Chapter 8 (Kaycee Tolentino)

11 6 6
                                    

The kiss on my forehead. Ugh! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Why is he doing this to me? Bakit kaya niya akong patahimikin at patibukin ang puso ko nang ganon kabilis? Bakit? Anong meron siya? Bukod sa makikislap niyang mga mata na may pagka pitch black, ang pagka-brown ng buhok niya, at mala-kape niyang balat? Grabe. Lalong lalo na yung mga pilik-mata niya. "He's so bad but he does it so well," sabi nga ni Taylor Swift sa kanta niyang Wildest Dreams. Tapos, ang tangkad niya. Between 5"10 at 5"11 yata siya. Tapos kapag tumalikod siya, may mapapansin ka sa may batok niya. Parang tattoo, pero 'di ako sure. Tapos yung mga black earrings niya sa magkabilaang tenga. Lalong lalo na yung messy hair niya at ang kilay niyang makapal. Ang gwapo niya, ang bait niya, at napaka mysterious niya. Pero. . .

Hindi ko alam.

"Grabe, ang sweet niyo ha," sabi ni Emily sabay ngiti sa akin. Ngumiti ako pabalik sakaniya. Hindi pa rin ako makapag-salita dahil sa nangyari. Grabe, NAG I LOVE YOU SIYA SA AKIN. I only met him yesterday, pero bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"How long have you guys been dating? How did you guys met?"Tanong sa akin ni Emily. Yan pa talaga ang tinanong niya.

"Um, like you said kanina, maraming nakakakilala kay Michael. Syempre, nakilala ko na din siya kasi nga, diba. May pagka-famous siya sa school. And, we've been dating a month ago," sagot ko na lang habang naglalakad kami papunta sa next class.
Nanginginig pa rin ang buong katawan ko, pagkatapos hawakan ni "bad boy" ang mga pisngi ko.

"Hmm, okay. Alam mo ba yung tunay na ugali niya?" Um, no? Obviously, I don't know. Kakakilala ko nga lang sakaniya yesterday right? Pero, sa isang araw na yun, parang nakilala ko na siya ng lubusan. Pero at the same time, marami pa rin siyang tinatago. Makikita mo sa mga mala-chokolate niyang mga mata. Parang may tinatago siya na ayaw niyang ipaalam sa buong mundo, o kahit man sa mga taong nakakasalamuha niya araw-araw.

"Oo naman, kilalang-kilala ko na siya. Girlfriend niya ako eh," sabi ko na lang. Huminto sa paglalakad si Emily, huminto na rin ako. Tinignan niya ako nang seryoso.
"Bakit?" Tanong ko sakaniya.

"Kaycee, si Michael, he's a gangster. Pala-away siya. You don't deserve a guy like that," sabi ni Emily. "You deserve more than a thug. Deserve mo yung lalakeng kaya kang pasayahin," dagdag ni Emily sabay ngiti sa akin.

"Pasayahin? Like, how? With their possession? Hindi naman sa lahat ng bagay, utak ang pinapairal. And, he can actually make me happy," sabi ko sakaniya sabay tingin sa mga mata niya.

"No, I wasn't talking about 'possession'. I'm talking about love. Kasi sa tingin ko, hindi niya kayang ibigay yung pagmamahal na kailangan nang isang babae. Kasi marami siyang pinapahalagahan bukod sa pag-ibig na yan. He's not the boyfriend type. Sinasabi ko na sayo 'to dahil. . ."

"Dahil naging kayo na, at nalaman mo na yung tunay na ugali niya. Yun ba yon?" Natahimik si Emily at tumingin siya paalis sakin.

"Ems, kung mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo siya kahit anong mangyari. Kahit na yung hilig niya ay hindi ganon kaganda, kahit yung mga kaibigan niya ay mga tambay or mga walang pakealam sa buhay, kahit na ibang iba ang pananamit niya sa iba, at kahit na ano pang nangyare sa buhay niya, dapat kaya mo siyang tanggapin, dahil mahal mo siya," sabi ko sakaniya tapos tinignan niya uli ako. Halatang halata sakaniya na naiinis siya, hindi ko alam kung sa'kin siya naiinis o kay Michael.

"Kung minahal mo talaga siya, dapat tinanggap mo siya," sabi ko sabay naglakad paalis papunta sa class ko. Alam ko medyo "bitchy" yung ginawa ko na iniwan ko si Emily, pero, wala eh. Nabuisit ako sakaniya. Pero sa tingin ko, tama lahat nang sinabi ni Emily tungkol kay Michael. Hmmm. . . Teka. Parang hindi rin dahil alam nating lahat na minahal talaga ni Michael si Emily nang sobra, and he wants Emily back to him kaya namin ito ginagawa, ang magpanggap. I just wondered how lucky Emily is, para gawin lahat nung lalake para lang sakaniya? Just wow. Hindi ko lang alam kung napapansin yun ni Emily. Pag ibig nga naman. Minsan talaga, gagawin kang tanga.

Infinite Love Of The Thug ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon