Chapter 3 (Michael Fuentes)

28 8 6
                                    

Nakakabuisit. Isang oras na akong naghihintay dito, wala pa siya. Baka hindi nanaman siya pupunta. Ginagago yata ako nung babae na yun ahh. Chineck ko yung phone ko at walang message na galing sa kaniya. Nung binulsa ko yung phone ko tapos tumayo ako, nakita ko si Emily, nakatayo sa harap ko. Ang ganda niya.

"Emily," sabi ko sabay ngiti sakaniya. Hindi siya mukhang masaya.

"Michael," sabi niya.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko sabay kuha ng bag niya para ako na lang ang mag dala, pero hinawakan niya ng mahigpit yung bag parang nagsasabi na ayaw niya na dalhin ko yung bag niya kaya binitawan ko na lang.

"Bakit gusto mong makipag-kita?" Tanong niya sabay taas ng isa niyang kilay.

"Mahal pa rin kita," sabi ko sabay ngiti sakaniya. Tinignan niya lang ako, hindi ko alam kung galit siya o masaya o kung ano man. Blanko ang mukha niya.

"Emily, mahal pa rin kita," Dagdag ko sabay yakap sakaniya. Inalis niya ang yakap ko sakaniya.

"Michael, mag move-on na lang tayo," sabi niya sabay tumalikod at naglakad paalis.

"Bakit? Dahil may mahal ka ng iba?" Tanong ko sakaniya nang pagalit. Huminto siya at tumingin sakin.

"Hindi. Dahil hindi tayo bagay. Ayoko sa mga basagulero," sabi niya sabay alis. Basagulero pala ha. Buisit. Tumalikod ako sabay sipa sa isang puno malapit sakin, sabay suntok hanggang sa mamula ang kamay ko. Nung tumalikod ako at tumingin uli pabalik sakaniya, nakita ko na naglalakad na siya paalis. Nag simula na akong maglakad pa uwi, iniisip yung nangyare kanina. Sinubukan kong ibalik siya sakin, pero wala eh. Walang nangyare. Wala nang kami. Hirap tanggapin na wala na siya sa buhay ko. Minahal ko siya ng todo, tapos ngayon nalaman ko na nakipag-break pala siya sakin hindi dahil gusto niyang mag focus sa pag-aaral niya, kung 'di dahil basagulero ako. Ang gago ko. Habang iniisip ko ang lahat nang nangyare ngayon, napadaan ako sa kanto at nakita ko si Ms. President na naglalakad. Himala, wala siyang service para magsundo sa kaniya. Naglakad ako papunta sakaniya tapos nung nakita niya akong papalapit sakaniya, bumilis ang lakad niya. Pero, naka-habol ako sakaniya.

"Hello Ms. President," sabi ko sabay kindat sakaniya. Tinignan niya lang ako tapos nagsimula na siyang maglakad.

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" Tanong ko sabay tawa. Tapos, habang naglalakad kami, may narinig akong putok ng baril kaya hinablot ko ka-agad ang kamay ni "Ms. President" sabay tago sa isang eskinita. Nagsimula na siyang mag-panic pero, hinawakan ko ang kaniyang bibig para hindi siya mag ingay. Tapos, nung naging kalmado na siya, inalis ko na yung kamay ko sa bibig niya.

"Ano to!?" Pasigaw na sabi niya. Hinawakan ko uli yung bibig niya para hindi siya sumigaw.

"Hindi ko alam. Mage-explain ako mamaya. Pero ngayon, wag kang maingay para hindi nila tayo mahanap," sabi ko tapos tumahimik na siya at umupo. Pagkalipas ng isang minuto, may narinig akong boses.

"Ano Michael? Lumabas ka na! Akala mo kung sinong mayabang, duwag naman pala," sabi nung tao. Pamilyar ang boses niya, parang boses ni Carlo.

"Gagong bata," sabi ko sa sarili ko tapos tinignan lang ako ni Kaycee.

"Shhhh," sabi ko sabay ngiti sakaniya, pero inirapan niya lang ako. Tapos, napansin ko na may ginagawa siya sa phone niya; tinignan ko. Nakita ko na dina-dial niya yung police kaya kinuha ko kaagad ang phone niya.

"Baliw ka ba?" Sabi niya sa mahinang tono. "Papatayin tayo nang lalakeng yan tapos hindi ka pa tatawag ng tulong?" Sabi niya sakin.

"Akong bahala, wag kang maingay," sabi ko sabay tango sakaniya. Paano ko kaya mapapa-alis itong gagong ito? Baka kasi barilin niya ako kapag nag pakita ako sakaniya. Si Alex kaya? Aha! Alam ko na!

"Paheram ng phone mo," sabi ko kay Kaycee.

"Anong gagawin mo?" Tanong niya.

"Paheram, Dali!" Sabi ko.

"Ayoko."

"Ayaw mo? Bahala ka. Hindi tayo makaka-alis dito," sabi ko sakaniya sabay tingin sa labas. Napansin ko na parang tinignan ako ni Kaycee at binibigay niya sakin yung phone. Tumingin ako sakaniya sabay ngiti.

"Ibibigay din naman pala eh," sabi ko sabay type ng number ni Alex. Tapos, nakita ko na naka-save na pala yung number niya sa phone ni Kaycee at ang naka lagay ay "Alex:Bad boy's friend". Wow. Dinial ko na yung phone niya at nag ring. Buti na lang sinagot niya.

"Hello, Alex," sabi ko sa phone.

"Oh, Michael. Bakit? May problema ba? Phone ni Kaycee ito ah?"

"Oo ehh. Nandito kami ngayon sa eskinita. May sumunod kasi sa amin tapos may baril. Di ko naman alam kung sino. Tulong naman ohh?"

"Bakit napasama si Kaycee sa kabaliwan mo?" Sabi ni Alex tapos napatingin ako kay Kaycee. Umiiyak siya at takot. Ano ba naman 'to. Sa lahat ba naman na taong pwedeng mapunta sa sitwasyon na 'to, bakit siya pa.

"Basta," sabi ko, sabay iling ng ulo. Napapansin ko ang mabigat na paghinga ni Kaycee. Yung para bang hirap na hirap siyang makahinga dahil sa sikip o sa amoy nang eskinita.

"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong niya nang pabalang.

"Dalhin mo si Oliver o kaya si Rick. Bahala ka na," utos ko sakaniya sabay tingin kay Kaycee. Di padin siya gumagalaw, iyak pa din siya ng iyak.

"Saang eskinita yan?"

"Malapit sa park, sa may Roxas street," sabi ko sabay baba ng phone. Binigay ko yung phone kay Kaycee at nakita ko yung luha niya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko tapos kinuha niya yung phone sa kamay ko.

"Kasi akala ko ma-mamatay na ako," Sabi niya sabay punas ng luha niya.

"Wag kang mag-alala. Da-dating na yung tulong," sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

"Salamat," sabi niya nang maayos.

"Walang anuman," sabi ko sabay upo sa tabi niya. Naramdaman ko ang init ng katawan niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Hinaplos ko ang malambot niya ng buhok sabay yakap ng mahigpit sakaniya dahil alam ko na hindi ko na magagawa uli ito.

Infinite Love Of The Thug ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon