Short lang ito!
--Tumabi ako kay Lia, itinulak niya ako nang hinalikan ko siya. I pouted.
"Ang baho ng hininga mo, sabihin ko ibahan mo na yung toothpaste diba? Ang baho." Inis niyang sabi sa akin.
Napanganga ako, itong buntis na ito. Pati toothpaste pinagdidiskitahan. Bumuntong hininga ako.
"Okay, maggrocery ako. Sasama ka ba?" Malambing kong sabi. Umiling siya at pumikit, she's always sleeping. Ayaw niya pa akong katabi, grabeng parusa naman.
Naligo na ako, nagpalit na kami ng shampoo at sabon dahil ayaw niya sa amoy. She's sensitive, kung anong kina-arte niya ngayon ay ganoon siya hindi ka-arte noon.
Nang lumabas ako ay tulog na siya, bibilisan ko na lang sa paggrocery. Binili ko ang lahat ng gusto niya, naglista pa siya para daw alam ko na sa susunod ang bibilhin. Nagalit kase siya nang ayaw niya yung binili ko last week.
Miss na miss ko na siyang katabi, sana matapos na ang paglilihi niya. Lagot siya sa akin, pinahirapan niya ako. I'm worried also, kaya ginagawa ko ang lahat ng gusto niya. Gusto kong maging malusog sila ng anak namin.
Pag uwi ko ay umiiyak siya, tinatahan siya nila ate.
"S- sir. Hindi ko po alam ang gagawin." Natatarantang sabi ni ate, tumango ako at inutusan sila na kunin ang mga pinabili ko. Wala silang alam sa pagbubuntis kaya natataranta sila. Umupo ako sa harap ni Lia, umirap siya at ngumuso.
"Sorry, nag grocery ako. What happened?" Malambing kong tanong.
"Sana sinama mo ako." Sabi niya sa akin.
Pinunasan ko ang luha niya at hinalikan siya sa ulo. "I'm sorry baby, sabi mo ayaw mong sumama. Next time i'll bring you with me."
"Ipagluto mo ako." Nguso niya. Tumango ako at sabay kaming pumunta sa kitchen, nag aayos na sila ate ng mga pinamili ko. Gusto niya ng pasta kaya iyon ang niluto ko, lagi na lang pasta, mamaya magiging pasta na ang anak ko.
I kissed her cheek while she's eating, mukha siyang masaya.
"Alessa's visiting with Trev." Masaya niyang sabi.
"I'll cook for him." Dagdag niya pa.
"Uh-huh." She's fond of trev, ang anak nila Pietro at Alessa. Lagi na silang bumibisita dito dahil tinetext sila ni ng asawa ko. Kapag hindi papayag ay malulungkot siya at iiyak. Kaya minsan ako na ang humihingi ng pasensya.
"It's okay." Sabi ni Alessa.
Silang mag ina lang ang andito dahil may trabaho daw si Pietro. Iniwan ko sila sa kitchen at nireview ang report sa business namin, habang ginagawa ko iyon ay hindi ko na namalayan na andito na si Trev.
"Hey baby boy." Buhat ko sa kanya.
Bumalik kami sa kitchen, nag uusap ang dalawa. Hindi ata nakita na umalis si Trev.
"He knows how to come to you now." Sabi ng asawa ko. Inutusan pa ata si Trevor. Kinuha ni Alessa si Trevor sa akin.
After eight months, I'm walking back and fort here at the hospital. I'm not allowed to go in. I'm nervous, sinamahan ako ni Lessio. Siya din ang nagdala ng mga gamit ni Leo.
Nang bumukas ang pintuan ng room ay mabilis akong lumapit sa doctor.
"Your wife delivered normal and your baby is okay doc." Sabi niya sa akin, nakahinga ako ng malalim.
"Thank you. Thank you, Doc." Sabi ko tsaka tinignan na itransfer si Lia sa private room. I looked at my baby, He's so cute. Wala pa siyang buhok, panot pa siya.
"Ang liit niya." Sabi ni Lessio.
"Cute." Dagdag pa niya.
"Pwede na ba siya buhatin?" Tanong ko sa nurse, tumango siya at pinapasok ako. Naiwan si Lessio sa labas.
"Anak ko..." bulong ko at ipinasa sa akin ng nurse ang anak ko para ibalik sa higaan niya.
"Leondre Yano Wellerson." Bulong ko.
That's what our sons name, pinagisipan na namin ito bago pa siya maipanganak. I kissed my sons forehead, gentle. Hinawakan ko ang kamay niya bago umalis para pumunta kay Lia. Inaya ko na si Lessio.
"You're so happy." Sabi niya sa akin.
"I am dude. So happy." Nakangiti kong sabi sa kanya. Pumasok ako sa room ni Lia, she's still sleeping. She must be exhausted.
"I'll just buy food." Sabi niya tsaka umalis.
Sa pag alis niya ay dumating sila Amber.
"Where's your baby?" Tanong ni Alessa.
Bumukas ang pinto at ipinasok dito ang baby namin ni Lia. Dinumog naman nila agad ang baby namin ni Lia.
"Ang liit niya." Excited na sabi ni Bera. I laughed.
Nang gumalaw si Lia ay mabilis akong lumapit sa kanya, may ibinigay sa akin ang nurse. Doon daw isusulat ang pangalan ng anak namin, babalikan na lang daw nila. Binuhat ni Amber ang anak namin ni Lia.
"Nakakatakot naman yan." Rinig kong bulong ni Taraka.
Isinulat ko na ang pangalan ng anak namin.
"So, leondre." Sabi ni Bera.
"Leo for short." I said.
They call my son, Leo or Leon. Baby leo or baby Leon, hinawakan ko ang kamay ni Lia, nagising na siya. Pinakita ni Amber sa kanya ang anak namin.
"Aww, my baby." Sabi niya.
"Dalawa na ang baby natin, tatlo na sa susunod kapag nag anak na si Alessa." Sabi ni Taraka.
They're not complete. Wala pa rin ang dalawa. It's been what? Four years since they're complete. I kissed lia's head. Ipinahawak ni Amber ang baby kay lia.
"Damn, so tiny." Sabi ni Bera.
Bumukas ang pinto at pumasok si Lessio na may pagkain, sabi nila mommy at mama, on the way na daw sila dito. Kumain muna kami at kinuha ng mga nurse si baby Leo. Ichecheck up daw nila, gusto kong sumama pero okay lang daw.
"Feel ko ikaw next na ikakasal." Sabi ni Taraka kay Bera.
"Hindi pa nga yan nadidiligan, ako muna." Natatawang sabi ni Amber. Natawa din ako, they're not awkward talking about that. Tahimik lang si Lessio, siniko ko siya.
"Shh." Sabi niya lang.
"Baka si Taraka." I said.
"Lul, ayaw ko pa." Sabi niya, humalakhak ako at nilingon si Lessio, inirapan niya lang ako. Damn, hindi pa ata sila nagkakabalikan. Nagkibit balikat ako at kumain na.
Basta kami ni Lia, mahal namin ang isa't isa.
"I love you." Bulong ko sa kanya. She smiled at me and kiss my lips. I swear, kaoag gumaling ang tahi mo ay magkakaanak ulit tayo.

BINABASA MO ANG
Chick Clique Series 03: Only You (Completed)
RomanceGiovanna Lelia Laelius is Always quiet and compose girl, she's good almost at everything but she can't make her own decisions without her mom knowing, her mom is strict. She fell in love with a man who isn't scared of anything and a son of the riche...