Kabanata 01

53 3 0
                                    


Andito kami ngayon sa coffee shop na pinapasukan ni Priscilla, I want to work too but mommy won't let me. Uminom ako ng coffee, natigilan lang ako ng nakatitig sa akin ang mga kaibigan, tinaasan ko sila ng tahimik.

"Ano? Anong nangyare kahapon?" Tanong ni Taraka, nang naalala ko ang nangyare kahapon ay kinuha ko ang spare phone niya at isunoli, tinignan niya iyon. "I don't need it anymore. Thank you." Sabi ko lang, nakatitig lang sa akin ang mga kaibigan, I smirked at them, ayaw kong I-kwento ang nangyare kahapon dahil nakakahiya iyon.

"Ano nga, kwento ka na. We're waiting, tatanungin ko din naman iyong Gideon, ano ngang nangyare at isosoli mo ang phone?" Tanong ni Taraka, kulit talaga. Umikot ang mata ko at bumuntong hininga ako, hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako magkwe-kwento.

"Mom saw us." Napanganga sila sa sinabi ko. "What? Tapos?" Tanong ni Bera, mga chismosa talaga. Kwinento ko ang nangyare sa kanila, natulala sila ng ilang saglit para iproseso ang sinabi ko nang magsalita si Ariadne. "Shit, sana pala hindi kita pinakilala doon, sayang two years na pag uusap niyo ng gago na iyon. Pag nakita ko siya, I'll punch him. I'm sorry Lia, it's my fault." Sabi niya, tumawa ako at umiling.

"Ako naman nag approve, nag tanong ka lang sa akin. Don't worry about it." Kapag patuloy niya akong hindi kakausapin, makakalimutan ko din siya kalaunan. Kaya rin ibinalik ko ang phone ni Taraka ay dahil ayaw ko ng mag abang ng mga message at call niya. Wala na akong planong mag boyfriend pa. I looked at Priscilla na nagaayos ng lamesa, ramdam kong may tumititig sa akin. Inilibot ko ang tingin ko at nahagip ng tingin ko ang isa pang negative.

He smiled when He saw me looking at me, nag iwas ako ng tingin. What is he doing and why is he looking at me? Baliw ba siya, I find him creepy lalo na kapag nakangiti siya at nakatitig sa akin. Tumayo na ako at nagpaalam nang nag alarm ang phone ko, inaya ko na si manong Kamo na umuwi na kami. Ramdam kong may nakasunod sa akin habang papunta sa parking lot, tumigil ako sa laglalakad at tumingala. Anong problema ng lalaking ito sa akin?

"Ohh, it's you again. Nice." Patay malisya niyang sabi, parang hindi niya ako nginitian kanina sa loob ng coffee shop, nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin, gaya ng sinabi ko, mas importante si manong kamo sa akin, para ko na siyang tatay. Siya muna ang iisipin ko at wala ng iba, I won't disobey my mom again. "Hey, hey." Tawag niya sa akin pero pumasok na ako sa kotse, nag usap sila ni kuya Kamo saglit.

Tinignan ko sila habang nag uusap, nakangisi si Federico. Kunot noo ko siyang tinitigan. He looks like a softie, really. But he's actually a bad boy, takaw gulo pa. Matangos ang ilong niya. He has high defined cheekbones, small full lips, a pointy nose and a cat-like eyes. He has elfish features,  he has a large ears, one is pointed like an elf and the other is not, syempre, hindi mawawala ang hikaw sa kanya, parang trade mark na niya ata iyon, He's tall and slender. In other words, Gwapo. Kayumanggi ang kanyang kulay ng kanyang balat. But you can't deny the fact that he's a rebel and a bad boy. Umiling ako, sayang siya.

Pumasok na si kuya Kamo ng tapos na silang mag usap. Tinignan ko si Federico na nakatitig sa akin, I mean our car is tinted but parang tagos ang tingin niya sa akin. Alam na alam kung saan ako nakaupo, nag busina si manong tsaka kami umalis.

"Kilala mo pa si Sir Rico miss, sa kanila ako unang nagtrabaho. Bilang driver niya, pero hindi niya kailangan iyon. Nag iisang anak din iyon ma'am." Masayang sabi ni manong kamo, ngumuwi ako. Okay? Sino nag tanong? "Mabait na bata po iyon." Dagdag pa niya, saan banda? Sagot ko sa isipan.

"Bagay po kayo ma'am." Nasamid ako sa sariling laway sa narinig, really manong? Minamatch niya ba kami? Kung siya lang ay 'wag na. Tsaka hindi pa ako nakakamove on kay Gideon the scammer, hindi pa ako ready na ma-scam ulit. Kubg makalakad si kuya, parang hindi muntikan ng naalis ah. Umiling ako at pumikit, gusto ko ng matulog.

Chick Clique Series 03: Only You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon