Chapter 4 (Kaycee Tolentino)

27 7 3
                                    

Ang sarap ng yakap ni Michael sakin. Naamoy ko din ang cologne na gamit niya. Gusto kong magtatagal sa yakap niya kaso, ayokong mag bounce sa limit.

"Okay na ako," sabi ko sabay alis ng kamay niya sakin.

"Buisit na araw na 'to," sabi niya sabay hawak sa ulo.

"Nakaka-inis nga itong araw na ito," sabi ko sabay tingin sakaniya. Tapos napa-isip ako, bakit ko kasama itong troublemaker na nagnanakaw ng halik sakin? Pero pasalamat parin ako dahil niligtas niya ako ngayon kasi muntik na akong ma-baril.

"Naging okay sana yung simula ng araw ko eh, kaso sinira mo," sabi ko sabay layo ng konti sakaniya.

"Sorry," sabi niya sabay tawa ng mahina.

"Sorry? Ehh hinali..." Bago ko sabihin yung sentence, tinakpan niya ang bibig ko tapos may narinig kaming wang-wang ng police. Tinignan ako ni "troublemaker". Alam kong nalilito siya sa nangyayari.

"Tinawagan mo ba yung police?" Tanong niya sakin tapos inalis ko yung kamay niya sa bibig ko. 

"Hindi!" Sabi ko ng malakas kaya hinawakan niya uli ang bibig ko. Nakaka-inis na talaga ito. Hawak siya ng hawak sa bibig ko.

"Ba-balik ako para sayo Michael at sa kasama mo! Sinwerte ka lang ngayon!" Sabi nung lalake tapos narinig ko ang takbo niya paalis. Lumipas ang mga ilang minuto, may narinig kaming dalawa na may naglalakad papunta sa pinagtataguan namin. Nakita ko si Alex, nakasuot ng police uniform.

"Ano yan? Bakit ka naka-uniform pang police? At, san mo naman nakuha yang police uniform na yan?" Tanong ni Michael nang parang seryoso na hindi. Sarcasm is real.

"Kesa naman mag-tawag pa ako ng mga basagulerong lalake, kaya ito na lang ang ginawa ko," sagot ni Alex sabay iling nang ulo. "My dad is a policeman, remember?" Dagdag niya, sabay tawa nang mahina, tapos tinignan ako.

"Bakit mo siya kasama?" Tanong ni Alex kay Michael ng nakangiti.

"Mahabang storya," sabi niya sabay labas sa eskinita. Naglakad si Alex kasama ako.

"Sorry ha, kung nadamay ka pa sa gulo ni Michael," sabi niya sakin.

"Sorry? Wag kang mag-alala, niligtas niya ako," sabi ko sabay ngiti sa kaniya. Nung nakadating na kami sa pinag-park nung nag-hatid kay Alex, nakita ko si Jason. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit may kotse si Jason kasi siya yung "rich kid" sa school. Ang pinag-tataka ko lang, bakit sila mag kaibigan ni Alex?

"Jason?" Sabi ko patanong.

"Bakit mo kasama itong gagong ito?" Tanong ni Michael.

"Gago talaga? Hindi ka na lang kaya magpa-salamat?" Reklamo ni Jason. Tinignan ko si Michael ng masama at tumingin siya pabalik sakin sabay taas ng kilay niya.

"Sakay na," sabi ni Alex sabay pasok sa front-sit ng kotse. Kaming dalawa ni Michael ang nasa likod.

"Buti nag drive ka para kay Alex?"

"Oo. Meron akong permit na mag-drive pero wala akong lisensya. Nakuha ko yung permit ko kahapon lang," pagmamalaki ni Jason.

"Hindi yun ang tinanong niya, nerdy boy. Mag-drive ka na nga lang! Ang dami pang sinasabi ehh," reklamo ni Michael kaya tinapik ko siya sa kamay niya tapos tinignan niya ako.

"Bakit?"

"Ang sama mo," sabi ko sakaniya sabay irap. Narinig ko si Alex na parang tumatawa.

"Anong nakaka-tawa Alex?" Tanong ko nang may pagka-sungit.

"Sorry," sabi ni Alex.

"Nakatira ako malapit kay Alex," sabi ni Michael kay Jason.

"Alam ko. Ikaw Kaycee?" Tanong ni Jason sakin.

"Sa San Juan subdivision," sagot ko sakaniya tapos tinignan nila akong tatlo.

"Bakit?"

"Dun kami nakatira," sabi ni Alex sabay ngiti sa akin.

"Magkakapit-bahay pala tayong apat eh!" Sabi ni Jason.

"Tara na! Dami pang daldal ehh," reklamo ni Michael kaya nag-simula na nag drive si Jason. This day is REALLY awkward and annoying.

------
Nakadating na kami sa bahay ko. Binuksan ko na yung car door at nag-pasalamat sakanilang tatlo. Nung papalakad na ako sa gate ng bahay ko, narinig ko yung pangalan ko sa likod.

"Kaycee, sandali lang." Humarap ako at nakita ko si Michael, palakad papunta sa akin.

"Bakit?" Tanong ko nung nakatayo na siya sa harapan ko.

"Sorry nung hinalikan kita," sabi niya. Nakatingin ako sa mata niya, at nakatingin siya sa mata ko. Naka-focus na ang mata ko sakaniya.

"Thank you sa pagligtas mo sakin," sabi ko sakaniya. "At, wag kang mag-alala. Napatawad na kita, kahit na yun ang first kiss ko." Bakit ko sinabi yun!? Tumingin ako sa baba, tapos narinig ko siya na tumatawa.

"First kiss mo ako?" Tanong niya. Tumingin ako sa kaniya sabay tango. Nakita ko ang ngiti niya na umaabot hanggang tenga.

"Okay. Kaya pala hindi ka marunong humalik," sabi niya, sabay kagat sa lower lip niya, tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"A..ano? A..ko? Bakit?" Sabi ko, hirap na hirap magsalita. Tignan ka ba naman nang isang bad boy from top to bottom, di ka ba matatakot? Pero, Hindi naman dahil sa natatakot ako kung bakit hirap akong huminga. Siguro dahil sa tingin niyang nakakatunaw, lalong lalo na ang mga mata niyang kulay kape (without creamer).

"Gusto mo talagang malaman kung bakit?" Sabi niya sabay ngiti. Yung ngiti na talagang kayang patunawin ang isang ice cream.

"Sige," sabi ko habang nakahawak saaking bewang.

"Kasi nung hinalikan kita, hindi tayo nag tounge-to-tounge," sabi niya sabay tawa ng napakalakas. 

Eewww!!!

"Nakakadiri ka," sabi ko sabay pasok sa bahay, pero hinila niya yung kamay ko tapos hinalikan niya uli ako. Hindi ako gumalaw at pinabayaan ko siya na halikan ako. Bakit ako nakikipag-halikan sa isang gang banger na katulad niya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko, hindi magtatagal ang moment na 'to.

Nung nagkalayo na ang mga labi namin, hinawakan niya ang pisngi ko.

"Para saan yung halik na yun?" Tanong ko, tapos naglakad na siya papunta sa kotse. Nakita ko si Alex na tumitingin sakin, pero sinarado ko na yung gate at pumasok na ako sa bahay.

Infinite Love Of The Thug ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon