Vice
Dahan dahan kong binuka ang mga mata ko dahil sa bigat. Pakiramdam ko kasi may batong nakapatong sa mga mata ko kaya hirap akong ibuka ang mga ito. Akma akong babangon pero napahiga ulit ako ng makita si Karylle na nanunuod ng tv habang pinipiga ang isang bimpo. Ang saya ko lang at alam niya na ang totoo kaso nalulungkot ako at nasasaktan dahil sa mga sinabi niya kanina. Pano kung hindi na bumalik yung nararamdaman niyang pagmamahal sakin noon? Paano pag wala na talagang pag asa na bumalik kami sa dati? Ikakabaliw ko siguro pag nangyari yun. Naisipan kung magkunwaring natutulog dahil kasi pag nakadilat ako hindi ko alam ano ang gagawin ko pag umiyak ako sa harap niya. I mean that sorry. Sobra. Sa kabila ng pagiging tutor niya pag umuuwi ako sa bahay umiiyak ako lalo na nung sinabi niyang mahal na mahal niya si Jeff. At yung pagsuntok ko kay Jeff sa inland resort? I mean it kahit na planado yung paghihiwalay nila. Kinausap ko kasi ang mga magulang ni Karylle na paghiwalayin sila ni Jeff dahil gagawa ako ng paraan para mapamahal sakin ulet si Karylle nang hindi niya ako naalala. Yun lang ang paraan nila ang pilitin si Jeff na hiwalayan si Karylle. Umayaw si Jeff dahil totoong mahal niya si Karylle kaya naghanap ako ng paraan. Napaisip ako na sundan ni Anne si Jeff sa bar at lasingin ito. Pinilit ko siyang magpabuntis para lang sakin. Binayaran ko siya at pumayag naman ito. Nagka one night stand sila ni Jeff at pinagsisihan ni Jeff yun. Kaso nabuntis si Anne kaya wala siyang nagawa kundi panagutan si Anne at ang anak nila at hiwalayan si Karylle. Nung sinabi kong ex ko si Anne? Palabas lang lahat yun para naman hindi magtaka si Karylle sa mga pinlano ko. Hindi ko man kasalanan na na aksidente si Karylle pero yung plano ko ang malaking kasalanan na maaring hindi na ako patawarin ni Karylle kung sakaling malaman niya yun, kaya naman kanina panay ang sorry ko. Mahal ko lang talaga siya kaya nagawa ko yun.
"Oh? Gising kana. Wait lang kujuha ako ng sopas malapit na kasing mag 11 pm eh hindi ka pa nag bre-breakfast. Kukunin ko lang yung niluto ko ha. Wag ka munang tumayo may lagnat ka pa." Pinapatay na ako ng konsensya ko. Ang bait na babae ni Karylle, hindi niya deserve ang masaktan. Dont worry Karylle, pag maayos na tayo sasabihin ko na ang totoo.
Bigla namang dumating si Karylle na may dalang sopas. Kumuha siya ng maliit na upuan tsaka ito umupo. Panay ang ihip niya sa mainit na sopas at sinubo sakin. Sa totoo lang masama parin talaga ang pakiramdam ko dahil to sa hangover na dulot ng alak kagabi, tapos nabasa pa ako ng ulan. Ngayon ko lang ulit naranasan ang may nag aalaga sakin pag may sakit ako. Simula kasi nung pumanaw si mommy wala nang nag aalaga sakin. Napayuko nalang ako, naalala ko si mama..
"Bakit? Masama ba ang lasa?" Kumuha siya ng sopas at tinikman.
"Hindi naman ah? Baka mainit? Wait." Habang hinihipan niya ang sopas na nasa kutsara pinigilan ko ito.
"Hindi naman. Masarap Karylle."
"Eh bat ka biglang nalungkot? Kung naninibago ka sakin sorry ha? Sinusubukan ko lang kasing mapalapit sayo eh bakasa-"
"Naalala ko lang yung mom ko."
"Bakit? Ano bang nangyari sa mom mo?"
"Shes dead." 2 words lang pero tagos sa puso ko. Masakit dahil namatay si mommy tapos pag uwi ko mababalitaan ko nalang masaya na si Karylle sa ibang lalaki. Nung narinig ko yun galit na galit ako sa kanya halos isumpa ko na siya, kasi naman sabi niya mahal niya ako. Pero nung sinabing nagka amnesia siya dahil sakin, napalitan ng awa,sakit at lungkot yung puso ko.
"I'm sorry."
"No. You dont need to. Naalala ko lang kasi siya. Simula nung namatay siya walang nag aalaga sakin tuwing nagkakasakit ako kaya naalala ko siya habang sinusubuan moko. Thank you Karylle ha?" Nginitian niya naman ako at nilagay ang bimpo sa noo ko.
"Basta, hanggat andito pa ako bilang kaibigan mo? Umasa kang aalagaan kita."
OUCH! na friend zone si Bekla sakit pre. HAHa. Now alam niyo na yung dahilan kaya ge. Eto na muna ang update ko. Pagoda eh. Babye. Godbless-BayshKawel❤
BINABASA MO ANG
My TUTOR
FanfictionSabi nila Age doesn't matter. Oo nga naman. Shocks! ang gwapo lang talaga ng Tutor ko eh. Kaso sa tanda niya pwede ko na siyang tawaging Uncle. Nakaka intimidate ang gwapo niya at sobrang ma appeal siya kahit 28 na siya at ako 21 palang grabe talaga...