Lency's POV
Aaray naman. Ang sakit ng ulo ko ah. Konti lang naman ang nainon ko kagabi ah. Aish. Kasalukuyan kong hinihilot ang sintido ko nang biglang pumasok sa isip ko na hinalikan ako ni Joey.
O_____O. Weh? Ako hinalikan ni Joey ko? Seryoso? Pilit kong inaalala ang nagyari kagabi. Naalala ko lang yung anim na shots ng Tequila. Ay mukhang malabo talaga na hinalikan ako ni Joey ko. Gentleman kaya yun. Hahaha! Ang swerte ko sa bago kong bestfriend. Di gaya sa mga barkada ko na walang ginawa kundi kontrahin at asarin ako.
"Morning Baby!" masiglang bati sakin ni Mom paglabas ko ng kwarto.
"Kailan ang balik niyo po overseas?" wala akong maisip na topic eh =_+
"Ay naman baby eh. Pinapaalis mo na kami ni Dad mo?" pagmamaktol ni Mom
"Ay naman Mommy eh!" panggagaya ko sakanya "Tinanong lang kung kailan babalik, pinapaalis na agad? Ang imagination niyo po talaga malala rin kung minsan eh."
"Sorry naman baby. Hehe."
"Kailangan ko na pala maghanap ng trabaho." bigla ko na lang nasabi kay Mom
"Huwag!!!" sigaw sakin ni Mom
"Mom, para sabihin ko po sainyo, Graduation ko po kahapon. Tapos na ako sa College kaya dapat lang na maghanap na ako ng trabaho. Ang hirap po kaya maging palamunin."
"Hindi ka naman palamunin baby. Anak ka kaya namin. Ang gusto sana namin ni Daddy mo eh mag-aral ka ulit."
O_____O. Parang NAAASAR NA AKO AH!
Inis akong napakamot ng ulo. "Mommy naman eh! Sawa na akong mag-aral!!!"
"Try mo lang naman baby eh. Sige na. Gusto kasi namin ni Daddy mo na mag-aral ka pa. Kaya pa namin magtrabaho kaya gusto namin hangga't maari eh mag-aral ka lang para in the future eh prepared ka in case wala na kami." tama ba namang dramahan ako????
"Aish naman kung maka-drama. OO NA PAYAG NA AKO MAG-ARAL ULIT. ANO PA PAPASUKIN KONG BAGONG COURSE????"
"Kung mag-take ka na lang kaya ng master's degree sa Literature para flexible. Pwede kang maging professor." singit ni Daddy na hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala.
"Ayoko nga maging teacher Dad!"
"Bakit naman baby?"
"Hay nako.Kahit ganito ako, concerned ako sa future students ko. Pag naging teacher ako,lagi akong 'in' for disciplinary proceedings. Baka nga makasuhan pa ako ng administrative complaints. Alam niyo naman na maikli sobra ang pasensya ko. Baka makasapak ako ng estudyante kahit walang dahilan. "
BINABASA MO ANG
Love Story ng TORPE
AcciónPaano kaya pag naranasan mo yung sinasabi nila "someone stole your heart", pero masyadong komplikado ang lahat?? What if masaydo siyang pa-fall, pero nung handa ka nang mahulog, bigla siyang magpapahila sa iba para hindi ka niya masalo?? Masasabi mo...