwala may ganito pala sa pilipinas? nakakatawa. At ano naman ang nakain ng mga magulang ko at tumawag ng isang tutor na gwapo, hot, ma appeal pero ubod ng baliw? weird? at pilosopo?

My TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon