Who are you?

305 15 0
                                    

"KARYLLE!" Nilingon ko ang familiar na boses i turned at him at si Vice ang bumungad sakin.

"Vice? Bat ka nandito?" Nandito ako ngayon sa Viceral elementary school. Namiss ko kasi tong alma matter ko eh. We made unforgetable memories me and Jeff. Napayuko nalang ulit ako. I miss him badly.

"Nakikinig ka ba?" Natauhan ako ng magsalita si Vice.

"Ah. Yeah." May narinig ako konti he said alma matter niya rin to.

"Bat hindi kita nakita na nag aaral dito before?" Pagtataka ko. Napasandal siya sa puno at huminga ng malalim.

"Sobra ba talaga kitang nasaktan noon dahil sa pag alis ko?, at sa dami ng pwedeng mong kalimutan ako pa talaga ha Karylle?" Nilingon ko siya na medyo naluluha.

"Hindi ko dapat sasabihin to pero God! Sasabog na ako kakatago nito. Sa tuwing nakikita kitang malungkot alam mo bang dinudurog yung puso ko?" Dagdag niya bago siya lumapit sakin. He cupped my face and gave me a kiss sa forehead. Hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi niya. Naguguluhan ako. Sobrang naguguluhan.

"You may not remember me in your mind. but i hope you still remember me in your heart. I will always be your Spiderman."

"Ate! Wake up. Hey!" Minulat ko ng dahan dahan ang mga mata ko. Napapikit naman ako sa sinag ng araw.

"Ate bat ka ba umiiyak? Are you dreaming ba? Nga pala samahan moko bibili ako ng mga spiderman collections..."

"Ahhhhh! Ouchhh!" Sigaw ko. Damn ang sakit sakit ng ulo ko. Parang tinutusok yung utak ko.

"Ate! Mommy! Daddy! Help!"

"Ahhhhh!!! Aray ko! Huhuh tama na!!!"

"Bat ka ba umaakyat diyan sakang? Baba ka dito baka mahulog ka."

"Ayoko. Gusto ko pang kumain ng bayabas."

"Ibibili nalang kita dali."

"Gusto ko eto." Turo ko sa malaking bayabas na nasa unahan. Lumapit ako para abutin ito pero huli na ng naapakan ko ang sirang kahoy at naputol ito. Nahulog ako kaya sinalo ako ng lalaki.
Mababaw lang naman kaya nakaya niya akong saluhin.

"Tingnan mo. Aray ang sakit ng braso ko. Ang bigat mo."

"Okay lang mahal mo naman ako diba? I love you. Ikaw na yung spiderman ko."

"Mahal din kita sakang ko."

"Ouchhhhh!" Ungol ko.

"Anong nangyare?"

"It hurts mom.. aray...." binuka ko ang mata ko at may nakita akong doctor. Ang sakit talaga hindi ko na kaya to.
Bigla akong tinurukan ng doctor at nanghina ako. Unconsious..
.
.
.
.
.
.
Pag gising ko nakaupo lang si mama sa tabi ko.

"A-anak your awake." Dali dali niya akong niyakap.

"A-ano bang nangyare s-sayo?"

"Bigla lang po talagang sumakit ang ulo ko. As in po sobrang sakit, tapos habang sumasakit yung ulo ko may nakikita akong tao. Para akong nananaginip." Hinawakan niya ng marahan ang kamay ko.

"Ano bang nag flashback sa utak mo anak?"

"Si Spiderman. Yung kaklase ko. Ah basta mama sinabihan ko siya ng I love you tapos ang tawag niya sakin Sakang ko."

"Mom? Naguguluhan na ako. Sasabog na ata ang ulo ko. Parang may mga bagay pa akong hindi nalalaman kaya ako nagkakaganito. Andaming tanong ang bumabalot sa utak ko na hindi ko mabasa kung ano yun. Basta iisa lang ang dapat kung itanong. Sino ba si Vice sa buhay ko?"

Dandandan dalandan nesfruta real na real. HAHAHa. Trip ko na mag type ngeyen. support support at lagi akong mag U-update

My TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon