Chapter 5 (Michael Fuentes)

19 6 1
                                    

Sumakay na uli ako sa sasakyan tapos nakatingin silang dalawa sakin. Ramdam ko pa rin ang malambot na labi ni Kaycee. Hindi ko alam kung bakit ko siya hinalikan, ang alam ko lang, napaka-sarap ng pagka-halik niya sa akin.

"Anong tini-tingin tingin niyo diyan?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Kayo na ba ni Kaycee?" Tanong ni Alex ng nakangiti.

"Hindi," sabi ko sabay labas ng sigarilyo. "Ganon kabilis dapat? Kakakilala ko pa lang sa tao," dagdag ko.

"Eh bakit mo siya hinalikan?" Sabi ni Alex. "Bawal manigarilyo dito." Dagdag ni Jason. Napahinto ako sabay napa-isip na parang merong something kay Kaycee na talagang powerful. Siya yung tipo ng babae na kaya akong pa-ikutin. Ni hindi ko talaga alam kung bakit ko siya hinalikan bago siya pumasok ng baha niya. Pero, nagtaka din ako, bakit hindi niya ako pinigilan?

"Hindi ko alam," sagot ko sakaniya. "Ihinto mo nga yung sasakyan."

"Bakit? Malayo pa yung bahay mo ah," sabi ni Alex pero hininto ni Jason yung sasakyan.

"Kailangan kong magisip-isip," sabi ko sabay baba ng sasakyan.

"Ayokong sirain yung mood mo, pero 10 na ng gabi. Magagalit na naman. . ."

"Umalis na kayo, magiging okay ako," sabi ko kay Alex tapos umalis na sila. "Bahala ka jan," sigaw ni Alex.

Bakit ko iniisip si Kaycee? Bakit hindi ko iniisip si Emily? Ibang iba si Kaycee kaysa kay Emily. Masyadong independent si Kaycee, matapang, palaban, responsable, boyish pa nga siya kung kumilos eh. Ngayon ko pa lang siya nakilala, pero bakit pina-ikot niya na agad ang mundo ko? Grabe naman itong si Kaycee. Hanep, bakit ko sinabing hindi siya marunong humalik pero gustong gusto kong balik-balikan ang labi niya? Hindi ko maintindihan. Habang iniisip ko ang lahat ng ito, nakita ko yung sasakyan ni Jason na naka-parada malapit sa sidewalk. Tumakbo ako para makisakay uli.

"Buti bumalik ka," sabi ni Jason, sabay tingin sakin.

"Eh naka-park lang naman kayo dito para hintayin ako, 'di ba?" Sagot ko sakaniya sabay taas ng kilay.

"Ano naman pinagi-iisip mo kanina?" Tanong ni Alex na parang tumatawa.

"Alex, pwede akong matulog sa bahay niyo? Dun ko iku-kwento lahat. Papayag naman si mama kapag alam niya na nasa inyo ako," pagmamaka-awa ko sakaniya, tapos tumango siya, tapos nag drive na uli si Jason.

Nakadating na kami sa bahay ni Alex. Wala yung mga parents niya kasi nagta-trabaho sila hanggang 11 ng gabi. Dumeretso kami sa kwarto niya tapos binigyan niya ako ng damit pang-tulog. Nandito na ako ngayon sa banyo, kakatapos lang maligo.

"Bro, ano? Magku-kwento ka ba o matutulog ka na lang diyan sa banyo?" Sigaw ni Alex mula sa labas.

"Oo! Tapos na," sabi ko sabay suot nung short. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at bigla kong naisip, bakit ako magtatanong ng advice sakaniya tungkol kay Kaycee? Bahala na. Binuksan ko yung pintuan at nakita ko si Alex na nakatayo sa tabi.

"Tagal mo," sabi niya. "Ano bang sasabihin mo?" Tanong niya, tapos nakita ko yung parents niya na nakatingin sa amin habang nanunuod ng drama.

"Hello po, tita, tito," sabi ko sabay ngiti sakanila. Ngumiti sila pabalik tapos tumingin na uli ako kay Alex.

"Punta tayo sa labas, dun ko iku-kwento," sabi ko tapos naglakad kami papunta sa courtyard nila. Umupo kami malapit sa mga halaman na tinatanim ni tita.

"Bakit pala hindi ka nagpatulong kila Oliver kanina? Si Jason pa talaga tinawagan mo," sabi ko sakaniya.

"Sabi ko naman sayo, ayoko yung mga lalakeng yon. At isa pa, kaibigan ko din naman si Jason eh, mayabang nga lang. Sino nga pala yung baliw na gusto kang patayin? Tae, may baril pa talagang dala," sabi ni Alex sabay kamot sa leeg.

"Sa tingin ko si Carlo yun eh. Naka-away ko kasi siya kanina sa Math class," sabi ko sabay tawa.

"Baliw. Si Carlo? Gagawin yon? Kabaliwan," sagot ni Alex sabay tawa ng malakas.

"Tol, si Kaycee, ginayuma niya ako," sabi ko ng seryosong mukha. Tinignan ako ni Alex tapos tumawa ng napakalakas. Sa totoo lang, hindi ko alam kung gayuma ba yun o kulam.

"Na-babaliw ka na," sabi niya sabay kuha ng gitara na nasa tabi niya. Magaling tumugtog ng gitara si Alex. Nasa banda pa nga siya, pero nag-quit siya dahil ayaw ng parents niya. Nagsimula siyang tumugtog ng gitara tapos biglang tumahimik.

"Alam mo bro, hindi gayuma yun. Gusto mo siya," sabi niya sabay tawa.

"Ako? Gusto ko siya? Nakilala ko lang siya ngayon," sabi ko. "Isa pa, mahal ko si Emily," sabi ko sabay lagay ng paa sa itaas ng lamesa.

"Ligawan mo na lang si Kaycee pre. Matalino, matapang, mabait, maganda pa! Perfect pack!" Sabi niya sabay tawa ng malakas.

"Pre, ayoko si Kaycee. Hindi siya para sa-akin," sagot ko.

"Edi laruin mo na lang. Magpanggap kang boyfriend niya, tapos pustahan tayo kung mai-inlove ka o hindi," sabi niya sabay hinto ng paglalaro ng gitara.

"Pustahan? Gago ako pero ayaw kong ipag-pustahan ang mga babae," sabi ko kay Alex.

"Ganito na lang. Bukas, kausapin mo siya at paki-usapan mo siya na maging 'fake' girlfriend mo para pag-selosan si Emily. Tignan natin kung papayag," utos ni Alex. Medyo nagagandahan ako sa idea ni Alex, kaya tumango ako at tinignan ko siya ng nakangiti.

"Okay ba?" Tanong niya sabay laro ng gitara niya.

"Teka, bakit mo nga pala siya hinalikan kanina?" Tanong ni Alex uli. "Parang hindi siya nagalit kanina nung hinalikan mo siya ahh," dagdag niya.

Ngumiti lang ako sabay sabing, "yun ang strategy number 1."

Infinite Love Of The Thug ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon