Shame on Me

94 0 2
                                    

Joey's POV

Hay, Graduation na naming mamaya. Ok, I don’t know what’s up with me today at parang hindi ko trip ang araw na ito. Well, years ago, gusting gusto ko nang dumating ang araw na to, but lately parang ito na yata ang araw na kinakatakutan kong dumating. Bakit kaya? Ah, alam ko na, una, hindi na ako bibigyan ng allowance ni mama, pangalawa, kailangan ko nang maghanap ng trabaho, nakakahiya naman kung tambay lang ako, mami-miss ko mga prof naming, lalo na ang mga barkada ko lalo na yung babaeng ayaw na ayaw ko nang makita. Bigla naman na may nagtext sa cellphone ko.

“Take care of her. Don’t ask questions.” Huh? Ang labo naman neto. Ano na naman kaya ang nasinghot ni Francis at kung makapagtext na naman parang kailangan pang i-analyze ng matagal. Ma-reply-an nga.

“Ano na naman ba ang nakain mo?” sagot ko

“Diba sabi ko na ‘DON’T ASK QUESTIONS’? Alin ba ang mahirap maintindihan dun?” reply niya sakin

“Kailan pa naging masama ang magtanong?” sagot ko ulit

“Sinabi ko bang masama ang magtanong? Ang sabi ko, DON’T ASK QUESTIONS.” Reply niya. Sabi ko nga, mali ako.

Hindi ko na nga ni-reply-an. Ang hirap naman kasing kausap, tatanungin mo lang naman, magtatanong din. Ang labong kausap. Kinakabahan naman ata ako huh. Makalipas ang halos isang oras, bigla na naman siya nagtext sakin.

“Bye. See you when I see you.” Sira ulo talaga to si Francis

“Oi tara na!” sigaw sakin ni Harold. Susmaryosep. Muntikan ko nang mabitawan tong cellphone ko.

“Pwede ba huwag kang manggulat?” sigaw ko sakanya

“Ok.” Simpleng sagot niya. Nu rin kaya nakain neto.

“Ok? Sigurado ka?” tanong ko

“Malamang. Alam mo, iyun lang naman ang pinagkaiba natin.” Huh? Pati ba naman si Harold Malabo na rin kausap ngayon.

“Ano na naman ba ang nakain mo? Pinagsasabi mong pinag-kaiba natin?” tanong ko. Nakakapanibago talaga.

“Yun lang ang pinagkaiba natin.Ako, Pag sinabi kong Ok lang ako, OK LANG TALAGA AKO. Hindi ako kagaya mo na masyadong mapagpanggap.”

“Labo mong kausap. Para kang si Francis.”

“Nakausap mo si Francis?” tanong niya sakin. Bakit parang nagulat siya?

“Hindi. Naka-text.”

“Ah. Ok.” Sagot na naman niya. Matext nga yung loko

“Harold OK ka lang ba talaga?” text ko sakanya

“OK lang naman talaga ako. Mahirap bang paniwalaan na kahit isang araw ay wala akong problema?” reply niya sa text ko. Langya to, ang haba ng reply sa text, pag kausap ang tipid sumagot.

“Hindi lang kasi ako sanay. Saka kanina kasi kakaiba rin kung magtext sakin si Francis. Tapos parang nagulat ka pa na nag-text siya sakin kaya nagtaka lang talaga ako.” SEND TO HAROLD

“Hindi naman sa kakaiba ang ikinikilos ko, nagtataka lang talaga ako na mag-katext kayo ni Francis. Hindi nga kayo masyadong nag-uusap eh.” Reply niya

Ay ewan. Ang weird talaga ng mga tao ngayon.

“Tara na nga.” At hinila na ako ni Harold papunta sa stadium.

Pagdating naming dun ay agad naman naming hinanap sina Leng. Siyempre naman. Sila na nga lang ang mga ka-grupo namin, at pag nagsimula na ang program, hindi na kami mag-kakausap kasi sa ibang area sila.

“Oi musta?” ako

“oi musta rin.” Leng. Hay, ang hirap talaga kausap ng mga tao ngayon.

