We're on our third year now, ang sarap mag-dabog. Sabi nila madali na lang pag third year, that's what our prof said before. Noong First year, umupo ako sa library, kasama ko si Pris. Mag kaklase kami sa next subject. Nakakapagod kahit na nakaupo at nakikinig lang naman ang ginagawa namin."Grabe, I feel empty." Bulong niya, sabay naming binuksan ang mga libro namin. 2:30 pa ang class namin, eleven pa lang. We decided na mag advance reading kase nakakabobo pag walang alam. Tahimik lang kami habang nagbabasa, doble pa iniisip namin kase nag i-start na iyong construction sa restaurant namin.
Ako ang hands on doon kase ako lang naman ang medyo maluwag ang sched, they have problems. Nagka-sabay sabay pa. I looked at Pris, meron din itong problema e.
"Kain na kaya tayo." I suggest.
"Tara, mamaya na tayo magbasa."
Niligpit namin ang mga gamit namin tsaka lumabas sa lib, kakapasok lang namin. Babalik naman kami mamaya, pumunta kami sa main canteen. I bit my lower lips when I saw Taraka and Amber. Wala bang klase ang mga ito.
"Hoy, may klase kayo ha?" Tanong ni Pris sa kanila, nag order muna ako ng pagkain tsaka tumabi kay Amber.
"Free cut." Sabi niya, nakatutok sila sa laptop nila. Minsan, ang mga students dito nag aaral sa canteen. I just can't study here kase ang ingay. I eat silently, nakita ko ding namamaga ang mata ni Taraka. I feel so useless kase i don't know what to say, hindi ko alam mag advice at mag comfort.
"Nag uumpisa pa lang school year, parang ayaw ko na mag aral." Biglang sabi ni Amber, every mag umpisa ang school year, ganyan ang sinasabi niya. Gusto ko nga munang matulog, inilabas ko ang phone ko. Alas dos naman klase namin, nagtext ako kay Ariadne.
ARI:
Can we stay a lil' bit sa condo mo?
Malapit lang naman dito iyon, sinabi ko kay Pris ang plano ko. Tumango lang siya sa akin, inaantok din daw siya. Kahit 30 mins lang na matulog tapos magbabasa din.
From ARI:
Sure, alam mo na pass code.
Nagpaalam na kami kila amber tsaka kami nag punta sa condo ni Ari, I over slept. Pag gising ko nag babasa na si Pris. Hindi man lang ako ginising, isang oras ako nakatulog.
"Hindi mo ako ginising."
"Ang himbing ng tulog mo e." Binigyan niya ako ng tubig, ininom ko iyon tsaka pumuntang cr para maghilamos. Tumunog ang phone ko, sinagot ko iyon habang nagpupunas ng mukha.
"Hey, baby. What are you doing?" Salubong niya sa akin, nag taas ako ng kilay nang may narinig ako sa kabilang linya.
"Mag i-study." Rinig ko ang buntong hininga niya, i bit my lower lip. Sa wellerson hospital na siya nagtratrabaho, mas maganda iyon. Mas malapit, ayaw ko lang ang tingin ng mga nurses sa kanya. Ang lagkit kung makatingin, tsk.
"Hmmm, don't strain yourself."
"Actually, kakagising ko lang. Andito ako sa condo ni Ari."
Narinig kong may tumawag sa kanya. "Baby, i'm sorry. May rounds pa ako. I'll fetch you later, i love you."
Bago pa ako makasagot ay pinatay na niya, Nag aral na lang ako tsaka kami bumalik ng school nang alas dos na. Hanggang alas syete ang klase namin, kaklase ko si Bera at ari sa next subject. Nagpaalam na ako kay pris. Last subject niya iyon, she'll check the site daw sabi niya.
"Grabe, gusto ko ng umuwi." Salubong ni bera sa akin, kasama na niya si Ari na tahimik lang. Hindi ako sanay, dalawa sila ni Ara. Tahimik lang sila. Gusto ko din mag absent e, kulang na kulang ang tulog ko pero hindi pwede, may recitation kami. I can't absent.
Tahimik ang klase, halata din na kinakabahan sila. Amber and Alessa is part of department officers, kaya mas naging busy ang dalawa. Late na din sila nakaka-uwi. Nang matawag ang pangalan ko ay nagdasal muna ako bago ako sumagot, our prof looked satisfied sa sagot ko kaya hindi na siya nag follow up ng questions.
Ang dami niyang tanong kay Bera, malakas na bumuntong hininga siya nang makaalis ng classroom ang prof namin. "Bera, kaya pa?" Tumatawang tanong ng kaklase namin.
"Favorite ata ako ni miss balagtas, lagi niyang tinatawag name ko." Sabi niya kaya tumawa ang buong klase, walang araw na hindi siya natawag.
"Gaga, ingay mo kase noong first day. Tara na, kain muna tayo." Aya ni Ara sa amin, inaya din namin sila Taraka. Ang wala lang ay si Pris at Alessa, busy ang dalawa. Ang daming in-order si Ariadne para sa amin, naubusan ata ng lakas kanina.
"Grabe, ang terror din kase ni miss balagtas e ano? Bukas klase namin sa kanya e, ano iyong mga tanong niya?" Tanong ni Ara, halatang kinakabahan siya habang kumakain.
"Nasa chapter one lahat, review kayo lalo na't umaga ang klase niyo sa kanya. Siguro naman walang favorite si miss balagtas sa inyo?" Nagiging madaldal nanaman silang dalawa, umiling ako at tahimik na inobserbahan ko sila.
Nag kwento sila kung anong nangyare sa klase nila, tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon, nanlaki ang mata ko ng makalimutang susunduin pala ako ni Rico, sinagot ko agad.
"Andito na ako sa labas ng school niyo, where are you?" Halatang pagod ang boses niya. I feel so guilty, i totally forgot dahil sa recitation kanina.
"Andito kami sa kanari, can you come here?" Napakagat ako ng labi, narinig ko ang buntong hininga niya and he said yes, nagpaiwan na ako ng umuwi na sila Taraka.
"Let's go?" Aya niya sa akin nang makita niya ako, ngumuso ako at tumingin sa paligid, wala nang masyadong tao.
"Kain ka muna." Aya ko.
Para may kasabay siyang kumain ay kumain ulit ako, "You didn't eat?"
Halata kaseng gutom na gutom siya, tumango siya sa akin at uminom ng tubig. "Ang daming pasyente."
Hinatid na niya ako sa bahay, i kissed him sa lips bago ako lumabas. I sighed nang paalis na ang sasakyan niya. Busy kami parehas at hindi na kami masyado nag uusap. It's okay, though. I can handle him, ganoon din siya sa akin. Napatalon ako nang makitang nakatingin sa akin si mommy, kinabahan ako sa tingin niya.
"We need to talk." Mahinahon niyang sabi.
Tinalikuran niya ako kaya sumunod na ako sa kanya, naupo siya sa sofa at pinaalis ang mga kasambahay namin, isinenyas niya ang upuan sa harap niya kaya umupo ako doon.
"How's your study?" Tanong niya sa akin, nakatitig.
"Fine, mom. Medyo busy na at tight." Sagot ko, she nodded at hindi tinatanggal ang tingin niya sa akin. Napalunok ako at ibinaba ang tingin.
"Break up with him." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Umiling ako agad, walang ekpresiyon ang mukha niya. Bumuntong hininga siya.
"I'll give you a week." Sabi niya tsaka siya tumayo at pumasok sa library, natulala akong mag isa.
I can't break up with rico, i just can't. Hindi ko kakayanin, mabilis akong tumayo at sinundan si mommy sa library, pero natigilan ako sa nakita. She's crying while hugging daddy's shirt.
"M- mom..." natigilan siya sa pag tawag ko. Umiling siya sa akin at pinunsan ang luha bago tumayo ng tuwid.
"You should rest." Sabi niya sa akin bago siya umakyat sa kwarto niya. Why is she crying? Did she miss dad? That's the first time I saw her looked so weak, malayong malayo sa proud na ipanapakita niya sa akin araw-araw.
I'm confused, i need to know. Sinabunutan ko ang sarili ko, first, she want me to break up with Rico, second, She's crying while hugging daddy's shirt. May mali, there's something going on.

BINABASA MO ANG
Chick Clique Series 03: Only You (Completed)
RomantizmGiovanna Lelia Laelius is Always quiet and compose girl, she's good almost at everything but she can't make her own decisions without her mom knowing, her mom is strict. She fell in love with a man who isn't scared of anything and a son of the riche...