And here I am, in my last class of the day, chemistry. Hindi ko pa rin makalimutan yung buisit na lalake na nagnakaw ng halik sakin. That is my first kiss, my very first kiss. Sini-save ko pa naman yun para sa lalakeng mamahalin ako ng totoo, pero yung buisit na yun. . . Hayyyyy!!!!!!!! Nakatingin ako sa chem book ko habang nag-iisip kung paano ko gagantihan yung mayabang na yun.
"Now, go to your assigned partner and work on your assigned project for the last 30 minutes," sabi nung teacher kaya tumayo ako para hanapin ko yung partner ko. Hindi ko siya makita kaya nagtanong ako sa katabi ko.
"Erich, nakita mo ba si Alex?" Tanong ko.
"Hindi ehh. Baka kasama nanaman yung troublemaker friend niya," sagot ni Erich sakin.
"Nag escape sila?" Tanong ko uli, tapos tinignan ako nung partner ni Erich na si Jason.
"Siguro," sabi ni Jason. "Okay," sagot ko tapos pumunta ako kay Mr. Valdez.
"Sir, wala po si Alex," sabi ko.
"Okay. Anong project ba ang naka assign sa inyo?" Tanong ni Mr. Valdez.
"Bioassay test for toxicity," sagot ko sakaniya sabay hinga ng malalim.
"You guys can meet after school o before school. Pwede rin sa weekends para matapos yung project niyo. Besides, meron kayong 1 week to present that. So, sa ngayon, just decide kung ano yung pwede niyong gawin bukas dahil ganito din ang gagawin niyo for tomorrow. Sounds good?" Tanong ni Mr. Valdez. Tumango na lang ako at nagpasalamat tapos umupo na ako sa desk ko. Nakatingin ako sa shoes ko, nag-iisip kung anong magandang idea para sa project namin ni Alex. Tapos, iniisip ko din kung paano ko sisimulan yung speech ko para sa assembly ng school this Friday tungkol sa "cyber bullying". Gusto kong matapos na ang pag-iisip na ito, pero paano ko matatapos ito kung hindi ako focus? I still can't forget the guy who kissed me. That guy just ruined my day. It supposed to be a happy Tuesday, pero ang kinalabasan, foolish Tuesday. Kinuha ko yung phone ko sa bag ko, at nakita ko na meron akong 4 missed call galing kay Emily. Medyo busy si sir kaya tinawagan ko patago si Emily.
"Hello?" Sabi ko.
"Cuz. Hindi ako makakasabay sayo mamaya," sagot niya.
"Bakit?" Tanong ko. Ano ba yan, magco-commute nanaman ako mag-isa.
"Meron kasi kaming group study. Don't worry, nasabi ko na sa mommy ko na mags-stay ako hanggang five ng gabi. Ingat ka na lang huh. Pakamusta mo ako kay tita," paliwanag niya. Napakamot tuloy ako ng ulo. Ayokong magcommute ng ako lang mag-isa.
"Sige. Ingat ka din," sabi ko sabay patay ng phone. Kung minamalas ka nga naman ohh.
A minutes later, natapos na yung class. Nilagay ko na yung chemistry book ko sa bag tapos dinala ko na yung camera. Nung pagkalabas ko sa classroom, nakita ko si Brayan na naghihintay."Salamat sa pag-hawak ng camera ko," sabi niya sabay kuha nung camera case.
"Walang anuman," sabi ko tapos nagsimula na kaming maglakad.
"Bad-trip ka?" Tanong niya sakin sabay tingin sa mata ko. Tinignan ko siya pabalik sabay hinga ng malalim. "Hindi."
"Hindi? Ehh bakit ganiyan mukha mo, napaka stressful?" Tanong niya sabay ngiti.
"Alam mo Brayan, imbis pake-alaman mo yung buhay ng ibang tao, bakit hindi mo muna pake-alaman ang sarili mo?" Sabi ko sabay taas ng kilay.
"Yan ang hirap sayo ehh. Ang dali mong mapikon," sabi niya sabay tawa. "Una sa lahat Ms. Sungit, kaibigan kita kaya meron akong pake-alam kung bakit bad-trip ka oh hindi," sabi niya sabay ngiti sakin, tapos tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
Infinite Love Of The Thug ?
Teen Fiction"Una akong nakaupo dito," sabi ko, sabay tawa pakunwari. "So?" Sabi niya sabay taas ng isa niyang kilay. "Niloloko mo ba ako?" Sabi ko habang nilalapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Hindi niya nilayo yung mukha niya. "Bakit ang yabang mo? Para sab...