Chapter 8 [New]

85 0 0
                                    

Lency's POV

Ano ba naman yan. Nagugutom na kaya ako.

"Bakit ba kasi hindi pa tayo kakain?" si ako. Andito kasi kami sa canteen ngayon pero ayaw naman nilang um-order.

"Mamaya na nga sabi. Sabi kasi niya hintayin natin siya eh." si Yanlie

"Eh sino ba naman kasi yan?" balik na naman ako sa bugnutin kong ugali

"Ayan na pala siya eh!" sigaw ni Nad habang nakatingin sa likod ko

"Sino ba yan?" ako, paglingon ko, O__________________O. Bigla ba naman akong yakapin ni errr... Camille

"Musta Leng?" siya

"Leng? Close tayo? At saka pwede ba, bitawan mo nga ako, para sabihin ko sayo hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae." ako

"Eh sa lalaki, papatol ka ba?" sino na naman kaya yun?

"Eeeeeh. Mula ngayon bestfriend na kita!" awts. Ang lapit niya sakin, tapos sinisigawan niya pa rin ako =_=+

"Bitiwan mo nga si Leng." ah. si laptab boy

"Sabay sabay na tayong kumain." sabi ni Yanlie. Bale may dagdag kaming tatlong miyembro ngayon, sina Camille, Ace at Francis.

"Whatever! Tara na! Bili na tayo ng pagkain. Kanina pa ko gutom eh." aya ko

"Leng pinagbaunan kita ng lunch. Wag ka nang bumili." si Camille, Ano nakain neto

"Andaya. Bakit kami wala?" si Jenny. Bitter :P

"Mabigat kasi eh. For two people lang nadala ko. Pero nagbaon ako ng dessert for everyone." si Camille

Binuksan niya yung may lagay na salad. *_* mukha nina Dreese

Mukhang masarap ah. Pero poker face lang ako. Kunwari galit ako.

"Gusto ko pala yan. Sige pala. Bili na tayo." aya ni Nad

At umalis na sila. Kami na lang ni Camille natira sa table. Actually nagtatayuan mga balahibo ko sa mga tingin ni Camille. Parang may mali. Ay ewan.

"Dinalhan kita ng lunch Leng o!" at binuksan niya yung lunch box

*_* Huwawww, favorite ko. Pork steak with a lot of MUSHROOMS!!!! Favorite ko kaya mushroom. yum yum yum.

"Tinext ko sina Yanlie kung ano ang favorite mo. Sabi nila favorite mo daw ang mushroom. Kaya ayan. Nilagyan ko ng maraming mushroom." nag-blush pa siya ah.

"Pwede ba. Wag kang mag-blush! Kinikilabutan ako sayo eh!" ako

"EeeeeeeHHH Leng naman kasi. Bati na tayo. Gusto nga kasi kita maging bestfriend." siya

"Ewan ko sayo. Baka may lason yan." Pramis. Naglalaway na ko. Parang ang sarap.

"Wala. Bakit ko naman lalasunin ang bestfriend ko." siya

"Para kang ewan." ako yan

maya maya andyan na yung tropa. Parang dumami ata kami. Ang saya naman. Pero hindi ako ngumingiti. Bitter ako eh.

"Kainan na!" ako yan at inagaw na kay Camille yung lunch box

Nagsiupuan na sila. Bakit katabi ko na naman si Francis. Langya. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Napansin kong hindi pa kumakain si Camille.

"O, bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ko sakanya

"Wow. Concern na sakin ang bestfriend ko? Na-touch naman ako." teary-eyed na pati siya

"Langya, pag di ka pa kumain, uupakan na kita." ako yan

Dali dali niyang kinuha yung baunan na dala niya. In fairness ang sarap niyang magluto.

Love Story ng TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon