"Palagi ka na lang na pi-principals office. Palagi ka din napapa-away. Binibigyan mo ba ng halaga yang buhay mo?" Sabi ng teacher ko pagkatapos kong makipag-away kay Carlo.
"Ang dami niyo pang sinasabi. Dalhin niyo na lang po ako sa guidance office," sabi ko habang kinakamot ang ulo. Nakatingin lahat sakin yung mga classmate ko.
"Pasalamat ka nga hindi na kita da dalhin sa guidance office. Kasi kapag dinala kita, baka ma kick-out ka na. At isa pa, pinatawad ka na ni Carlo," sagot ni Ms. Rivera. Tinignan ko si Carlo, nakaupo siya, ni walang galos. Gusto ko siyang bugbugin after class, pero na realize ko wala rin kwentang makipag-away sa duwag na katulad niya.
"Sige, salamat," sabi ko sabay upo sa chair ko.
Nagsimula na uli magsalita si Ms. Rivera tungkol sa angle properties ng Algebra.
"Nakaka-antok naman dito," bulong ko sa sarili ko. Hindi ko namalayan na narinig pala ako ni Paolo kaya nakatingin siya sakin.
"Bakit?" Sabi ko para takutin siya. Tumingin siya sakin na parang nanginginig sa takot.
"Wala," sabi niya, sabay tingin kay Ms. Rivera.
Oo, halos araw araw napapa-away ako. Gago na kung gago, pero anong magagawa ko? Pinanganak ako para maging trouble maker. Minsan nakaka-sawa na din maging ganito, na maging basagulero. Pero kahit naman magbago ako, hindi na magbabago ang paningin ng tao sakin: Isang walang kwentang lalake na walang ginawa kundi makipag-away, uminom, at manigarilyo, sa isang salita, reckless o rebel.
"Mr. Fuentes, answer this equation on the board," utos ni Ms. Rivera. Ano ba yan.
"Hindi ko alam," sabi ko sabay lagay ng hoodie ko para magtalukbong.
"Mr. Fuentes, put your hoodie down and look up," utos niya. Ginawa ko yung inutos niya at tumingin ako sa board.
"Watch me while I'm solving this," sabi niya. Tumingin ako sakaniya habang sino-solve niya yung equation. Tapos naisip ko, may silbi ba talaga yang math na yan sa buhay ng isang tao? Pagkalipas ng ilang minuto, salamat sa Diyos at natapos na ang klaseng ito.
"Fuentes, before you leave, I want to talk to you," sabi ni Ms. Rivera nung nasa pintuan na ako. Huminto ako at hinarap ko siya, nakanoot ang kilay, para malaman niya na ayaw ko nang "I want to talk to you" shit. Hindi pa ba siya nakuntento sa mga sinabi niya sa akin kanina?
"Alam ko mag e-escape ka nanaman. I just wanted to tell you that, ayusin mo ang buhay mo. Lagi ka na lang napapa-away. Lagi ka din nag i-skip classes. Bakit ka pa nag-aral?" Tinignan niya ako na tila bang nagsasabi na "nanay mo ako. Kailangan makinig ka sa mga sasabihin ko". Sa totoo lang, di talaga bagay ni Ms. Rivera ang maging teacher, lalo na ang maging high school teacher. Mukha lang siyang 15 years old na galing sa upper classes. Siguro kung dayo ka lang sa school na 'to, aakalain mo lang talaga na isang normal na estudyante lang siya.
"Nag-aral po ako kasi yun ang gusto ng magulang ko, hindi ko kagustuhan 'to. Pwede na po ba akong umalis?" Sabi ko nang may pagka-angas sabay hinga nang malalim.
"Gusto ko lang mapa-ayos ang buhay mo. Ayokong magkaroon ng estudyanteng. . ."
"Bobo?" Pag hinto ko sa sasabihin niya sabay ngiti sakaniya. Iniling niya ang ulo niya at binuksan uli ang mga labi niya para magsalita uli.
"Ayokong magkaroon ng estudyanteng walang determination sa sarili niya. You need to have potential to yourself. Hindi yung you're letting yourself down by doing all of this unnecessary things," sabi niya sabay haplos sa likod ko, para bang nagsasabi na nanjan lang siya anytime kapag kailangan ko siya. Ang pinaka-ayaw ko pa naman ay yung binibigyan ako ng simpatya. Bigla 'kong humakbang paalis kay Ms. Rivera sabay harap sakaniya.
BINABASA MO ANG
Infinite Love Of The Thug ?
Teen Fiction"Una akong nakaupo dito," sabi ko, sabay tawa pakunwari. "So?" Sabi niya sabay taas ng isa niyang kilay. "Niloloko mo ba ako?" Sabi ko habang nilalapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Hindi niya nilayo yung mukha niya. "Bakit ang yabang mo? Para sab...