“OK lang ba si Leng?” tanong k okay Dreese

“Kailan ba naman naging ok lang si Leng? May sayad na niyan since birth. Hindi na yan magiging ok.” Sagot ni Dreese. At least normal lang si Dreese. So far ang may kakaiba lang ay sina Francis, Harold at Leng.

“Leng awat na, baka mamaya dumating na yun. Kahit naman sa mga date niyo late siyang dumating diba?” saway ni Yanlie. Ah, so may kakaiba pala  kay Leng kasi wala pa si Francis.

“Ang tagal naman niya. Baka hindi na yun pumunta. Baka na-trauma na.” si Leng

“Na-trauma how?” si Ace. Tsismoso na rin to eh

“Kahapon kasi habang kumakain kami dumating sina mama. Ayun na-interview siyang ng alanganin. Muntikan pa nga himatayin nung nakipag-handshake siya kay papa eh.” Paliwanag ni Leng

“Baka hindi yun pumunta sa celebration niyo sa bahay niyo. Pero ditto sa graduation siguraong pupunta yun.” Nhad.

“CANDIDATES FOR GRADUATION, FORM A LINE GOING TO YOUR DESIGNATED AREAS.” At dahil dun nag-scattered na kami.

“Hala, wala pa rin si Francis. Ganun ba kung makapanakot ang parents ni Leng to the point na hindi diya makakapunta sa Graduation niya?” bulong ni Harold

“Ewan ko.”

Ang bigat ng mga talukap ko. Bakit parang inaantok ata ako?

Nakatulog ba ako? Asan na yung mga tao. Teka, bakit katabi ko na si Leng?

"Uy Leng. Kamusta ka?" tanong ko

"Hindi ako OK. Wala talagang may sumeseryoso sakin no? Ganun ba talaga ako kadali mapaniwala na katanggap tanggap naman talaga ako?" pagdadrama ni Leng

"Leng ano bang ibig mong sabihin?" naguguluhan talaga ako sa pinagsasabi niya

"Sige ganyan ka na. Ewan ko sayo, maghanap ka nga ng kausap mo." at bigla na lang niya akong iniwan

"LENG SANDALI!!!!!" sigaw ko, pero masyado na siyang malayo, at sigurado akong kahit narinig niya ako ay hindi na yun babalik, reyna yun ng mga tamad eh.

"JOEY!" huh. Sino naman kaya yung tumatawag sakin?

"JOEY!! JOEY!!" Lumilindol ba?

"RODRIGUEZA JOEY, B."

"HOY JOEY GUMISING KA NA NGA!!!" huh???

-_O

"Ano ba? Kanina ka pa tinatawag oh! eksena  ka naman eh!" bungad sakin ni Harold. Napatingin tuloy ako sa paligid. Aray. Patay! Lahat at sila nakatingin sakin. Pwede bang bumuka na ang lupa at lamunin na ako ngayon?

"At lalong dadami pa ang titingin sayo kapag hindi ka pa umakya sa stage. Pinapatagal mo ang graduation eh. Andami nang gustong umuwi no!" tulak pa sakin ni Harold

At wala na akong nagawa kundi umakyat sa stage kahit na ang sama ng tingin saskin ng mga fellow candidates for graduation.

Nung bumaba na ako ng stage, hindi sinasadya (totoo) na napatingin ako sa may upuan nina Leng. At nakangiti siya sakin. Bakit kaya?

"lakas ng loob mong tanungin kami kung OK lang kami, ikaw pala tong hindi pa OK eh." salubong sakin ni Harold pagkaupo ko

"Bakit nakangiti sakin si Leng?" out of nowhere kong tanong

"Malamang flattered yun." Harold.]

"Huh?"

"Kasi naman, nakatylog ka ata tapos bigla kang sumigaw ng LENG SANDALI!! Sino ba naman ang hindi mapapangiti dun?"

Hala. Pwede po bang pakibilisan ng oras? Gusto ko nang matapos to. HIndi ko na kaya ang mga nangyayaring ka-weird-duhan na to.

Love Story ng TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon