"Simula na naging CEO si President Caleb Dale Vikero ay mas naging maayos ang kompanya at gumanda ang public image. Sa kabila ng mga weird rumor tungkol sa kaniya ay kahit hindi mo siya nakikita ay masasabi mong dedicated talaga siya sa trabaho niya," seryosong saad ni Maurine. "Sinasabi nga nila na mas magaling mag-lead si President Caleb Dale kaysa sa father nitong si Mr. Calebriel Llames."
Napakamot ako sa ulo na bumalik sa opisina na nasa 16th floor. Naiwan tuloy akong tuliro sa table ko habang inaalala ang mga sinabi ni Maurine.
Nakaka-drain pala malaman ang buhay ng mga mayayaman. At kaya pala naging magkaibigan agad sina Alezia at Maurine. Dahil si Alezia na mausisa at si Maurine na maalam sa bagay-bagay. Perfect match.
Pero ang dami naman niyang alam kahit isang taon pa lang siya sa kompanya?
Bigla na lang tuloy kumulo ang tiyan ko dahil sa hindi ako nakakain nang maayos sa mga kwento ni Maurine. Pakiramdam ko ay mas nabusog pa utak ko sa mga sinabi nito kaysa sa tiyan ko.
Pero agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang mapagtanto ko na makakatulong sa akin si Maurine.
"Pwede niya akong matulungan na mas makilala si Mr. Vikero" ngiting saad ko.
Hindi ordinaryong tao si Mr. Vikero kaya dapat magtrabaho ako ayon sa expectation niya. Kaya dapat unang impression pa lang niya sa akin ay mapapasabi siya na ito iyong secretary niya na maganda at matalino pa.
Natigilan ako sa pangangarap nang mag-ring ang telepono. Medyo nataranta pa ako kung paano ito sasagutin at kakausapin.
"Good afternoon. This is Staizy Mitch Claveria, personal secretary to President Caleb Dale Vikero. How may I assist you today?" natural at kalmado kong tanong pero nagtaka ako na pamilyar ang boses nito. "Oh, Mrs. Riza?"
"I received a call from Mr. Felicio, pwede ka na muna raw umuwi ng maaga today," saad nito. "Nakita ka siguro nila na nasa office ka pa rin."
"P-Po? Nakita? Paanong nakita po?" nagtataka kong tanong at inilibot ang paningin ko.
"Yes, may mga covert camera ang mga office ng executives for their safety and monitoring," saad nito bago ibinaba niya ang linya.
Napakagat-labi ako nang sabihin niya ito at pasimpleng nilibot ang paningin ko sa opisina pero wala akong makitang camera.
Oh. Shit. Hindi naman nila siguro nakita iyong parang ignoranteng kilos ko kaninang umaga, 'di ba? Hindi naman nila rin siguro nakita iyong tangang pagsilip ko sa glass wall?
Pirmi akong naupo sa office chair ko at nakiramdam sa paligid.
"Nakakahiya," mahinang sambit ko at mabilis na inayos ang gamit ko upang makauwi na.
Maaga akong gumising upang ihanda ang mga gamit ko pati ang mga nabili kong office supplies sa bookstore para ilagay sa office table. Ginawa ko lang ding natural ang make-up ko ngayon at binagayan ito ng suot kong white long sleeve blouse and brown fitted long skirt with brown suit.
"Wala ka bang paper bag?" tanong ni Alezia habang inilapit ang mukha nito sa video call. "Hindi bagay kung ilalagay mo sa plastic iyong mga gamit mo. Adik ka ba? Professional, Staizy. Propesyonal."
"How about this? Brown paper bag?"
"Magmumukha ka ng brownie niyan. Instead na brown, bakit hindi white paper bag? Mas bagay sa suot mo at magmumukha kang eleganteng tao," ngiting saad nito kaya kinuha ko ang white paper bag na binili ko rin at isinalpak ang mga gamit na dadalhin ko mamaya.
"Pero iyong make-up ko, okay ba? Tama lang ba? Medyo ba makapal?" sunod-sunod kong tanong.
"Nag-make-up ka ba? Parang wala naman kasi. Medyo dagdagan mo naman ng kaunti," suhestiyon nito. "At bakit ba todo paganda ka? Huwag mong sabihin na aakitin mo apo ni Chairman Vikero?"
Sinamaan ko ito ng tingin. "Hindi mo ba alam sinabi ni Will Rogers? You never get a second chance to make a first impression," saad ko.
"Balak mong magkaroon ng good impression?"
"Yes, nadali mo! Hindi ko alam pero pagkagising ko ngayon parang may nag-uudyok sa akin na I want to be his perfect secretary."
"Hindi kaya nahumaling ka lang sa kwento ni Maurine? Ano naman kung bilyonaryo siya? Panigurado na sobrang tanda na no'n at baluktot na ang likod," saad nito pero hindi na ako natigilan dahil sa alam ko naman na rin ang bagay na iyon. "Hays, sure na mas gwapo pa si Rance ro'n. At pagbalik ni Rance, mas sigurado akong mas mayaman siya kumpara sa lalaking iyon."
"Sa kompanya ka rin niya nagtatrabaho, paano mo nasasabi iyan?" nagtataka kong tanong. "At bakit nadawit si Rance?"
Tinapos ko na ang call kaysa magsiraan kami ng araw ngayon.
Pero natigilan ako nang mapagtanto ko na medyo bukang-bibig ko nga si Mr. Vikero. Pero hindi ba pwedeng natutuwa lang ako na magtrabaho sa isang successful corporate group?
Nauna ng umalis si Tita Tonia bago pa mag-ala singko. Kaya hindi na ako nakapagpaalam tulad ng nakasanayan.
Bumiyahe na agad ako papuntang Vikero company. Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko ngayon. Siguro dahil sa nag-small celebrate rin kami ni Tita Tonia kahapon.
Tumingin sa akin ang isang security pagkarating ko ng lobby kaya mabilis kong kinuha ang ID ko sa bag na nakalimutan kong suotin.
Napangiti ako ng bawat hakbang ko sa lobby ay tumutunog ang heels na suot ko.
It sounds like women's power.
Ngunit napahinto ako nang mapansin ko na sa kabilang elevator area ay sobrang daming naghihintay habang ang elevator area na nasa harapan ko ay halos multuhin sa sobrang walang taong gumagamit nito.
"Sira ba elevator dito?" tangang tanong ko na naglakad palapit dito upang kumpirmahin.
Ngunit mabilis ko agad na hinarang ang dala kong paper bag nang magsasara na sana ang elevator door.
Kagat-labing ngumiti ako nang bumukas ito na tila nanalo ako sa lotto na naabutan ko pa ito. Pero natigilan agad ako nang makita ko ang isang lalaki na naka-black suit na pirming nakasandal sa handrail.
Tila napako ako sa kinatatayuan kong sinalubong ang tingin niya.
Hindi ko alam but his aura speaks power and elegance.
His eyes? It's full of charm.
"Sasakay ka ba o hindi?" malalim na boses nito.
Hindi ako nakasagot at pumasok na lang na nakayuko. Tila ang kaninang confident walk ko ay kumupas na kasabay ng ngiting pinagpraktisan ko pa kagabi.
Bakit ako kinakabahan? As if naman na kakainin niya ako.
Isinuksok ko na lang ang sarili ko sa kabilang gilid malapit sa cabin operating panel ng elevator.
"Executive?" dinig kong tanong nito pero umiling na lang akong hindi ito tinitingnan. "You are not executive, Miss?"
"N-No, I am not executive," klarong sagot ko na hindi pa rin ito tinitingnan.
"You are on the wrong elevator, then. This is only for executives."
Natigilan ako sa sinabi niya at nakangiwing tiningnan ito. Pero nabigla ako na titig na titig siyang nakatingin sa akin ngunit pirming-pirmi pa rin siyang nakasandal habang naka-cross armed.
"A-Ah, I'm new here kaya medyo hindi ko pa kabisado," nasabi ko na lang habang napapakamot sa batok ko "Hindi ko alam na may executive elevator pala. Don't worry, this is my first and last mistake."
This is for executives? It means he's an executive. Kaya pala medyo kakaiba ang pormahan nito. I'm sure member ito ng board of directors tulad ng sinabi ni Maurine na binubuo ito ng mayayaman at makapangyarihang pamilya.
"It is not an excuse," masungit nitong saad.
Hindi na ako nagsalita matapos kong marinig ito. Binabawi ko na lahat ng papuri sa utak ko sa kaniya dahil sa huli nitong sinabi. Malay ko ba na private elevator ito. Kaya pala parang mumultuhin na sa kakaunti lang ang sumasakay. Dahil for only executives lang pala ito.
Pero ano naman kung sasakay kaming ordinary workers dito? Pare-pareho naman kaming anak ng Diyos.
Ah. I forgot. It's part of their privilege.
BINABASA MO ANG
Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)
RomanceStaizy Mitch Claveria decided to move to La Castellano because of the sponsorship offered for her mother's medical treatment. She applied to be the new personal secretary of Caleb Dale Vikero because of her financial status. Caleb is the most pruden...