Kabanata 28

26 2 0
                                    


He's with someone now. Gaia, nanikip ang dibdib ko. It's okay, Lia. It's okay. Mas may masakit ka pa diyang naranasan. Pumikit ako ng mariin, ang sakit. I looked at Amber, gusto kong magtanong pero ayaw kong ma-bother siya. Hindi niya ex iyon, sabi niya. Pero ang alam ni Amber, ex niya iyon. Ganoon din ang mga kaibigan niya. He's happy now, ha.

Naka move on na siya, I should move on too.

"Hey, okay ka lang?" Natigilan siya ng makita ang magazine na hawak ko.

"The fuck?!" Sigaw niya, napatingin ang manager sa amin, i smiled at her and i said sorry din.

"D- do you still love him?" Bulong niyang tanong, I nodded. I am hurt but I didn't cry. Siguro napagod na ako kakaiyak, ang dami ng dumaan sa buhay ko. Hindi nila alam kung ano ang pinag usapan namin bago kami naghiwalay, sabi niya ako lang ang mamahalin niya. I smiled at Amber, she looked so worried.

"I'm fine, don't worry. Wala na naman kami kaya ayos lang." I didn't stutter, but i am hurt. Ang sikip sa dibdib. Pumasok ako sa online class ko ng mabigat sa dibdib, patingin tingin sa akin si Amber. I smiled at her.

Am I happy for him? No, I'm so bitter. Naka move on na siya, samantalang ako, mahala na mahal ko pa rin siya. Siya pa rin, siya lang. I lose hope, I lose my chance to love. Ayaw kong magmahal kung hindi si Rico, Maging single na lang ako forever kung hindi siya ang magiging boyfriend ko.

Nag aya si amber na uminom, nasa condo kami ni Ari, nakavideo call sila sa amin. They're busy. Mahirap mag patayo ng business doon lalo na't hindi pa naman sila citizen doon, tinutulungan lang sila ng lawyer.

"Lagi kayo umiinom, kaya pa ba ng atay niyo?" Sabi niya sa amin, tumango kami sa kanya. Si Alessa, naka video call din, hindi siya pwedeng uminom at pumunta dito. Malaki na din ang tiyan niya, magkaka anak pa kaya ako?

"Nagpapadoctor kami." Humalakhak si Bera. May mga gig pa rin si Bera, sinabi namin sa kanila ang plano namin na magpatayo din ng resto sa amorevine, sa malapit sa school. May lupa na kami doon, they said ang ganda ng idea namin, napuno nanaman kami ng asaran.

"Pangit mo, Taraka." Sabi ni Ari sa kanya, We laughed. Nagkasagutan ang dalawa. Nang naubusan na kami ng alak ay nag volunteer ako na bumili, I become an alcoholic, umiling ako. Pag bukas ng elevator ay mabilis akong pumasok, pinindot ko ang ground floor, pasara na ng may pumigil, napanganga kami pareho ng makita ang isa't isa.

Nasa likod niya si Alessio, he wistled. Pumasok na din sila, ang bilis ng kabog ng puso ko, parang nagwawala. Sumara na ang elevator, tahimik silang nag uusap. Parang gusto kong maupo, hindi ko sila nilingon. Parang kanina lang, nabalitaan ko na may girlfriend na siya.

"You drunk, Lia?" Nakangising tanong ni Alessio, nakita ko ang reflection niya, nakangisi siya, halatang nang aasar, inirapan ko siya.

"H- hindi. Uminom lang." Sagot ko, mahina siyanv tumawa. Ngumuso si Rico.

"Uuwi ka na? Hatid ka na namin." Sabi niya, agad akong umiling.

"Hindi pa ako uuwi, a- ah. Bibili lang akong alak." Umigting ang panga niya, mabilis akong nag iwas ng tingin. Is he mad? Bakit siya galit. Parang tinatambol ang puso ko.

"Alcoholic now, ha?" Rico mocked me, palihim ko siyang inirapan.

"Medyo." Pang uuyam ko, mahinang tumawa si Alessio, tinignan ko siya ng masama, anong problema niya. Inirapan niya din ako, bakit ba ang tagal ng elevator na ito. Umiinom ako para makatulog, hirap na kase akong makatulog e.

"Dito ka matutulog?" Nagulat ako sa tanong ni Rico, umiling ako. Nag taas siya ng kilay sa akin at madilim ang tingin niya. Bumaba ang tingin niya labi ko.

Chick Clique Series 03: Only You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon