Nang makarating kami sa gate nagpaiwan siya at sinabing uuwi na muna siya para magpahinga, Tumango naman ako, siguro kailangan niya rin munang mag muni-muni dahil pareho kaming iniwan ng mga taong mahal namin. Pagpasok ko sa kwarto may nakita akong isang box na kulay dilaw. Nilapag ko ang bag ko sa kama at binuksan ang kahon na nakalagay sa gitna ng kama ko. Pag bukas ko mga pictures namin ni Jeff, ang unang rosas na binigay niya nung grade 6 palang kami, ang necklace at ang sing-sing. Napayuko ulit ako at naluha na ng tuluyan, Ngayon ko pa napagtanto nga hindi ko pa talaga tanggap na hiwalay na kami, aaminin ko masakit. Ang hirap maging palaban at matapang pag dating sa taong mahal mo. Ang hirap mag move-on, ang makalimutan siya, ang lahat. Kailangan ko talaga ang tulong ni Vice para makalimutan ko si Jeff alang alang sakin.
"Maam? nakita ko po pala yan sa kotse ng kuya mo po. Tapos sabi ng kuya mo po ibigay ko raw sayo. Eh kanina po wala po kasi kayo kaya nilagay ko nalang diyan."
"O-okay lang."
"sige po."
"Paki lock nalang po ng pinto." utos ko kay Yaya Liz
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si kuya.
ON CALL:
K: Oh? napatawag ka?
A: Kuya? alam mo namang pinapatapon ko na sayo tong mga gamit diba? Bat mo pa ipinapabigay sakin? at talagang naka kahon pa ha. *pinunasan ko ang mga luha ko, bago kasi umalis si kuya papuntang Puerto sinabi ko sa kanya na itapon yun sa dagat. Masakit kasi parang tinutusok ng isang daang beses yung puso ko sa tuwing nakikita ko yung mga gamit na binigay niya sakin.*
K: Sorry bebe ko. Sayang kasi eh. at wag kang bitter, you should keep it. Mamahalin ang necklace at sing-sing na yan. Pinag-ipunan yan ni Jeff. Nakasama ko pa nga siyang nag sa-sideline para lang makabili ng mga yan hindi mo alam ang mga pinagdadaanan naming mga lalaki para lang sa inyong mga babae. At eto ha? my first & last speech para sa lovelife mo. Hindi mo naman alam anong rason kung bakit ginawa sayo yun ni Jeff eh. Kaming mga lalaki may mga mabibigat na planong maaring makasakit sa inyo pero ito ay para sa ikakabuti niyo rin naman. At sa kaso ni Jeff, alam kong may dapat siyang iamin sayo. Alam kong mahal na mahal ka ni Jeff. Sige na magiging okay rin ang lahat ang kailangan niyo lang ay closure.
A: Yan rin ang sinabi ng Tutor ko. Kailangan namin ng closure pero kuya ang sakit lang kasi kanina pumunta kami sa inland resort kung nasaan sila. Pumunta kami dun niyakap ko siya at sinabing mahal ko siya. Tapos kuya sinaktan niya ako,
K: Anong ginawa niya sayo?!?!!
A: Tinulak. Kuya ang sakit, Sinaktan niya na nga ako emotionally dinagdagan pa niya physically.
K: La-lagot sakin yang Jeff na yan!
A: Kuya wag na pero, sige salamat sa speech mo. Ingat ka diyan kuya ha.
K: Oo ikaw din, Magiging okay rin ang lahat ha? masasanay ka ring wala siya sa buhay mo. Mahal na mahal kita kapatid ko.
A: Ako din kuya, thank you.
END CALL
Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na ito,
Calling....
Calling....
Napalingon ako sa Phone ko at napakunot ng noo. Unknown number? Kinuha ko ito at sinagot.
A: Hello?
Unknown: Sorry.
A: Anong sorry? sino to?
Unknown: Meet me privately sa tambayan natin dati, Nandito na ako ngayon, Gusto ko ikaw lang at wala yung bodyguard mong gago!
END CALL
Si-si Jeff? dali-dali akong bumaba at dumeretso sa park dito sa village namin, dito kasi yung tambayan namin eh.. Pagdating ko nakita ko na agad siya naka-upo sa swing. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Pagtingin niya sakin parang gulat na gulat siya. Bakit? napalingon ako sa paligid ko.
"Tara na, Tutorial time." Bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay tutor, bigla nalang kasi siyang sumulpot eh.
"Napaisip ako na hindi dapat ako magsayang ng oras. Kahit walang bayad to. Pero tungkulin ko ang Turuan kang maka move on at kalamitan siya." Tinignan niya si Jeff na ngayo'y nakatayo na.
"Pe-pero kailangan naming mag usap Vice." naiiyak kong sabi kay Vice. Kailangan namin ng closure.
"Vice! umalis ka na nga muna at hayaan mo kaming makapag-usap ni Karylle."
"Hindi! kailangan ko na siyang turuan panu ka kalimutan Jeff. Sobra na siyang nasasaktan."
"Ano ba kayo? Vice? hayaan mo muna kaming makapag-usap please." pag-aawat ko sa kanilang dalawa.
"Sige, pero pag sinaktan ka niya ulit, Hindi ko na kasalanan yun. Aalis na ako." pipigilan ko pa sana si Vice pero hinawakan ni Jeff ang kamay ko. At parang nagmamaka-awa. Pasalamat ka Jeff at sobrang mahal kita, Sobrang mahal kita.
"K? mag-usap na muna tayo please?" hinila niya ako pa upo sa swing. Na-upo kaming dalawa. Ayokong umiyak sa harap niya, gaya ng nangyari kanina kaya kinakagat ko yung labi ko para hindi maiyak.
"K? sorry sa nagawa ko ha? patawad, kasalanan ko to dahil nagparaya ako." napalingon ako bigla sa sinabi niya. Anong nagparaya ba ang sinasabi niya?
"ano? paki-ulit nga Jeff?"
"Nagparaya ako, Sobrang mahal kita K. Higit pa sa sobra."
"K. tara na. Ayaw raw ng daddy mo na kausap mo siya." sabay kaming napatingin ni Jeff sa taong nagsasalita si Vice.
"Vice, please naman oh. Hayaan mo muna kami." pagmamaka-awa ko pero bigla niya akong kinarga.
"Vice!!!! ibaba moko!"
"Vice wag kang maki-alam!" sigaw ni Jeff na akmang pipigilan si Vice sa pagkarga niya sakin.
""Tumahimik ka Jeff." bakit ganto makapag tanggol sakin si Vice against Jeff? naninibago ako sa kilos niya. Eh tutor ko nga lang pala siya. Pero may utang na loob ako kasi libre lang ang pagtutulong niya sakin kaya dapat ko siyang sundin kahit labag sa damdamin ko ang iwan si Jeff dun, Andaming tanong na bumabalot sa utak ko. Anong nagparaya? may dapat ba akong malaman tungkol kay Jeff? at sa pagiging protective masyado ni Vice? eh parang kahapon ko lang siya nakikilala, bakit parang ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya? Napapasunod niya ako. Parang matagal ko na siyang kilala.
......
To be continued..
Be ready for a crazy twist. ahihihi
BINABASA MO ANG
My TUTOR
FanfictionSabi nila Age doesn't matter. Oo nga naman. Shocks! ang gwapo lang talaga ng Tutor ko eh. Kaso sa tanda niya pwede ko na siyang tawaging Uncle. Nakaka intimidate ang gwapo niya at sobrang ma appeal siya kahit 28 na siya at ako 21 palang grabe talaga...