Joey's POV
Isa lang talaga ang nararamdaman ko ngayon.
Gusto ko lang mapag-isa.
Ayoko nang may kasama.
Ayoko sumama sakanila.
Magsama-sama sila.
Bakit nga ba ako nasasaktan na nagtapat kay Lency sina Harold at Francis?
Wala namang namamagitan samin ni Leng eh.
Alam ko attracted lang ako sakanya, pero hindi ko naman siya type.
Ni hindi ko nga sigurado kung gusto ko ba talaga siya, o naging weird lang ako dahil masyado siyang sweet sakin nung mga nakaraang araw. Tama! Nahawaan lang naman ako ng pagka-abnormal niya, kaya ang conclusion ko, DAPAT HUWAG MASYADO MAGDIDIKIT KAY LENCY. Hahahahahaha. Lency na itatawag ko sakanya. Hindi naman kami close. Siya lang naman tong kunwari sweet sakin, at isa lang ang bagay na sigurado ako -- masyado siyang PA-FALL.
At ngayon na malapit na ko mahulog sakanya, nagpahila siya sa iba dahilan para hindi niya ako masalo. Dalawa pa huh. Yung epal na si Francis, at yung baliw kong pinsan na si Harold.
TEKA????!!!!!
Sinabi ko ba'ng malapit na mahulog ang loob ko sakanya?
Hindi yun totoo. Masyado lang ata na assuming yung author netong story ko.
"Lalim ng iniisip natin huh?!"
"Ay paNget!" bakit yun pa nasigaw ko. Hala
"Talaga? Tingin mo pangit ako?" si Ace pala
"Problema mo?" ako. Mainit dugo ko sakanya. Barkada siya ni Francis eh.
"Hoy. Wag ka naman ganyan. Isang barkada na tayo diba?" Ace
"Talaga? Ba't di ko alam yan?" ako. Wala naman kasing nagsabi na magbabarkada na kami
"To naman oh! Akala ko torpe ka lang, masungit ka rin pala. Hahahaha. Alam mo, halos araw-araw na tayong nagkakasama, kaya kino-consider ko na kayong lahat as barkada." Ace
"So lahat pala ng classmate at prof mo barkada mo?" ako
"Pilosopo ka rin no? Bakit lahat ng may gusto kay Leng puro may saltik sa utak?" tanong niya ata sa sarili niya
"Hoy! Wala akong saltik sa utak huh!" ako
"Ibig sabihin you're considering the fact na isa ka sa mga may gusto kay Leng?" Ace
"Ano'ng pinagsasabi mo?" ako
"Sabi ko kasi kanina, kung bakit lahat ng nagkakagusto kay Leng eh may saltik sa utak. Then, bigla mong sinabing wala kang saltik sa utak. Therefore, aminado ka sa sarili mo na gusto mo si Leng. Hahahhahaha." Ace
"Haba pa ng sinabi. Wala akong gusto sa abnormal na yun, gets?" ako
"Kung ako sayo, kikilos na ako. Hindi pa naman huli ang lahat eh. Nagsisimula pa lang ang laban. At sana lang, maging sports kayo sa isa't isa, para walang masyadong lamat ang friendship. Kasi, kahit hindi naman official na magbabarkada tayo, alam ko nasanay na ang bawat isa satin na sama sama tayo kung walang pasok." Ace. Kung sabagay tama siya. Nasanay na akong araw araw na naaalibadbaran sa pagmumukha nila ni Francis.
"Hindi naman huli ang lahat. Kasi wala naman akong hahabulin sa oras, dahil wala akong gusto ka Lency." ako
"Bakit Lency na tawag mo sakanya?" Ace
"Malamang. Hindi naman kami close eh." ako
"Hahahahaha. Nakakatawa ka naman. Hindi ka pa nga nagtatapat ng feelings mo, nagmo-move on ka na agad." Ace
BINABASA MO ANG
Love Story ng TORPE
ActionPaano kaya pag naranasan mo yung sinasabi nila "someone stole your heart", pero masyadong komplikado ang lahat?? What if masaydo siyang pa-fall, pero nung handa ka nang mahulog, bigla siyang magpapahila sa iba para hindi ka niya masalo?? Masasabi mo...