Chapter 10 (Kaycee Tolentino)

8 1 0
                                    


Grabe talaga yung lalakeng yun. Talagang hindi pa sinasagot ang phone! Akala mo naman kung sinong busy, hindi naman. Hay! Mga buisit na lalake......

Bzzzz, bzzzz.

Okay, that's my phone.

Msg #1: Grabe maka miss ah. Sorry na beyb

Wow. Kung maka "beyb". Lecheng lalake ito. Pinaghintay pa talaga ako. Ang pinaka ayaw ko pa naman eh yung pinaghihintay ako at nagmumukha akong tanga. Well, siguro syndrome lang yun ng pagiging impatient? Hay, ewan! Basta ayokong pinaghihintay ako, done. Binuksan ko yung contacts ko at pumunta sa number niya at tinawagan siya. We only have 10 mins of class, so okay lang. Pwede naman gawin kahit ano.

Sinagot niya na yung phone.

"Hoy! Bakit ngayon mo lang sinagot? Naghihintay ako ng text mo, hindi ka naman nagrereply ka-agad," reklamo ko sakaniya.

"Wow. Bossy. Di ba pwedeng wala lang load? Edi sana messenger na lang ginamit mo, free data pa," sagot niya sabay hagikgik ng mahina. Akala niya di ko narinig. "Tsaka nga pala. San mo nakuha number ko?" Dagdag niya.

"Number mo? Kay Alex. Tinanong ko sakaniya. Kailangan natin ng communication," sagot ko sabay tingin kay Brayan habang nakikipag-baliwan siya sa classmates namin.

"Oo nga babe. Kailangan talaga natin ng communication. Kahit kasi nasa class ako, namimiss kita. Gusto ko lagi kitang kausap," sabi niya. Grabe, nakakadiri itong si Michael. Napaka-hangin. Kung maka-act, akala mo totoong mag-syota kami.

"Babe?" Tanong ko na medyo pasigaw sabay tingin sa phone ng nakaka inis. Sa lahat ba naman ng call signs, bakit babe? Tapos kapag tinype niya sa phone: "beyb". Parang typo lang. Sabagay, siguro kaya "beyb" kasi di naman kami seryoso sa meron kami. Hindi naman talaga relationship, pagpapapanggap lang talaga. Kung tutuusin, wala naman talagang KAMI. Kaya siguro, okay lang. Mas maganda nga siguro na may call sign para mas lalo silang mapaniwala.

"Oo, babe. Bakit? Angal ka?" Tanong niya sabay "ehem". Umiling ako sabay hinga ng malalim.

"Oo na. Pero don't expect me na tatawagin kia nun," sagot ko. "Anyways. Kailangan natin mag meet after school mamaya, okay? Para i-practice yung speech for the assembly. 3:30 pm sharp sa harap ng science classes, bye." Dagdag ko sabay patay ng phone kahit na medyo naririnig ko na may sasabihin sana siya. Tapos, bigla akong napa isip.

Ang dami kong pwedeng tanungan ng favor, bakit pumayag pa ako na si Michael ang gumawa nun? Bakit siya pa napagtanungan ko ng favor kahit na alam kong di niya magagawa ng tama yun? Masyado kasing nag-rush. Kaya minsan jan tayo napapahamak..

Masyado tayong nagmamadali sa isang bagay na hindi na natin alam kung anong mga decisions na dinedecide natin.

RIIIINNNNGGGGGGG

Finally, down to my last subject, chemistry. Sa wakas, makikita ko na yung buisit na Alex na yun. Mas inuuna pa kasi ang escape at good times kesa sa school at good grades. Nakaka asar. Siya pa naman ang ka-partner ko. Habang naglalakad ng hallway, nakita ko si Alex na papunta na din sa same class. Nakatingin siya sa akin sabay kindat. Tinignan ko siya ng isa sa mga nakakadiri kong tingin sabay diretso sa class.

"Good afternoon class. We already talked about what we're going to do today yesterday. So, punta na kayo sa mga partners niyo and start elaborating some new ideas for your projects."

Pagkatapos nag announce si Mr. Valdez, tumingin ako sa direksyon kung saan nakaupo si Alex at naglakad papunta sa desk niya. Umupo ako sa tabi niya sabay bagsak ng bag sa desk.

"Woah, chill." Sagot niya sabay hagikgik ng mahina. Umupo ako sa upuan sabay kuha ng chem book.

"Kaycee, may sasabihin ako." Mahina niyang pagka bigkas sabay hawi ng buhok niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Infinite Love Of The Thug ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon