Adults...Officially.

25 0 0
                                    

Joey's POV


                Hay sa wakas, natapos na din ang napakahabang graduation ceremony. Ang init pa naman, at BAWAL MAGPAYONG. WALA NAMANG BUBONG KASI SA SCHOOL GROUNDS ginawa yung ceremony.


                "Ayun sa wakas! Natapos din! Hahahaha. Woohoooh!!!!! Graduate na tayoooo!!!!!" sigaw ni Harold at gumanti rin ng malakas na "YEAH!!!!" ang mga classmates ko.


                "Mamaya na tayo Insan lumabas. Andaming tao eh." Aya ko kay Harold


                "Ano ka ba naman Insan? Wala ka ba talagang puso? Kanina pa tayo nabibilad sa araw! Amoy araw na nga ako sa mismong Graduation Day ko tapos ayaw mo pa rin umalis??" OA naman na sagot sakin ng Insan kong ulul.


                "O sige ah! Lumayas ka na dito! Bahala ka kung matisod ka dyan sa NAPAKAHABANG siksikan na yan para makalabas dito sa venue! At wala akong pakialam kung apak apakan ka ng mga tao at mamatay ka!" ganting sigaw ko rin kay Harold. Aba't ngumuso naman ang baliw kong pinsan. Yuck. Tanda tanda na eh ugaling bata pa.


                "Oh sige na nga. Hintayin na lang natin na humupa ang pila. Hindi pa naman ako gutom eh. Baka gutom na ang mga yan kaya nagmamadaling umuwi." Parang napapahiyang sagot sakin ni Harold


                Almost 20 minutes din bago humupa ang pila ng mga nagpupumilit na umalis ng venue. Maya maya pa at_————


                "Ump!" ako yan. Bigla na lang kasi na may patakbong yumakap sakin mula sa likod ko.

                "Congrats satin Joey ko!!!! Graduate na tayo!!!!!" sigaw ni Leng malapit sa tenga ko!


                "Aray naman Leng! Kailangan talaga sumigaw malapit sa tenga ko???" inis na sigaw ko sakanya. Pilit ko siyang iwinawasiwas (?) papalayo sakin pero ayaw niya yata talaga akong bitawan, daig pa ang tuko kung makakapit.

                "Huwaw naman, kung makayakap ka sa pinsan ko, parang walang boyfriend lang ah!" pang-aasar ni Harold sakanya, at ngumuso lang naman si Leng. What's with the people today at trip nilang pahabain ang nguso nila? WEIRD!


                "Huwag ka ngang epal! May tiwala naman sakin si Francis at saka wala naman kaming ginagawang masama ni Joey ko!" sagot sakaya ni Leng

Love Story ng TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon