Joey's POV
"Hoy ugok, ano'ng ginagawa mo dito?" -ako yan
"Malamang, tatambay dito sa bahay mo. Ano pa nag ba?" - siya naman yan
Nga pala, ang kausap ko pala ay ang pinsan ko lang naman na si Harold.
Magkaedad lang naman kami at halos sabay na kaming lumaki.
"At sino'ng may sabi sa'yo na tambayan ang bahay ko? Saka may
pupuntahan ako." - ako
"Sa'n ka pupunta? Sama ako!" si Harold
"Sa supermarket. Bibili ng supply, wala na ko'ng pagkain dito eh. May
mga tao kasing sadyang makakapal ang mukha na ang lakas ng loob
tumambay at kumain dito, hindi man lang naisip na baka pwede rin syang
mag-share ng pambili ng supplies." litanya ko
"Huwaw! 42 words!Si Joey Rodrigueza, 20 years old na 4th year Civil
Engineering student sa ***** University, na tamad mag explain kaya
laging bagsak sa English at Filipino, nakapagsalita ng 42 words???!!!
@O@. Amazing!" @o@-ganyan yung mukha nya, tapos biglang naging ganito->
-_- "Ganyan ba talaga pag wala na'ng makain?!" siya
-_- ako yan"G*go ka kasi! Kung di mo ba naman inubos yung mga supply ko dito."
"Hay. o sya sya. Since dinagdagan ni mama ang allowance ko, libre na
kita. Tara na sa supermarket. Pagkatapos kain tayo huh!"
"Mabuti pa nga. Tara na!"
=_= Siguro naman hindi ko na kailangan pa magpakilala noh?! Sinabi nang pinsan ko eh. Bibig talaga nun. Hay..
........sa other side of the world, hihi...........
Lency's POV
Hey people! This is now our last year in college, and we are now on the
peak of being a certified pasaway. Kailangan sulitin eh. hihihi
"Leng! Mall tayo!" aya ni Jenny, isa sa mga kabarkada ko
"Pinag-iisipan pa ba yan?? Tara na!!! " sang-ayon ko naman
"Badtrip. Hindi pumasok so Madam, sayang lang ng pamasahe." si Yanlie,
uber kuripot ko'ng kabarkada
"Yaeh na. Makakagala naman tayo. Wag na KJ Yanz!" ako
Nga pala, we're 4th year AB Literature students, sa *****
University.Jolly students sa campus, but with deadly secrets.
Bwahahahahah. At ayun nga, nagpunta na kami sa mall with all the
uniform and the black shoes. Hindi kasi pinapapasok pag hindi
naka-black shoes sa university eh, High school lang 'teh?!
"Wuhooy. Tara, fried ice cream tayo!" si Dreese, certified bookworm
"Oo nga, tara na! Once in a Blue Moon lang tayo magka-pera eh." Si Nad.
Ronald sa umaga, Nhadine sa gabi. Sa'n ka pa?!
Pagkatapos namin bumili eto ang problema..
"Saan tayo uupo? Duh, kumakain habang naglalakad?" si Yanlie. Epal mats
=_=
"Tara sa food court"
At ayun pumunta kami sa Food Court. At masaya kaming kumakain nang may
hindi kanais nais na nahagip ang aking mga mata. Isang malaking poster
sa katabi namin.
"Uhmmm. Mga kapatid."
NR sila. Busy kumain eh
"Wuy."
Unang tumingin si Jenny.
"Bakit Leng?" siya
"Mind to look at my left side."
"May poster. o anu ngayon?" Si Dreese, LG talaga to
"Baka naman gusto niyo basahin??"
At di ko inaasahan...
"Yun lang pala eh. Mga kapatid, tayo na't basahin ang nasa poster."
"ANG LUGAR NA ITO AY PARA LAMANG SA MGA BUMILI NG TINDA SA MGA FOOD
STALLS DITO SA FOOD COURT. KUNG HINDI KAYO DITO BUMILI NG PAGKAIN,
MAAARI LAMANG PO NA MAGDALAWANG ISIP MUNA KAYO BAGO UMUPO DITO.
SALAMAT. THA MANAGEMENT" silang apat
Sabayang pagbigkas lang 'te.
"TEKA! DIBA HINDI NAMAN TAYO BUMILI DITO???" Yanlie
=_= Sige sigaw pa
"Oo nga. Pano na yan." si nad
"Yaan nyu na, nagdalawang isip naman tayo bago tayo umupo dito diba?"
si Jenny
"Weh?" Dreese
"Oo. Diba nagtalo pa tayo kung sa Food Plaza o sa Foodcourt??. Pwede na
yun!" si Jenny
At lahat na nakatingin samin. Marami pa'ng taga ibang schools. Shet.
Time to escape.
"Uhh, mga kapatid. Bili muna ako ng salad ha??"
Hindi ko na sila pinagsalita at umalis na ko. Pagdating ko sa may salad
station, lumingon ulit ako sa mga kaibigan ko.
Laughtrip. Mukahang narealize din ng mga kabarkada ko na
pinagtitinginan na sila, at isa isa silang umalis, in a line formation
pa talaga ha. wahahahaha.
"Miss, yung salad mo." si kuya tindero, cute pa naman. suplado nga lang
"Thank you." at kinuha ko na mga kaibigan.
"Uh, bayad mo po? 25 pesos lang yan" langya naman, ba't ko nakalimutan
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHA" huh. makatawa naman to, sino kaya
to, pagtingin ko sakanya, O___O, sakin sila nakatingin, shet
"Oh kuya, bayad ko. 25.50 yan. Keep the change ha!" at umalis na ko
para sundan ang mga friends ko.
Joey's POV"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHA"
Nagulat na lang ako nang biglang tumawa ng malakas si Harold.
"Wui, bakit ka tumatawa?" ako
"Laughtrip kasi yung babaeng yun eh." sya, at may tinuro'ng babae
Tumingin samin yung babae at O___O tapos biglang O/////O
"Ano'ng meron dun?" tanong ko
"Bumili ng salad, parang tanga, tawa nang tawa tapos kinuha yung
biniling salad, nakalimutan magbayad,ayun, siningil ni kuya tindero."
siya
=_= ah okay. yun lang ba. kala ko naman
<3 That's for the first encounter. Gotta make the next chap!!
Wanna see Leng and Friends??? Abangan sa next chap.
Chapter 2 [Kaw yun HUh!]
BINABASA MO ANG
Love Story ng TORPE
ActionPaano kaya pag naranasan mo yung sinasabi nila "someone stole your heart", pero masyadong komplikado ang lahat?? What if masaydo siyang pa-fall, pero nung handa ka nang mahulog, bigla siyang magpapahila sa iba para hindi ka niya masalo?? Masasabi mo...