It's been two years since we left the main city and moved to La Castellano kasama ang mama at tita ko.
Isang araw matapos mangyari ang car accident, iyong doctor na nag-asikaso sa amin sa hospital sa Maynila ay kinausap kami tungkol sa Vikero Hospital who offered us a hundred percent sponsorship for my mother's medical treatment.
Hindi ko alam kung sadyang malas kami dahil sa nangyaring aksidente na 'yon o kahit papaano ay pinagpala kami kasi may nangyaring himala. Dahil sa sponsor na 'yon ay hindi na kami nagkaroon ng problema sa pera at sa paglipat sa Vikero Hospital. Inilipat namin agad si Mama at ilang araw lang ay sumunod na kaming lumipat sa La Castellano no'ng makahanap si Tita Tonia ng kakilala na pwede naming tuluyan. Pero matapos no'ng ilang buwan na nakabawi-bawi kami sa gastusin ay umupa na kami ng apartment.
Ngunit kahit lumipat kami rito sa La Castellano ay tinapos ko pa rin ang kolehiyo sa Asian State University. Kapag mahaba ang araw na walang pasok ay saka lamang ako uuwi rito sa La Castellano at sa puder ni Alezia ako tumatambay kapag busy schedule. Pero ngayong isang buwan na ang lumipas no'ng magtapos kami sa kolehiyo ay tulad ng inaasahan ay kaniya-kaniya na kami ng buhay.
Ilang linggo na kaming hindi nakapag-usap ni Alezia. Wala na akong balita kung anong balak niya sa buhay bukod sa bumalik ito sa puder ng magulang niya. Habang si Rance ay nakausap ko naman siya nakaraang linggo.
At ako? Mas lalo ako na hindi ko alam ang mangyayari sa akin. Siguro mag-apply muna ako ng trabaho para mabayaran ang mga utang ko kay Tita Tonia. Siya kasi ang pansamantalang tumustos sa pag-aaral ko at tumulong sa ilang gastusin ni Mama.
Kaso akala ko madali lang mag-apply ng trabaho kasi may college degree naman na ako. Pero hindi pala, mahirap pala kapag fresh graduate kasi no experience.
"A-Another surgery po?" nagulat kong tanong kay Doctor Leonardo Holmes na ikinatango nito.
"Yes, Ms. Claveria. It's been a year since her first surgery succeeded, but she's still not waking up. We are planning for another surgery," saad nito na ipinag-alala ko. "Don't worry if your problem is money. The hospital sponsorship will pay for it."
"Y-Yes, but does not put her at risk po?"
Para sa akin at kay Tita Tonia, hindi namin problema ang pera. Mas problema namin na mawala sa amin si Mama. Sa akin, si Mama lang ang pamilya ko at para kay Tita Tonia, siya lang ang mabuting kamag-anak at matalik nitong kaibigan. Mga bata pa lang kasi sila ay sila na ang pinakamalapit sa isa't isa kaya tinutulungan pa rin ako ni Tita Tonia kahit na hindi niya naman ako responsibilidad.
Bagsak ang balikat kong tinahak ang paglabas ng hospital matapos kong makausap si Doctor Holmes tungkol sa kalagayan ni Mama. Hindi pa rin kasi ito gumigising matapos ang unang surgery, naka-monitor pa rin siya sa ICU hanggang ngayon.
Imbes na umuwi na ng bahay ay nagdesisyon akong pumasok sa isang café para ilatag ang laptop ko at tingnan ang result sa pangalawang in-apply-an kong trabaho sa isang food restaurant.
"Good evening po. Ano pong order niyo?"
Natigilan ako nang lumapit sa akin ang isang waitress nila. Wala naman akong balak bumili dahil sa bukod sa ang mamahal ng tinda nila ay hindi naman ako nauuhaw. Pero bumili na lang ako kaysa naman isipin nila na makiki-connect lang ako sa internet.
"A-Ah, ano po bang pinakamura na inumin niyo?" balik kong tanong at tipid na ngumiti.
"Espresso and iced tea po is both 199 pesos."
Mapait akong napangiti at sinabi rito na isang iced tea na lang. Ayoko naman ng kape dahil bukod sa mainit ang panahon ay baka uminit pa ulo ko dahil sa mahal ng mga bilihin sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)
RomanceStaizy Mitch Claveria decided to move to La Castellano because of the sponsorship offered for her mother's medical treatment. She applied to be the new personal secretary of Caleb Dale Vikero because of her financial status. Caleb is the most pruden...