Part 6 Adventure

417 17 0
                                    

Pagdating namin sa bahay nagpaiwan ulit siya at sinabing uuwi na raw siya at wag na wag ko rawng kakausapin si Jeff. Kahit labag sa kalooban ko ang hindi kausapin si Jeff okay narin yun, kahit ang daming tanong na umiikot sa utak ko titiisin ko na muna. Siguro naman para sa ikakabuti ko rin yun. Si tutor Vice pa eh alam niya ang lahat, for sure naman yun no! magiging tutor ba siya sa mga broken hearted na gaya ko kung hindi niya alam diba? Pero kasi ano, within almost 3 days na nakasama ko siya hindi naman tutorial yun eh. He just keep on asking questions, Ganon ba ang pagtututor? sorry ha? hindi pa kasi ako naka try ng tinututor ako eh. Pumasok na ako ng bahay at naupo sa sa sofa.

"San ka galing ate?" hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Isang batang gwapo, na matagal ko nang pinagnanasaang makita. Naupo siya sa tabi ko.

"Aaron!!!!!!" Sigaw ko at hindi ko maiwasang yakapin siya. Namiss ko ang bunsong kapatid ko. Antagal ko na siyang hindi nakita sa personal mga 8 years na ata kasi naman pinag-aral siya nina mommy sa pinakamalayong probinsya. Kasalanan niya rin kasi, Pasaway kasi to at the age of 9 natutu nang sagot sagutin sina mommy at daddy. Lagi nalang nag mumukmok sa kwarto niya kapag hindi pinapayagan nina mommy na gumala, Pati sakin ayaw magpatinag kaya ayon. Ang laki na ng pinagbago niya ang muka niya mukang anghel na at ang gwapo na ng kapatid ko.

"I miss you, Aaron! Baby ko!"

"Ate! hindi na ako baby!" tinulak niya ako at parang nandidiri pa ang loko sa ginawa ko. ahaha naku naman talaga tong baby namin oh. Hindi parin nagbabago yung ugali niyang ayaw na ayaw binibaby.

"Ang arte mo talaga! gumwapo ka lang ng konti eh. Siguro may girlfriend ka na no?" pinitik ko siya sa noo at napakamot siya kaya naman natawa ako at inakbayan siya.

"Wala no."

"Sus! dinedeny mo pa. oh? kailan ka ba umuwi ha?"

"Kagabi pa ate. Malamang baka kanina lang po eh no? Uso mag-isip ate."

"Binabara mo na akong bata ka ha." piningot ko yung tenga niya, ang kulit lang kasi, Ibang iba na siya syempre naman 17 years old na kasi to.

"Eh kasi naman ate. Commonsense po. Na miss ko narin kayo kaya naisipan kong umuwi. Buti nga at summer na kaya umuwi na muna ako. At syempre mag bi-birthday na ang pinakamagandang ate ko no. Sorry ate ha? kasi hindi ako nakapunta sa debut mo. Kahit na summer nahihirapan akong umuwi. Daig ko pa ang nasa ibang bansa. Nagigipit kasi ako sa oras kaya ngayon umuwi ako kasi dito na ako mag-aaral next school year."

"Talaga? yehey! makakasama ko na ang baby Aaron ko."

"Ate talaga! stop calling me baby. Diyan ka na nga matutulog na muna si baby Aaron. ahaha bye ate see you later nalang pagod ako sa byahe." Tumawa naman ako at tinulak siya.

"Umalis ka na shooooo! ahaha sleep well bunso." Buti nalang umuwi na ang bunso kong kapatid, hindi na ako malulungkot kasi may kukulit na sakin. Nakakaiyak hindi niya alam ang nararamdaman kong sakit ngayon, Ang dami lang kasing tanong sa isip ko, lalo na nung kay Tutor para kasing matagal ko na siyang kilala.

"maam, nasa labas po si sir Vice."

"Ha-ha? pa-pasukin mo muna." bat siya nandito? kala ko uuwi siya? Pagbukas ng pinto bumungad sakin ang napaka gwapong tutor ko. Naka simpleng denim polo lang siya at pedal pero ang gwapo niya talaga.

"Ive changed my mind, baka kasi hindi mo sundin yung utos ko. Tara tutor time yung totoong tutor time." bago paman ako makapagsalita umupo na siya sa tabi ko at isinuot ang earplug sa tenga niya.

"Start na. Isigaw mo yung galit mo. Shout as loud as you could. Yung galit mo sa kanya lahat lahat."

"Vice? ayoko, andito ang kapatid ko, Yung bunso namin ayokong malaman niyang nag break na kami ng 9 years boyfriend ko."

My TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon