Yeah Right

60 0 0
                                    

Joey’s POV

“Sige lang, mag-away lang kayo diyan, ano ba naman yan, wala naba talaga kayong kapaguran sa pag-aasaran?” pagpipigil ko kina Leng at Dreese

“WALA!” sabay nilang sagot

“Yaan mo na sila tol, tayo na lang ang mag-usap.” Sabi sakin ni Francis. Nagtaka naman ako sa sinabi niya, at lalo akong nagtaka nung humarap na ako sakanya.

O_O PAAK!!!

“Aray naman! Bakit ka ba nananapak huh?” sigaw ni Francis. Nasapak ko kasi yung gago. Paano ba naman, nung humarap ako sakanya ang lapit na ng mukha niya sakin.

“Tsong naman kasi masyado tayong close oh!” pinag-diinan ko sakanya habang pinag-lalapit ko yung dalawang daliri ko.

“May sasabihin lang naman kasi ako sayo eh.” Pagmamaktol ni Francis

“Pwede naman sabihin nang malayo eh, bakit ba kailangan mo pang lumapit ng ganun sa mukha ko ah?” sagot ko naman sakanya

Official na talaga. Para kaming mga tanga na magkakasama. Isang grupo ng mga estudyante na magkakaiba ang uniporme at may dalawang pares na nag-aaway. Dreese at Leng; Francis at ako.

“Huwag ka na kasing mangarap na tatangkad ka pa.” sigaw ni Leng

“Eh sa hindi naman ako nangangarap eh. Tanggap ko na yun matagal na, ikaw lang naman ang hindi maka-move on at pinagpipilitan mo na maliit ako.” Sagot ni Dreese

“Masyado ka naman kasing naka-focus sa dalawa eh. Tayo yung nag-uusap, at para sabihin ko sayo ikanina pa ako uy nang uy sayo, hindi ka naman sumasagot kaya lumapit ako sayo para mas lalo mo akong marinig.” Paliwanag ni Francis

“Pwede naman kasing kalabitin mo na lang ako para tumingin ako sayo eh.” Sagot ko kay Francis

“Hindi naman kasi talaga ako maka-move on kasi natutuwa ako sayo. Ang liit mo kasi pero ang gaspang ng ugali mo.” Pang-aasar ni Leng kay Dreese

“Huwaw naman, angel ka ba Leng sa tingin mo?” banat ni Dreese

“Oo.” Walang gatol na sagot ni Leng

“Pero hindi mo maikakaila na effective na lumapit ako sayo. Diba narinig mo na nung tinawag kita.” Pa-genius effect pa si Francis

“Oo na. Ano ba kasi yung sasabihin mo?” tanong ko sa napakakulit na Francis ng buhay ng mahal ko

“Anong klaseng angel ka? Fallen? Ai lalong hindi tayo magkakasundo diyan. Mapa-fallen o nephilim ka man, magpo-protesta ako kay Lord. ” litany ni Dreese

“At bakit naman. Cute nga eh, ‘fallen angel’. Hmm. Astig.” Pangkumbinsi ni Leng sa sarili niya

“I strongly disagree.! Wala sa aura mo ang pagiging angel, mapa-good or bad angel man. Isa kang mutant!!!” sigaw ni Dreese

At ayun nga, dahil sa hindi si Leng nabiyayaan ng madaming charge ng pasensya, akmang susugurin na naman niya si Dreese nang biglang…

PRRRRttttttt!!!

“Hoy kayo! Hindi niyo ba alam na nagbabanta kayo sa katahimikan ng school na to?” ayun patay, may tatlong guard na lumapit samin. TATLO ha!

“Wow, makata si kuya.” Sino pa nga ba? Si Leng lang naman

“Kayong dalawa!” sigaw ni Guard No. 2 sabay turo kina Leng at Dreese

“Kaming dalawa?” sabay na tanong nina Dreese at Leng

“Oo. Kayong dalawa.” Si Guard No. 2. Ulit ulit lang.

“Ano saming dalawa?” si Dreese na yan. Si Leng kasi ayun, unti-unting humahakbang paatras.

“Sumama kayo samin sa Guidance Office.” Si guard No. 3 naman yung umiksena

“Bakit?” si Leng

“Hindi niyo ba alam na may lumapit nang estudyante samin na nire-report kayo? Natatakot na ang mga estudyante sainyo.” Paliwanag ni Guard No. 1

“Ah dapat lang naman talaga na matakot sila. Lalo na yung mga tsismosong nagsumbong sinyo. Sino kaya ang mga yun?” sagot ni Leng na halatang pinalakas ang boses para lang marinig ng mga ibang estudyante sa paligid. As if on cue, marami yung nagsialisan, ibig sabihin marami rami na rin yung nagsumbong.

“Wala naman kaming ginagawa mga kuya. Ganito lang talaga kami mag-usap ng bestfriend ko.” Paliwanag ni Dreese habang sinusubukang akbayan si Leng

“Tigilan mo ako diyan Dreese. Might as well stop making akbay on me. Hindi mo naman ako abot eh.” Pang-aasar ni Leng. “Aray! BAKIT KA BA NANGUNGUROT DREESE!!!” ayun tuloy.

“Sa guidance na lang kayo mag-usap.” Sabi ni guard no. 1, at lumapit na sina guard no. 2 at 3 para hatakin sina Leng at Dreese.

Akmang susunod n asana kami nang lumingon si guard no. 1 at lumapit samin ni Francis.

“Kayong dalawa, sumama rin kayo. Wanted din kayo sa Guidance Office, nakikipagsabayan pala kayo dun sa dalawa para maghasik ng ingay sa campus.” At hinatak na niya kami sunod kina Leng

“Parang mali ata Kuya Guard.” Si Harold. Yes! Savior talaga si insan

“Ano naman ang mali? Gusto mo bang sumama sa loob na office para itama ito?” tanong ni Guard No 1

“Hindi. Si kuya naman oh. Bakit kina Leng dalwang guard yung kumuha, babae naman sila. Bakit ikaw mag-isa lang?” paliwanag ni Harold

“ANO’NG GUSTO MONG PALABASIN HUH!!!” sigaw naming ni Francis

“Just saying.” Si Harold sabay tago sa likod ni Jenny

Yeah. Great.

Whatta day!!!!

Love Story ng TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon