[Silence is enough.]

83 0 0
                                    

Lency's POV

Bakit ba walang pasok ngayon? Asan ba yung mga magaling kong kaibigan? Hindi man lang ako tinext. Asan na nga cellphone ko? Ay, nawala pala nung binugbog ko sina Ryan. Siguro kinuha nung babae niya bilang kapalit sa kiniha kong cellphone sakanya. Dapat pala hindi ko na lang binigay kay Dreese.

"Ang kapal ng mukha mo! Kaka-on pa lang natin kahapon, tapos ngayon makikita kitang may gf nang iba?!" teka, boses ni Camille yun ah. sino na naman ba sinugod neto. Haynaku.

"Camille, I said sorry na diba? Sinabi ko na sayo'ng nagpustahan lang naman kami ni Alex. Hindi ko naman alam na ganun kabilis matapos yung pustahan. I'm sorry." lalaking manloloko

Ako naman si pakialamera, lumapit.

"Camille" me

"L-leng? Bakit?" siya, malapit na ngang umiyak. Kahit kailan talaga hilig niyang mag-eskandalo

"Ano'ng meron?" ako, kunwari wala pang alam

"Ano ka ba. Wala lang to. San ka pupunta?" siya

"Niloko ka niya?" ok, ang layo ng sagot ko.

"Ah? A-ano? Nino?" ok. Kala mo sakin, tanga?

"Hoy lalaki! anong ginawa mo kay Camille huh?" ako na nag siga

"Paki-alam mo ba? Kunwari ka pa, eh inagaw mo rin naman si Joey sakanya ah!" si manloloko

Boogshhh!

Sinuntok ko nga

"Asa! Kahit kailan, hinding hindi ako magkakagusto sa epal na Joey na yun! at saka tinatanong kita kaya mas mabuti nang sumagot ka na lang." ako yan

"ah. Bestfriend, uhm, pinagpustahan lang naman nila ako. Pero ayos lang naman ako eh. Wala lang yun. Hindi pa naman kami matagal eh." siya, kunwari pa

"Kinakausap ba kita Camille huh?" ako

Pak! si Camille yan, sampal bigla kay manloloko sabay sabing "Sabi ko na sayong wag mong sinasagot ng pabalang si Leng eh!" kinausap bigla si manloloko

"What?!!" manloloko

Hinila ako ni Camille

"Tara Leng sa canteen, snack tayo. Libre kita! Wag mo nang pag-aksayahan ng panahon yan, ehy mapaglinlang yan eh!" siya

"Mapaglinlang? Pano?" ako

"Mapaglinlang. Kasi ang laking tao, pero ang liit at ikli ng *tooot* niya. Hahahahahaha" lasing ba to

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA" marami pala ang mga nakarinig. Kahit yung bagong gf ni manloloko natatawa na rin

"Anong pinagsasabi mo?" si manloloko

"Ayos lang yan. Hindi lang naman ikaw ang nag-iisang may maliit na *tooot* sa mundo." si Camille

"Hahahahahahahahahaha. Hindi ako makapaniwala. Ang laki niyang nilalang eh." si tsismosa

"Tara na Leng. Libre kita."

"Teka lang..." ako sabay Tugghssss!!!!

Flying kick. Ayun, lupasay sa daan yung loko.

"You'll pay for this."

Humarap ako sakanya at binato sakanya yung piso.

"Yan lang nasa bulsa ko eh. Next time na lang kung kulang pa." at tuluyan na kaming umalis.

"Uhhm, Best, hindi mo naman kailangan na gawin yun. Ok lang naman ako eh." siya, nahihiya daw?

"Sino'ng may sabing ginawa ko yun para sa'yo huh? Naiirita lang naman ako sa mukha niya." ako

Love Story ng TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon