[Sila na ang malabo]

82 0 0
                                    

Joey's POV

Luckiest, Happiest day.

What day is it?

A day with Lency. Hindi ko akalain na may pagkamakulit din pala ang bayolenteng tao na 'to.

"KAmusta naman ang pagkatulala ni Joey????!!!" aray. Makasigaw naman to si Harold eh. Parang ewan lang.

"Bakit ka ba sumisigaw?" tanong ko sakanya. Eto kami ngayon naglalakad sa may Arts Campus.

"Kasi naman. Kanina pa ako, salita nang salita dito, hindi ko namamalayan na para na pala akong tanga, dahil wala namang nakikinig sakin." siya

"Tanga ka naman talaga." bulong ko

"Ano'ng sabi mo?????" OA talaga makasigaw ni Harold

"Uy, diba si Joey yan? Yung tga Engineering Building na kasama ni Lency nung Foundation Day? Ang sweet nga nila diba?"

"Oo nga no? Teka? diba si Harold yun? Yung may indirect confession kay Lency matagal na?"

"Oo nga no. Akalain mo yung magpinsan, pareho na-link kay Lency. Sino kaya sakanila ang tunay na bf ni Lency."

Ayos lang sana na may mga tsismosa sa paligid eh. Pero kung makikita niyo mukha ni Harold ngayon------

Isa lang masasabi ko...

PATAY!

"Ano tong mga naririnig ko huh????!!!! You're taking advantage behind my back??? Anong klaseng pinsan ka huh???" Talk about mga OA na reactions...

"Ay. Hindi halata kay Joey na mang-aagaw diba?"

"I know right. Ang bait niya tingnan. Yun pala. Hmmmmmmm"

"Wawa naman si Harold.."

Kami lang ba talaga ang kapansin pansin dito huh? Langyang mga tsismosa yan. Kainis.

"Ano?!?! Magsalita ka nga!" sigaw ni Harold talaga sa mukha ko. Laway men. Laway.

Paaak!

"Aray! Bakit mo naman ako binatukan?" sigaw na naman ni Joey

"OA mo kasi. Langya to." ako

"EEhhhhhhh. Bakit ba narinig ko na ang sweet niyo daw ni Leng???" siya. OA talaga

"Isa pa talaga. Masasapak na kita." ako

"Pero bakit sabi nila ang sweet niyo daw ni Leng.?" si Harold ulit

"Kasi ganito yun..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil...

"Joeeeeeeeeyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!" isang eskandalosang sigaw sabay yakap sakin patalikod. Mukha ni Harold -- pramis -- praysless... hahahahaha

"B-baki... B-b-bakit mo yinakap si J-joey?????" tanong ni Harold na parang iiyak na. May gusto to panigurado kay Leng.

"Oo nga Leng. Bakit parang may hindi ata kami alam?" Dreese

"Masama bang maging sweet kay Joey ko?" T-t-teka. Pwede pakiulit?? Lalo na yung may 'ko'????????

O_______________________________________O

"JOEY KO??????!!!!!!!!!!!!!!!!" sabay sabay na sigaw nina Dreese. Kararating lang din kasi nina Ace at Francis. Kaya narinig din nila yung sinabi ni Leng. Seriously bakit ba sumasama samin si Francis??

"Yeah. He's mine. Anybody who tries to steal him will surely die." parang ewan na sagot ni Leng

"Pwede ba Leng. Bitawan mo na ako." kunwari suplado pa ako

Love Story ng TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon