Francis POV
Naku lagot. Bakit ba kasi ganun yung inasal ko kahapon?
"Nahihiya ka magpakita kina Leng ngayon no?" tanong sakin ni Ace. Teka, pano niya ba nalaman ang iniisip ko? Tiningnan ko lang siya.
"Halata naman sa itsura mo. saka kahit naman sakin nangyari yung kahapon, mahihiya rin ako no." Ace
Hindi lang ako nagsalita. at patuloy kami sa paglalakad patungo sa Arts Building. Pinilit kasi ako ni Ace na samahan siya, gusto niya daw kasi makita si Jenny.
"Bakit di mo na lang kasi sabihin sakanya na gusto mo siya?" Ace
"Pinagsasabi mo?" ako
"Halata naman na may gusto ka kay Leng." Ace
"Asa!" ako
"At kaya ka napikon kahapon dahil hindi mo inaakala na magdudulas dila ni Harold kahapon kay Leng. Dahil ang iniisip mo, mas mabigat na kalaban si Joey? Tama?" Ace
"Pano mo naman nasabi?" ako
"'Tol, kahit na loko loko ako, maalam din naman akong gamitin ang senses ko. Kun ako sayo, kumilos ka na habang in-denial pa si Harold at torpe pa si Joey." Ace. Pag di pa nga ba talaga ako kumilos, magsisisi ba ako? Nakasinghot ata si Ace nung gasolina kanina magpa-gas namin.
"hindi pa naman ako sigurado kung gusto ko talaga siya." ako
"Kaylan ka magiging sigurado? Pag sila na ni Harold? O kung nagkalakas na ng loob na mangligaw sakanya si Joey? sa nakikita ko, kaibigan lang naman ang tingin ni Leng kay Joey. Sort of a brother ba. At si Harold naman, hindi ko matiyak. Hindi ko mabasa tingin ni Leng kay Harold." Ace
"Mainit kaya dugo ni Leng kay Harold! Hahahaha. He's not a threat." proud kong sabi
"Pero nauso rin ang kasabihang 'the more you hate, the more you love." Ace. Langya, bakit ba nito pinasasakit ulo ko????
"Hi Ace!!!!!!!!!!!!!!!" makasigaw naman si Jenny
"Akala ko na 11 pa labas niyo? 10:00 pa lang naman huh?" Ace
si Jenny, Dreese, Yanlie at Nad lang yung magkakasama. Asan naman kaya si Leng???
"Nasa guidance office si Leng." bigla na lang sinabi ni Dreese
"tinatanong?" ako
"Masyado ka kasing obvious men! Pustahan tayo, binilang mo pa kami, para lang makasigurado?" Yanlie
"Ay ewan ko ba naman sainyo!" ako. Kailangan ko magsungit. Wag kang pa-obvious Francis
"Bakit ba napunta sa guidance si Leng?" ayan. Beri gud Ace. Magtanong ka.
"Ayaw namin sagutin!!!!!" si Jenny
"Bakit naman?" Ace
"Nakikinig si Francis eh! Hahahahaha" Dreese
"Sino ba may sabing nakikinig ako huh? At saka sanay na kong nasasangkot sa gulo yung si Leng." ako
"Ok sinabi mo eh." Dreese
"Eh bakit nga siya napunta si Guidance's Office?" tanong ko
"Akala ko ba hindi ka interesado?" Dreese
"Sinabi ko bang hindi ako interesado? Ang sabi ko lang naman kanina is sanay na akong nasa guidance office siya." ako
"Ansabe ng palusot?? hahahahahaha." Nad
"Bakit nga? Kailangan talaga nambibitin?" Ace
"Hahahaha. Atat lang kuya?"
"Wag na natin pag-usapan yun. Siya na lang ang magsasabi kung bakit nga ba siya napatawag dun. Nasa lahi na ata nun ang pagkabayolente. Pinsan nga nun ganun din . Laging nasasangkot sa away." Dreese
BINABASA MO ANG
Love Story ng TORPE
ActionPaano kaya pag naranasan mo yung sinasabi nila "someone stole your heart", pero masyadong komplikado ang lahat?? What if masaydo siyang pa-fall, pero nung handa ka nang mahulog, bigla siyang magpapahila sa iba para hindi ka niya masalo?? Masasabi mo...