"Ring!!!!!!!!!!!!!!!"
Sabi ng bell na sobra sa lakas na halos mabingi ako. Next class, math. Makikita ko nanaman si Ms. Reyes na ubod ng ganda, kaso ubod ng sermon. Sermon dito, sermon don. Medyo nakaka-banas na nga eh. Pero ang nakakapag-taka, eh kasi meron pa akong 88.09% grade sa class na yun. Nakaka-bigla lang kung bakit ang galing ko sa math. Nakakabigla nga din kung bakit minsan ang tataas ng mga quizzes ko sa lahat ng classes ko. Dami talagang nakakabiglang bagay sa buhay. Katulad ng nangyare kanina. Nakakabigla din kung paano nasakyan ni Kaycee lahat yun. Nung nandun si Emily. Grabe yung pagpapapanggap niya. Parang totoo, dahil ramdam na ramdam naman talaga. Akala ko talaga na si Kaycee yung mga tipuan ng babae na kj, di alam ang meaning ng totoong teen-age life, at masyadong seryoso. Ano pa kaya ang mga bagay na hindi ko alam tungkol sakaniya? Meron pa kaya? Nakaka excite malaman. Ganon ba siya magmahal? Tang ina. Kahit sa ganong bagay lang na ginawa niya, namin, naramdaman ko yung putang inang butterfly shit sa tiyan ko. Yun bang akala mo isang normal na tao lang siya pero yun pala, ibang iba siya sa iba. Kwela, gimikan, kabaliwan, lahat. Good thing na lang di niya alam kung ano ang mga napagdaanan ko sa buhay. Buti din walang nakaka-alam kung ano ba talaga ang mga nalagpasan ni Michael Fuentes. Dahil kung meron mang makaka-alam, sigurado wala ng kakausap sa akin. Walang tatanggap sa taong katulad ko kung malalaman nila ang tunay na istorya ko, istorya ng buhay ko.
Buhay kong miserable at walang kwenta. . .
Naranasan mo na bang masikmuraan ng sarili mong ama sa murang edad? Naranasan mo na bang maglayas dahil pinalayas ka ng sarili mong ama? Naranasan mo na ba yung dun sa punto na kailangan mo ng isang bahay na matutuluyan dahil sa takot na bumalik sa sarili mong bahay? Kung ako ang tatanungin, naranasan ko na yan. Nakakalungkot lang isipin na kayang gawin ni Robert yun. Simula ng iniwan niya kami, hindi ko na siya tinawag na tatay. Hindi ko na siya tinuring na ama. Hindi ko na siya kinilala bilang sarili kong ama dahil hindi niya naman ako kinilala bilang sarili niyang anak. 11 years old nun ako nung iniwan ako ni mama sa bahay nila Alex. Ang dahilan niya? Babalik siya sa province niya para maghingi ng tulong sa magulang niya. Sabi niya pa sa akin noon na baka lumipat kami ng probinsya kung kinakailangan. Si tita Genevieve, in short, tita JV, ang nagturing na ina-inahan ko since 11-12 years old. Hindi ko talaga naka-close ng ganon si tito Richard dahil 24/5 siya sa pagiging police. Kaya ang uwi niya lang ay Saturday at Sunday. Nasanay na akong manirahan kila Alex nung mga oras na yun. Kaya lalong tumatag ang relasyon namin ni Alex sa isa't isa bilang malapit na magkaibigan. Hanggang sa bumalik na si mama galing Pampanga. Nakuha na niya yung tulong na kailangan namin para mabuhay sa Manila. Ang nakaka-inis lang, nakuha niya yung tulong mula sa isa niyang partner na wala akong kaalam-alam na meron siya. At ito pa, meron pa pala akong kapatid, kapatid sa iba. Ngayong 16 na ako, 15 years old na siya ngayon. Isang taon lang pala ag pagitan namin. Sa totoo lang? Hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang ko. Siguro dahil sadista ang tatay ko o dahil meron pang ibang kinakasama si mama. Di ko talaga alam. Minsan naiisipan kong tanungin siya pero umuurong ako dahil ayokong malaman. Yung feeling na gustong gusto mong malamn yung isang bagay pero parang ayaw mong malaman dahil natatakot ka sa madilim na katotohanan? Pero alam ko na some point in my life, kailangan ko talagang malaman ang totoo, para magkaroon ako ng tinatawag nilang "peace of mind".
Akala mo ito lang? Hah. Madami pa yan.
ANYWAYS.
"Ms. Rivera! Long time no see!" Grabe yung mukha ni Miss ngayon ah. Yung parang gurang na ewan dahil sa pagka-busy. Kaya ayokong maging teacher pag dating ng araw. Magiging busy ka, palaging naka harap sa computer, maraming stress, lalo na sa mga estudyante. Ayokong magkaroon ng estudyanteng katulad ko no.
"Michael, you were here yesterday. Just to remind you," sagot ni Ms. Rivera tapos biglang tumawa yung buong class. "And," dagdag niya sabay tingin sa relo niya. "You're late."
BINABASA MO ANG
Infinite Love Of The Thug ?
Teen Fiction"Una akong nakaupo dito," sabi ko, sabay tawa pakunwari. "So?" Sabi niya sabay taas ng isa niyang kilay. "Niloloko mo ba ako?" Sabi ko habang nilalapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Hindi niya nilayo yung mukha niya. "Bakit ang yabang mo? Para sab...