Chaoter 7 (Michael Fuentes)

12 6 6
                                    

Hawak ko ang kamay ni Kaycee, gusto ko siyang dalhin sa lugar kung saan kami unang nagkakilala. Nung nakarating na kami dun sa lugar, nakatingin lang siya sakin. Para bang 'di siya makapaniwala na dito ko siya dinala para malaman namin ang tungkol sa isa't isa.

"Upo ka na," alok ko sakaniya, tapos umupo siya dun sa inupuan niya kahapon, nung nagkakilala kami. Umupo din ako kung saan ako nakaupo kahapon.

"So, start asking question," sabi niya. "Dalian mo, I have no time to waste," dagdag niya.

"Grabe, bakit English ka nang English? Siya nga pala, naka-ilan ka na?" Tanong ko sakaniya sabay kuha ng sigarilyo ko sa pocket ko.

"Wala," sagot niya, sabay ngiti sa sarili niya, tapos tumingin siya sakin. "Wala pa, bakit? And please, don't smoke here."

"Wala? Eh, sino yung kasama mo kanina?" Tanong ko sakaniya. "At, sorry," dagdag ko sabay bulsa nang sigarilyo ko.

"Best friend ko, si Brayan. Duh?" Sagot niya sabay irap sakin. Grabe, lalo siyang gumaganda kapag nagsu-sungit sungitan siya.

"Ah. Ganon, akala ko syota mo. Gwapo eh, nerd nga lang," sabi ko sabay akbay sakaniya. Inalis niya ang pagka-akbay ko sakaniya, tapos tinawanan ko lang siya.

"Eh, 'kaw ba? Naka-ilan ka na?" Tanong niya sakin.

"Si Emily pa lang. Kaso, nag break kami," sabi ko sakaniya tapos nginitian ko lang siya. Nakatingin siya sakin ng seryoso.

"Anong nangyare sainyo?"

"Ayokong pag usapan," sagot ko sakaniya. Sa totoo lang, gusto kong pag-usapan, ayoko lang pag-usapan ang tungkol samin ni Emily sakaniya, hindi ko alam kung bakit. "Sarap mo pala humalik," dagdag ko sakaniya sabay kindat. Nakita ko yung mga pisngi niya, biglang namula.

"Hindi naman kasi kita kayang pigilin, mahirap na. Baka mas lalo akong mapasama sa gulo mo," sabi niya. Parang ang layo ng sagot niya sa sinabi ko. Sana hindi ko na lang sinabi, kasi lalong naging halata na nagbu-blush niya, sa puti niyang yan.

"Ano nga pala me-memorize ko sa assembly?" Tanong ko sakaniya, tapos kinuha niya yung backpack niya at binigay niya sakin itong papel na may sulat, harap likod.

"Tae! Me-memorize ko lahat 'to?" Tanong ko sakaniya pasigaw.

"Hindi! Baliw ka talaga. Yan ang babasahin mo, bibigay ko na sayo para makapag-practice ka naman sa bahay," sagot niya. Grabe, ang la-lalim nang mga word. Tagalog nga, hindi ko naman masyadong maintindihan. Habang binabasa ko ang mga nakasulat sa binigay niyang papel, naramdaman ko ang mga mata niya sakin. Kamukha niya talaga si Emily, pero madami ding mga bagay na hindi sila magkaparehas. Kulot si Emily at straight short hair naman si Kaycee, medyo mas matangkad si Emily kesa kay Kaycee, tapos manipis ang labi ni Kaycee, mas manipis kesa kay Emily. Specially, medyo may pagka-tapang at angas si Kaycee kesa kay Emily. Habang tumatagal, napansin ko na parang may gusto siyang sabihin dahil nakatingin pa din siya sakin. Tinignan ko siya pabalik.

"Bakit?" Tanong ko sakaniya.

"Sana naman wag mo akong ipapahiya this Friday," paki-usap niya. Anong inaasahan niya? Na hindi siya mapapahiya dahil si "boy gangster" ang kasama niya? Kalokohan.

"Kaycee, si Michael Fuentes ang kasama mo sa stage sa Friday. Umaasa ka parin na magiging 'okay' yung presentation?"

"Basta. Alam ko na you won't let me down. Kasi kapag once na napahiya ako, I swear, tapos na ang usapan natin," babala niya sakin, tapos tumango na lang ako.

"Ay, teka. May nakalimutan pala akong sabihin," sabi ko. Gusto kong walang taling naka-kabit saming dalawa. Hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang, si Emily pa din talaga ang dahilan kung bakit kasama ko si Kaycee ngayon.

Infinite Love Of The Thug ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon