Chapter 6 (Kaycee Tolentino)

11 6 6
                                    

7:30 ng umaga. Nandito ako sa kusina, kumakain ng almusal habang napagsa-sabihan ni daddy. Nakausap ko na din pala si Brayan kagabi. Unfortunately, hindi niya ako matutulungan kasi daw may photography session siya. Kung minamalas ka nga naman.

"Bakit ayaw mong i-report sa police?" Tanong niya uli sa akin. Tinanong niya na yan kagabi nung kaka dating ko ng bahay. Paulit-ulit na lang. #strictparents

"Para saan? Okay na ang lahat, dad. Wag na kayong masyadong mag-alala," pagmamaka-awa ko.

"Hindi okay yun, Kaycee. Paano kung bumalik yung lalakeng yun at tinutukan ka ng baril?" Tanong niya. Naramdaman ko na tumingin sa akin si mommy.

"Dad, okay na. Wala na yung lalake, okay?" Sabi ko sabay hinga ng malalim.

"Okay. Bahala ka na. Iniisip ko lang naman ang kalagayan mo anak. Sige, pag usapan natin ito mamaya. Tara na," sabi ni daddy tapos pumunta na kami sa sasakyan.

Bakit siya ang iniisip ko? Bakit ko siya hinayaan na halikan niya ako kagabi? What happened last night was a complete nonsense.

Nasa school na ako at papunta sa first class ko, Filipino. Umupo ako sa desk ko, at bigla kong naisip ang project na kailangan ko parin gawin sa Friday. Wednesday na at wala pa akong napapaki-usapan na sumama sakin sa assembly. Habang iniisip ko ang mga bagay na ito, bigla kong nakita si Cindy papasok sa class room. Tumayo ako at dumeretso sa kaniya.

"Ms. President, can I help you?" Tanong niya.

"'Can I help you?' Yun talaga ang itatanong mo? Oo, Ms. VP, you can help me by going to the assembly on Friday. How's that sound?" Sabi ko sabay hawak sa bewang ko.

"Sinabi ko na sayo diba? Hindi ako makakapunta," Sabi niya sakin sabay taas ng kilay niya.
"Tapos ano? Iiwan mo sakin yung project ng mag-isa?" Tanong ko sakaniya, napansin ko yung mga classmate namin na tumitingin sa-amin.

"Kaycee, magsasalita ka lang sa assembly, that's it! We already finished the whole thing!" Reklamo niya.

"Hindi pa tayo tapos. We need to present it. Wake up!" Sigaw ko sakaniya, tapos nakita ko si Mr. Palacios na nakatingin samin.

"Okay lang kayo?" Tanong ni Mr. Palacios sabay tingin sakin. "President?"

"Ayos lang kami. Mag-uusap na lang po kami mamaya," sabi ko sabay punta sa upuuan ko.

Lunch time. Kasama ko si Brayan. Nasa linya kami para bumili ng lunch namin sa cafeteria.

"Anong nangyari? Nag-away ba kayo?" Tanong ni Brayan pagkatapos kong ikwento ang nangyari sa 1st period class ko.

"Hindi. Dumating na si Mr. Palacios nung nag-uumpisa na kaming magsigawan," sagot ko.

"Bakit ka nga pala na late ng uwi kahapon? Nakwento kasi sakin ni Emily yung nangyari kahapon, gabing gabi ka na daw umuwi? Eh nakalimutan ko naman itanong sayo kagabi nung tumawag ka. Anong nangyare?" Tanong niya. Nung sasagot na ako, may lalakeng sumabat.

"Kasi kasama niya ako," sabi nung lalake sa likod ni Brayan. Nung tumalikod si Brayan, nakita ko yung mukha nung lalake, si Michael. Biglang nagsilayuan ang mga tao dahil siguro takot sila kay Michael, at kami na lang ang natira sa lunch line.

"Ikaw?" Tanong ni Brayan sabay tingin sakin. "Siya?"

"Uhm."

"Pwede ko ba siyang hiramin ngayong lunch lang," paki-usap niya kay Brayan.

"Hindi. Baka kung anong kaga-guhan ang gawin mo sakaniya," sagot ni Brayan.

"No, okay lang. Magkita na lang tayo mamaya after school," sabi ko sabay lakad kasama si Michael.

Infinite Love Of The Thug ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon