Sa'n Ka pa?! [LSNT Chapter 16]

61 0 0
                                    

Francis' POV

Ganito ba talaga ang FIRST MONTHSARY CELABRATION???

Try nyung hulaan kung ano'ng ginagawa ko ngayon? Ay wag na lang kaya. Para naman kasi akong bakla neto.

Kreekkk!!!

"Aray! Tama na! Ayoko na! HIndi na ko uulit!!!"

Oh ano? Alam niyo na ba kung ano ang scene ngayon sa paligid ko? Eto pa...

Blaag!!

"Sorry na talaga! Hindi na namin uulitin! Promise!!!" isa pa

Kung iniisip niyo na ako ang nakikipag-bugbugan dahil binastos nung dalawang sumigaw na lalaki si Leng, pwes nagkakamali kayo.

"Hindi ko kailangan ang pagkabakla niyo ngayon. Ang gusto ko, sumayaw kayo sa harapan ni Francis!!!" sigaw naman ni Leng

"Teka! Hindi naman ata tama yun! Ano naman ang akala mo samin----aray!!!!!!!!!!!!!!!" hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil pinilipit na ni Leng yung braso niya

"Sasayaw kayo? O ibabalibag ko kayo sa puno?" banta ni Leng

"Sasayaw na po." Naluging sagot nung isang lalaki. At ayun nga nagsimula na silang gumiling sa harapan ko. Yuck!!! Ang sagwang tingnan, ang lalaki ng mga katawan tapos sumasayaw ng ganun.

"Parang awa mo na naman Leng. Patigilin mo na sila." ako na yung nakiusap

"Tigil. Ngayon naman, lumuhod kayo sa harapan ni Francis sabay sorry." utos ni Leng

Lumuhod naman sila at paulit ulit na nag-sorry.

"Tama na yan, baka maging santo na nito si Francis. Hoy tara na!' si Leng yan sabay hila sa akin paalis

Gusto niyo ba malaman kung bakit yun ginawa ni Leng dun sa mga lalaki?

=====Flashback=====

"Leng, saan mo pa gusto pumunta?" tanong ko kay Leng. Ang totoo niyan, gusto kong sabihin niya na gusto na niya umuwi dahil pagod na siya.

Paano ba naman, kanina pa kami paikot ikot dito sa syudad. Ang saya ko pa naman na pumayag siya na bukal sa loob nung yinaya ko siyang mag-date. Yun pala, mamamalengke lang naman ng mga supply niya sa apartment niya. solo flight kasi siya, ayaw niya na bumubuntot palagi sa magulang niya.

"Uwi na tayo. Pagod na ko." Talaga lang hah! Mas lalo naman siguro ako kasi ako lahat ang nagbibitbit ng mga pinamili niya.

"Dapat kasi pumayag ka na lang na dalhin natin yung motor ko." ako

"Kung dinala mo yun ano na lang ang ipanghahawak mo sa mga pinamili ko?" Leng

"Oo nga no? So pumayag ka palang makipag-date sakin para may taga-dala ka ng mga pinamili mo?" ako

"Malamang naman o. Dapat sa panahon ngayon praktikal tayo. Ano naman ang gusto mong gawin natin? Manuod ng sine, kumain sa restaurant, maglalaro sa arcade, tapos ano, uuwi na? Amboring kaya nun." Nakalimutan ko, kakaiba palang babae yung minahal ko. Hay, paano ba ako masasanay neto.

"Hatid na kita sainyo."

"Hahahahaha. Dapat lang Francis Co. Alangan naman na ako ang magbitbit niyan."

O_____O Francis ko daw. Ayiieehhhh.

"Anon'ng tinawag mo sakin Lency?" ako

"Francis Co." siya

"So hindi pala ako nagkamali ng pagkakarinig? Talagang mag 'ko' yung pagkakasabi mo?" grabe kinikilig ako talaga

"Sira ka talaga. Malamang may 'Co' yun kasi Co naman talaga ang apelyido mo. What would you expect?"

Love Story ng TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon